You are on page 1of 7

RADIO SCRIPT

DZAS 1.25 RADYO ALISTO


FEBRUARY 19, 2020

MUSIC INTRO

OBB: Mula sa bulwagang pambalitaan (INSERT LASER SFX)

Himpilan at sandigan ng bayan. (INSERT LASER SFX)

Ito ang DZAS uno bente singko Radyo Alisto

Sigurado, Alerto, Garantisado! DZAS RATSADA BALITA

MUSIC UP…FADE TO BED…

ANCHOR 1: Mga kaganapang napapanahon sa loob at labas ng bansa

ANCHOR 2: Mga isyung tinututukan

INTRO: DZAS! Sa loob ng limang minuto maghahatid ng balitang siksik at


umaatikabo

Narito na ang tambalang Renz at Mary

Ito ang Ratsada Balita

ANCHOR 1: Magandang Umaga Pilipinas!

Ngayon ay araw ng Huwebes, ika- dalawampu’t pito ng Pebrero


dalawang libo’t dalawangpu

Ako ang inyong kabalitaan, _____________

ANCHOR 2: At ako naman ang inyong kaagapay, _____________

ANCHOR 1 & 2: Ito ang Ratsada Balita

ANCHOR 1: Sa mga ulo ng nagbabagang balita


HEADLINE 1

VOICE: DZAS!

ANCHOR 2:

HEADLINE 2

ANCHOR 1:

HEADLINE 3 500 residente, nakinabang sa libreng medical at surgical


mission sa Gumaca, Quezon

ANCHOR 2:

HEADLINE 4
Mahigit sa limang-daan na residente ng Gumaca, Quezon at kalapit na mga bayan ang
nakinabang sa isinagawang medical at surgical mission. Samantala, nasa isang libong
pasyente ang nakinabang sa libreng dental check-up at bunot ng ngipin.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga pasyente na sumailalim sa operasyon at libreng


konsulta.

Ayon kay medical mission coordinator Ernie Rosas, pangalawang beses na nilang
naisagawa ang programang ito sa tulong ng mga Amerikanong doktor at nurse na
nakabase sa bansa.

Pag-ayos ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at ng Iraq,


welcome na sa Whitehouse.

Ayon kay US Secretary of State Mike Pompeo, isang indikasyon ng committment ng


Taliban sa peace talks ang positibong tugon nito sa panawagang bawasan ang pag-
atake at karahasan.

EPEKTO NG NCOV
02/11/20
10:30 am
Loterina
Naaalarma na si pangulong Duterte sa epekto ng 2019- coronavirus sa ekonomiya ng
ating bansa. Sinabi ni Socio- economic planning Secretary Ernesto Pernia na aabot sa
mahigit isang daang bilyong piso ang mawawala sa ekonomiya kung tatagal ang krisis
sa coronavirus ng hanggang Disyembre. Lubhang apektado na rin ang sektor ng
turismo dahil sa naturang sakit. Ayon kay Paneli, pursigido ang pamahalaan na mahinto
ang pagkalat ng N-CO-V

LAGUNA LABAN SA NCOV


02/11/2020
10:30 am
Arceo
Ang pamahalaan ng lungsod ng Laguna ay handa na upang labanan ang Novel
CoronaVirus o 2019 N-Co-V. Ayon kay Gobernador Ramil L. Hernandez, binigyang
prayoridad ang buhay at kalusugan ng pamilya ng mga Lagunense laban sa sinasabing
virus. Sa tulong ng Provincial Health Office (P-H-O) at ang mga Municipal Health Units
ng lungsod mas mapalakas nito ang paghahanda at pagmomonitor sa probinsya upang
labanan ito.

