You are on page 1of 8

Pagtaas ng Bulnerabilidad at Potensyal na Sakuna Dulot ng Mabilisang

Pagtaas ng Populasyon
PANGKAT 1
Beyonce Torno, Daphne Vitug, Bea Navarro,
Maisha David, Ben Opguar, Zhongtian Zhang

Sequence Script

EKSENA #1: Ang Kalagayan ng Pilipinas sa Kasukdulan ng Pandemya (Maisha)

Tunog: Best of Sad Cinematic Background Music / Emotional Dramatic Music Instrumental - by
AShamaluevMusic

Biswal: Gumamit ng iba’t ibang uri ng paggamit, posisyon, at paggalaw ng kamera:


establishing, medium, eye level, close-up, low angle, at pan.
https://youtu.be/iOE6rAY8l-k
Pandemic | Short cinematic video
Black screen with just text:
“Sa taong 2020 pa lamang, may kabuuang 613,936 ang nairehistrong bilang
ng namatay sa Pilipinas. Samantalang ang taong 2021 ang kinukonsiderang
“pinaka-nakamamatay” na taon sa buong istorya ng Pilipinas. Ayon sa
Commision on Population and Development nakapagtala ng mahigit sa
879,000 bilang ng namatay. Ang nabanggit na pigura ay nanggaling sa
Philippine Statistics Authority (PSA).”

Kilos: Ipinapakita ang mga realidad na pangyayari nung nasa kasukdulan ng pandemya ang
bansa.

Diyalogo: X

EKSENA #2: Ang Karaniwang Larawan ng Populasyon sa Pilipinas (Maisha)

Tunog: Magnetic - Documentary Background Music


Biswal: Gumamit ng iba’t ibang uri ng paggamit, posisyon, at paggalaw ng kamera: aerial,
pan, extreme long shot, long shot, eye level, parallel.
odette/youtu.be/01mwl5kRAyU
Philippine Construction Boom: City Explorer Plus Year-End Special 🇵🇭
Earthquake in Philippines leaves evacuees recovering in aftermath of powerful quake

Kilos: Ipinapakita ang mga natural na sakuna at karaniwang larawan ng populasyon sa


bansa.

Diyalogo: X

EKSENA #3: Paghahayag ng mga Miyembro ng Introduction (Bea)

Tunog: Best of Sad Cinematic Background Music / Emotional Dramatic Music Instrumental - by
AShamaluevMusic

Biswal: Gumamit ng Close-Up Shot, Eye Level Shot, at medyo madilim na lighting

Kilos: Ipinapahayag ng mga miyembro ang diyalogo.

Diyalogo:
Bea: “Ang sangkatauhan ay nagiging mas vulnerable sa mga natural na sakuna,
karamihan ng sanhi ay ang mabilisang paglaki ng populasyon.”

Daphne: “Sa pagkalimitado ng lupain sa planetang ito, at sa patuloy na pagtaas ng


populasyon, parami nang parami ang mga tao na naninirahan sa ibang parte ng
mundo, anuman ang kanilang uri, maging sila ay nasa lungsod, lalawigan, o
baybayin.”
Beyonce: “Mula sa paglaki ng populasyon, ang kahinaan at potensyal na disgrasya ay
tumataas tuwing may sakuna. Sa mga simpleng termino, ang mas maraming tao ay
katumbas ng mas maraming apektado na tao.”

Maisha: “Dulot ng industriyalisasyon, maaasahan ang mas mataas na bilang na


masasawi sa mga urban na lugar na naglalaman ng matataas na gusali kapag
dumating ang isang lindol;

Zhongtian: “sa mga panlalawigan, ang mga pagsabog ng bulkan; at sa mga baybayin,
ang tsunami at coastal flooding.

Ben: “Bilang karagdagan, ang epekto ng mga sakuna, tulad ng pagbabago ng klima at
mga pandemya, ay tataas sa buong mundo. Marahil na sa hinaharap, makakaranas
tayo ng mga sakuna na magdudulot ng kapahamakan at mortalidad ng mas maraming
tao kaysa dati; at sandali na lang bago tayo ay magkaroon ng isang kalamidad na
magbubunga ng isang milyong na kaswalti.”

EKSENA #4: Mga References (Bea)

Tunog: Best of Sad Cinematic Background Music / Emotional Dramatic Music Instrumental - by
AShamaluevMusic

Biswal: Gumamit ng Close-Up Shot, Eye Level Shot, at medyo madilim na lighting.

Kilos: Ipinapahayag ng mga miyembro ang diyalogo.

