You are on page 1of 7

5 OFW sa Dubai nasunugan

Rachel Salinel, ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2019 01:07 PM | Updated as of Aug 07 2019 03:40 PM

DUBAI - Ligtas ang limang Pinay sa sunog na naganap sa kanilang flat sa Dubai International City, Martes
ng gabi dahil na rin sa maagap na pagresponde ng Dubai Civil Defense.

Pahayag ng isa sa mga biktima na si Cristina Mina, napakabilis kumalat ng apoy na galing sa kanilang
kuwarto. Sa sobrang bilis, wala raw silang nabitbit na gamit.

Maagap din ang pagdating ng tulong sa kanila galing sa mga kababayan na nakatira sa gusali kung saan
naganap ang sunog.

Isa sa agarang tumulong ay si Michael Bandigan na may bakery sa lugar. Matapos pakainin sina Mina at
apat pang kasamahan niya, tumuloy sila sa apartment ng isang kaibigan para doon matulog.

Samantala, handa namang patuluyin sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) compound ang mga
nasunugan habang sila ay walang matutuluyan.

“They can proceed to POLO anytime,” ayon kay Labor Attaché Felicitas Bay.

Isa rin si Cathy Ordonez, isang human resources manager sa Dubai, sa nag-alok ng pansamantalang
matitirahan sa mga nasunugang Pinay. May mga damit rin siyang inialok sa kanila.

Handa na ring kumilos ang Bayanihan Festival Group na pinangungunahan ng chairman nito na si Josie
Conlu Romulo sa Dubai.

“Maghihintay na po kami ng mga tulong,” ani Romulo.


Naka visit visa ang dalawa sa kasamahan ni Mina habang tatlo ay mga live-out nannies sa Dubai.

Iniimbestigahan pa ng awtoridad ang pinagmulan ng sunog.

Climate change may ambag sa paglobo ng dengue cases sa bansa?

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2019 06:56 PM

ABS-CBN

NEWS

LOGINEXPLORE ABS-CBN

Home > News

TV Patrol

Climate change may ambag sa paglobo ng dengue cases sa bansa?

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2019 06:56 PM

Save

Facebook

Twitter

LinkedIn
Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Naniniwala ang isang eksperto na ang pagbabago sa klima ay nakaapekto sa pagtaas ng kaso
ng mga nagkaka-dengue sa bansa ngayong taon.

Tingin ni Dr. Rontgene Solante, isang infectious diseases expert, nagkaroon ng paglobo sa dengue cases
dahil hindi na maituturing na "seasonal" ang naturang sakit dahil sa climate change.

"Wala na tayong seasonal episode ng increase ng dengue. It's usually year-round... [Dahil sa] climate
change, nabubulabog ang mosquito. They go from one place to another and they always look at an area
that is conducive to breed," paliwanag ni Solante, pinuno ng San Lazaro Hospital-Adult Infectious
Diseases and Tropical Medicine Department.

Nakakaapekto rin umano ang malaking populasyon sa lugar na maraming kaso ng dengue.

Ito rin ang nakikitang dahilan sa Barangay Payatas, na may pinakamataas na kaso ng dengue sa Quezon
City ngayong taon.

"Siguro dahil napakalaki ng Payatas. We're about 300,000 na po ngayon... Isa 'yun sa mga factors kaya
napakalaki ng turnout ng patients," ani Florante Clarita, barangay administrator ng Payatas.

Ayon sa mga eksperto, hindi lang sa mga estero at kanal nangingitlog ang lamok dahil kahit sa maliliit na
bottle caps ay puwedeng maipon ang tubig at pamugaran ng lamok.

Sa huling tala ng Department of Health, pumalo na sa 167,606 ang dengue cases mula Enero-Hulyo 27,
2019, ang pinakamataas sa loob ng 5 taon.

—Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News


Ilang artistang Pinoy, crew nahirapan mag-shooting sa HK sa gitna ng protesta

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2019 06:55 PM

Naranasan ng ilang artistang Pinoy na nagsho-shooting sa Hong Kong ang tensiyon sa gitna ng patuloy na
protesta doon. Nagpa-Patrol, Jacque Manabat. TV Patrol, Linggo, 11 Agosto 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa

BALIKAN: Ateneo, wagi kontra La Salle, kampeon sa UAAP men's basketball

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2017 08:36 PM

Nanaig ang Ateneo Blue Eagles kontra karibal na De La Salle Green Archers para masungkit ang
kampeonato sa UAAP Season 80 men's basketball tournament nitong Linggo.

Isang mainit na fourth quarter run ang pinakawalan ng Ateneo para tuluyang iwan ang La Salle, 88-86, at
maagaw sa kanila ang korona.

Umpisa pa lang ng laban, agad ipinakita ng Blue Eagles ang determinasyon. Lumamang pa sila ng 10 sa
pagtatapos ng unang quarter, 24-14.

Pagdating ng ikalawang quarter, pinilt ng La Salle na bumalik sa laban sa pamamagitan ng shooting at


inside plays nina Ricci Rivero at season Most Valuable Player Ben Mbala.

Nagtapos ang unang half sa iskor na 45-38, lamang ang Ateneo.

Nagpakitang gilas ang Green Archers sa third quarter. Tumindi ang dipensa para maitabla ang iskor sa 66.
Ito ang unang kampeonato ng Ateneo makalipas ang limang taon, nang tuldukan ng La Salle ang kanilang
five-peat domination.

Nagtala ng gate attendance na 22,000 sa Araneta Coliseum kung saan idinaos ang laro.

-- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Mga taga-NCR di dapat maging kampante sa dengue: Health official

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2019 08:38 PM

XPLORE ABS-CBN

Home > News

TV Patrol

Mga taga-NCR di dapat maging kampante sa dengue: Health official

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2019 08:38 PM

Save

Facebook

Twitter

LinkedIn
Watch more in iWant or TFC.tv

Nagbabala ang isang opisyal ng Department of Health (DOH) na hindi dapat maging kampante ang mga
taga-National Capital Region (NCR) kahit mas mababa ang naitalang mga kaso ng dengue rito kumpara sa
ibang rehiyon.

"This is a warning signal for everybody in NCR to be careful," ani Maria Paz Corales, assistant director ng
DOH-NCR.

Nalampasan ng NCR noong dulo ng Hulyo ang alert threshold ng mga kaso ng dengue.

Sa pinakahuling tala noong Agosto 3, nasa 10,349 na ang kaso ng dengue sa NCR, kung saan 45 na ang
namatay.

Quezon City, Maynila, at Caloocan ang mga lungsod na may pinakamaraming kaso.

Nalagpasan naman ng Taguig City ang epidemic threshold habang lumagpas na sa alert threshold ang
Muntinlupa City.

Sa buong bansa, pang-7 ang NCR sa mga rehiyon na may pinakamaraming kaso ng dengue.

Nagdeklara noong Martes ang DOH ng national dengue epidemic, 3 linggo matapos magtaas ng national
dengue alert dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng nasabing sakit sa ilang lugar sa bansa.

Sinabi rin ni Corales na hindi magiging sagot ang pagbabalik ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia sa
kasalukuyang national dengue epidemic dahil may prosesong kailangang pagdaanan sakaling alisin ng
DOH ang ban sa bakuna.
Magugunitang binawi ang certificate of product registration ng Dengvaxia matapos sabihin ng
manufacturer nitong Sanofi Pasteur na maaaring magdulot ang bakuna ng malubhang sintomas kapag
ibinigay sa mga taong hindi pa nagkakaroon ng dengue.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

You might also like