BAKUNA VS. NCOV


02/11/2020
10:30 am
Acomular
Posibleng sa susunod na taon pa mailabas ang bakuna para sa 2019 novel
coronavirus. Ayon kay Dr. Robin Shattock, hindi nila maaaring madaliin ang
pagsisiyasat sa bakuna at sa taong 2021 pa ito maaaring mailabas sa publiko. Nagpayo
muna sa ngayon si Shattock sa publiko na sumunod sa mga paalala ng health
authorities para makaiwas sa nasabing virus. R.T. 0:30 seconds

PUI TUMAKAS
02/11/2020
10:30 am
Salamat
Nahanap na ang isang person under investigation o P-U-I ng novel coronavirus (N-Co-
V) na napaulat na tumakas sa isang ospital sa Cavite. Ito ay nasa panga-nga-laga na
ngayon ng Research Institute for Tropical Medicine o R-I-T-M. Ang nasabing pasiyente
ay isang Pinoy na kabilang din sa P-U-I mula sa Dumaguete City. Ayon kay Department
of Health (D-O-H) Calabarzon, Regional Director Eduardo Janairo. Pinalabas umano
ang pasiyente matapos na lagnat lamang ang resulta ng kanyang pagsusuri sa isang
ospital sa Silang Cavite. Samantala, sinabi rin ni Janairo na naghanda na ang D-O-H
Calabarzon sa mga posibleng kaso ng 2019 N-Co-V. RT: 35 secs

THAILAND BALIK NORMAL


02/11/2020
10:30am
Elarco
Naumbalik sa normal ang sitwasyon sa Nakhon Ratchasima, Korat City, Thailand kung
saan madugong namaril ang isang sundalo. Tatlongpu't katao ang namatay sa loob ng
Terminal 21 mall. Nagkalat na mga bulaklak at sulat sa harap ng mall ang inilagay ng
mga taong nakikiramay sa pamilya ng mga namatay. RT: 0:30

CALIDA NAMERSONAL
02/11/2020
10:30 AM
Abuan
Solicitor Gen. Jose Calida pinersonal ang isang reporter ng A-B-S- CBN. Sinasabing
humihingi lamang ng kopya ng quo warranto petition ang reporter kay Calida tungkol sa
pagpapawalam-bisa ng prangkisa ng Kapamilya Network pero hindi pinagbigyan ni
Calida ang reporter kundi maaanghang na salita ang natanggap ng reporter. Imbis na
paunlakan niya raw ang panayam ng media, minabuti niya raw i-"single out" at
i-"harass" ang nabanggit ayon sa National Union of Journalist of the Philippines. RT:
0:30

NCOV QUARANTINE ROOMS


02/11/2020
Azores
Isinusulong ni Senator Bong Go na magkaroon ngquaratine rooms sa lahat ng
pampublikong ospital sa bansa.
Ayon sa senador, sa pamamagitan nito ay magiging madali na sa pamahalaan na
kumilos upang mapigil ang pagkalat ng anomang infectious disease katulad ng
paglaganap ng 2019 novel corona virus.
Batay sa kasalukuyang sitwasyon, nahirapan ang Health Department at iba pang
ahensiya sa paghahanap ng quarantine areas para sa 2019 N-CO-V dahi kaunti lang
ang bilang nito sa bansa.
Tinitiyak din ng senador namahigpit niyang mino-monitor ang sitwasyon ng N-CO-V sa
bansa gayundin ang pagtatakda ng standard protocols para maiwasan ang pagpapanik
ng publiko.
Isang bayan sa Mindanao tinamaan ng African Swine Fever

IRAQ ROCKET ATTACK/COPY

US embassy sa Iraq capital, tinamaan ng rocket attack

Tumama ang ilang rockets sa U-S embassy sa capital ng Iraq. Ito ang pinakabagong pag-atake simula
noong Oktubre laban sa U-S assets sa naturang bansa kung saan target ang embahada o ang mahigit
limang libong U-S troops na nakaposisyon na malapit sa local forces ng Iraq.

Ayon sa Western diplomat, nagpakawala ng warning sirens sa buong compound, pero hindi malinaw
kung ano ang tinamaan at kung ilan ang rockets ang tumama.

Wala naming naiulat na namatay at nasugatan.

Program Type: News Program


Program Title: Ratsada Balita
Length: 5 minuto
Date: Pebrero 26, 2020

1 TAPE : STATIO ID
2
3
4
5
6
7
8

You might also like