Diyalogo:
Maisha: “Unang inilathala noong 1984, binanggit ng aklat na "Natural Disasters" ang
isang linya na nagsasabing hindi natin maiiwasan ang mga natural na kalamidad. Sa
kabilang banda, ang pagkasira ng kapaligiran (na sanhi ng populasyon) at mabilis na
paglaki ng populasyon ang nagiging dahilan kung bakit ang mga kalamidad na natural
na nangyayari ay nagiging malaking kaganapan.
Beyonce: “Pinag-aralan ng University of Chicago Press Journals ang mga natural na
sakuna at ang mga epekto nito sa kabuuan. Ang pangkalahatang konklusyon ng
pag-aaral na ito ay: ang paglago ng ekonomiya at populasyon ang naging
pangunahing dahilan ng pagtaas ng direktang natural disaster losses sa paglipas ng
panahon. Ipinakita ng kanilang pagsusuri na ang mga natural na sakuna ay may
negatibong direktang kahihinatnan tulad ng mataas na pagkalugi ng ari-arian sa mga
first-world countries at mga kaswalti sa ibang mga bansa na second and third-world
countries dahil sa paglaki ng populasyon.”

EKSENA #5: Pagmumungkahi ng Isang Sakuna sa Pilipinas na Konektado sa


Populasyon (Bea)

Tunog: Best of Sad Cinematic Background Music / Emotional Dramatic Music Instrumental - by
AShamaluevMusic

Biswal: Gumamit ng Close-Up Shot, Eye Level Shot, at medyo madilim na lighting.
M​atitinding ​pagbaha​posibleng maranasan sa 2030s — NASA | GMA News Feed
https://www.philstar.com/headlines/2021/07/01/2109512/rising-seas-flooding-may-put-154m-p
eople-manila-city-risk-2030-report
https://www.philstar.com/headlines/2019/11/06/1966508/30-years-rising-seas-will-threaten-phil
ippine-cities-towns-home-68m

Kilos: Ipinapahayag ng mga miyembro ang diyalogo.

Diyalogo:
Bea: “Ang pagtaas ng dagat, pagbaha ay maaaring ilagay sa panganib ang isang
milyon na katao sa Lungsod ng Maynila pagsapit ng 2030 —

Ito ay ulat na ipinahayag ni Gaea Katreena Cabico mula sa Philstar.com na inilathala


noong Hulyo 1, 2021.

Ayon sa pagsusuri ng Greenpeace East Asia, may kabuuang isang milyon at


limampu't apat na libo na katao ang naninirahan sa Lungsod ng Maynila at tatlumpu’t
pitong kilometro kwadrado ng kalupaan ang posibleng maapektuhan ng matinding
pagtaas ng lebel ng dagat at pagbaha sa baybayin sa 2030 kung magpapatuloy ang
mga greenhouse gas emissions. Hindi pangkaranihan ang kasabihan na ang mga
greenhouse gas emissions na ito ay dulot ng sangkatauhan, lalo na ang pagdami ng
populasyon ay magdudulot ng pagtaas sa mga emisyong ito.

Ben: "Ang mga pwedeng tamaan na lugar ng pagbaha, kung tumaas ang antas ng
dagat, ay yung mga lugar na matataas ang populasyon pati na rin ang mga komersyal
at kultural na lugar sa sentro ng lungsod, mga lugar na may mataas na density ng
tirahan mula sa sentro ng lungsod, mga industriyal na lugar, pati na rin ang mga lugar
ng mga ahensya ng gobyerno," binasa ng ulat.

Beyonce: Ang mga landmark at destinasyong panturista tulad ng Binondo, Intramuros,


Palasyo ng Malacañan, at Pambansang Monumento ng Jose Rizal sa Luneta Park ay
posibleng mabahaan. Ang Maynila, isa sa mga pinakamasikip na lungsod sa mundo,
ay lalong madaling kapitan ng mga pagbaha na pinagsasama ng pagtaas ng lebel ng
dagat.

Daphne: Iminungkahi ng mga agham na ang lebel ng dagat sa Manila Bay ay


tumataas ng labingtatlo na milimetro bawat taon, at ang Metro Manila ay lumulubog sa
bilis na sampung sentimetro bawat taon bilang resulta ng mabilis na groundwater
extraction dahil sa paglaki ng populasyon at urbanisasyon.

Dito ay makikita ang maliwanag na koneksyon ng populasyon at mga sakuna. Ang


sangkatauhan ay ang nagdudulot ng mga salik na lumilikha sa mga sakuna na ito.
Tangi sa ryan ay hindi maililihim ang katotohanan na ang mismong sangkatauhan na
sanhi ay siya ang apektado, at bilang karagdagan, dahil sa pagtaas ng populasyon, ay
mas marami kada sakuna ang mga biktima.”

EKSENA #6: Panayam kay Binibining. Catherine Martinez (Daphne)

Tunog:
Biswal: Gumamit ng Close-Up Shot at Eye-Level Shot

Kilos: Ang kinakapanayam ay sumasagot sa mga tanong itinalaga sa kanya.

Diyalogo:

1. Tanong: Ipakilala ang iyong sarili.


Sagot ni Binibining. Catherine Martinez:

2. Tanong: Ano ang masasabi mo tungkol sa kaugnayan ng paglaki ng populasyon at


mga natural na kalamidad? Sa palagay mo ba ay may mas mataas na panganib at
bulnerabilidad kapag tumama ang mga natural na sakuna dahil sa paglaki ng
populasyon? Maaari ka bang magsabi ng anumang balita, kaganapan, o karanasan
upang i-back up ito?
Sagot ni Binibining Catherine Martinez:

3. Tanong: Bilang isang taong may karanasan at may kaalaman sa iba’t ibang aspeto ng
buhay, ano ang pagkakaiba ng mga pangyayari noon at ngayon sa mga tuntunin ng
paglaki ng populasyon?
Sagot ni Binibining Catherine Martinez:

EKSENA #7: Panayam kay Ginoong. Jose Antonio Mercado Rivera at Binibining. Fleur
Zapanta (Daphne)

Tunog:

Biswal: Gumamit ng Close-Up Shot at Eye-Level Shot

Kilos: Ang mga kinakapanayam ay sumasagot sa mga tanong itinalaga sa kanila.

Diyalogo:
1. Tanong: Ipakilala ang iyong sarili. Ano ang iyong trabaho at gaano ka na katagal sa
propesyon na ito?
Sagot ni Binibining. Fleur Zapanta:
Sagot ni Ginoong. Jose Antonio Mercado Rivera:

2. Tanong: Ano ang pagkakaiba ng operasyon ng ospital o Flagship program mga 5-10
na taon noon sa operasyon ngayon?
Sagot ni Ginoong. Jose Antonio Mercado Rivera:
Sagot ni Binibining. Fleur Zapanta:

3. Tanong: Sa palagay mo ba ay hindi magiging malala ang epekto ng mga sakuna tulad
ng lindol, pagsabog ng bulkan, coastal flooding, at maging ang COVID-19 kung hindi
malaki ang populasyon? Bakit?
Sagot ni Ginoong. Jose Antonio Mercado Rivera:

4. Tanong galing kay Binibining. Fleur Zapanta: Sa tingin mo ba ang Pilipinas sa


kasalukuyan ay nararanasan ang overpopulation?
Sagot ni Ginoong. Jose Antonio Mercado Rivera:

Mga tanong na hindi tinanong, ngunit nasagot:


1. Sa iyong palagay, ang paglaki ng populasyon ay isa bang disadvantage sa iyong
trabaho?
2. Sa pagtaas ng populasyon, mayroon din bang pagtaas ng mas mabuting healthcare?
3. Kapag dumadating ang isang sakuna, ano-ano ang ginagawa ng Mabalacat
Government upang tugunan ang pangangailangan ng mamamayan?

EKSENA #8: Outro: Mga Solusyon Para sa Isyu na Tinalakay (Beyonce, Ben, Z)

Tunog: Inspiring Documentary Background Music

Biswal: Gumamit ng Close-Up Shot at Eye-Level Shot at maliwanag na lighting.


Kilos: Ipinapahayag ng mga miyembro ang diyalogo.

Diyalogo:

Zhongtian: “May mga ilan na posibleng solusyon para sa isyu na ito. Kagaya ng sinabi
ni Binibining. Catherine Martinez, ang mga indibidwal na ngayon ay mas dilat sa
epekto ng populasyon. Bagaman ay hindi medyo pinaguusapan ang koneksyon ng
mabilisang paglaki ng populasyon sa mga natural na sakuna, ang unang hakbang
patungo sa paglutas ng isang problema ay gayunpaman ang pagiging maalam. Sa
pamamagitan ng paghahayag ng isyu na ito sa telebisyon, sa mga news article, at
maging sa mga simpleng dokumentaryong ganito, ay mapupukaw ang kaalaman ng
publiko. Tangi sa ryan, ang mga ospital ngayon ay nagkakaroon ng staff shortages.
Mabuti na meron pagsulong ang teknolohiya at mga kagamitan, kagaya na sinabi
ni Binibining. Fleur Zapanta.

Maisha: Ngunit, ayon kay Ginoong. Jose Rivera, kailangan na, sa pagtaas nito at
pagtaas ng populasyon, ay makisama ang pagtaas sa personnel ng healthcare,
ang mga taong naglilingkod katulad ng mga doktors, mga nars, at mga frontliners.
Kapag lamang sumabay ang kabuuan ng healthcare sa lakad ng populasyon ay
aangat ang ating bansang Pilipinas. Ngunit, hindi ito ang kaso sa ating bansa. Sa
pagtatapos ng araw, bumabalik ang isyu sa mabilisang paglaki ng populasyon.”

Isang dokumentaryo na binuo nina:


● Beyonce Torno bilang Manunulat & Talent sa pagayos ng panayam
● Daphne Vitug bilang Manunulat
● Bea Navarro bilang Manunulat & Editor & Talent sa pag-panayam
● Maisha David bilang Manunulat & Mananaliksik
● Ben Opguar bilang Manunulat & Mananaliksik
● Zhongtian Zhang bilang Manunulat & Mananaliksik

You might also like