You are on page 1of 6

PSA: Presyo ng pagkain, kuryente, gas nag-ambag

sa pagbilis ng inflation

Matapos ang anim na sunod na buwang pagbagal, bahagyang bumilis ang inflation, ang antas ng pagtaas
ng presyo ng mga pangunahing bilihin, nitong Mayo.

Mula sa 3 porsiyento noong Abril, bumilis sa 3.2 porsiyento ang inflation noong nakaraang buwan.

Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, malaki ang naiambag dito ng presyo ng pagkain at
inumin, maging ang dagdag-presyo sa tubig, kuryente, at gas.

Pero nananatili sa ngayon ang antas ng inflation sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na nasa
2.8 hanggang 3.6 porsiyento.

Reaksyon:
Mga reaksyon sa balita:

1. Nagkaroon ng rollback dahil sa pagbagsak ng presyo ng langis sa


pandaigdigang merkado ayon sa Unioil.

2. Nakakaapekto rin umano ang malaking populasyon sa lugar na maraming


kaso ng dengue.
6 na barangay sa Compostela Valley, lubog sa baha

Umabot sa 675 na pamilya mula sa 6 na barangay sa bayan ng Pantukan sa Compostela Valley


ang apektado ng pagbaha, ayon sa mga awtoridad.

May 17 bahay ang totally damaged, sabi ni Kent Simeon ng Municipal Disaster Risk Reduction
and Management Office.

Kabilang sa mga binahang barangay ay ang Kingking, Matiao, Bongbong, Fuentes, Tambongon
at Napnapan na umabot hanggang 4 na talampakan ang taas ng tubig.

Dagdag ni Simeon, wala silang natatangap na warning mula sa PAGASA. Pero Lunes pa lang ay
panakanaka na ang pagbuhos ng ulan sa bayan.

Reaksyon:
ALAMIN: Mga batas na nagbabawal sa mga opisyal
na 'tumanggap' ng regalo

Maaaring parusahan alinsunod sa batas ang mga opisyal na tatanggap ng mga regalo, ayon sa
isang abogado.

May tatlong batas na nagbabawal sa mga opisyal na tumanggap ng mga regalo, ayon kay Atty.
Noel Del Prado sa "Usapang de Campanilla" nitong Lunes.

Ito aniya ang Presidential Decree 46, Republic Act (R.A.) 3019 o Anti-Graft and Corruption
Practices Act, at R.A. 6713 o Code of Ethical Conduct of Government Employees.

Pinaparusahan sa mga naturang batas ang mga tatanggap at magbibigay ng regalo.

Ayon sa R.A. 6713 at R.A. 3019, ang "gift (regalo)" ang isang bagay na ibinibigay bilang
pasasalamat (gratuity) o paghiling ng utang na loob.

Paliwanag ni Del Prado, iniiwasan ng batas ang "conflict of interest" na maaaring mabuo sa
pagtanggap ng ano mang regalo.

Reaksyon:
Presyo ng diesel may higit P1 bawas simula Martes

Nag-anunsiyo ang ilang kompanya ng langis na magpapatupad sila ng bawas sa presyo ng mga
produktong petrolyo simula Martes, Agosto 13.

Nasa P1.10 ang bawas-presyo sa kada litro ng diesel habang P0.50 naman sa kada litro ng
gasolina ang ipatutupad ng Total, PTT Philippines, Petro Gazz, Shell, Flying V, Petron, at Caltex.

Tatapyasan din ng Shell, Flying V, Caltex, at Petron ng P1.30 ang presyo ng kada litro ng
kerosene.

Nauna nang magpatupad ng bawas-presyo na may mga parehong halaga ang Seaoil at Phoenix
Petroleum noong weekend.

Reaksyon:
Climate change may ambag sa paglobo ng dengue
cases sa bansa?

MAYNILA — Naniniwala ang isang eksperto na ang pagbabago sa klima ay nakaapekto sa


pagtaas ng kaso ng mga nagkaka-dengue sa bansa ngayong taon.

Tingin ni Dr. Rontgene Solante, isang infectious diseases expert, nagkaroon ng paglobo sa
dengue cases dahil hindi na maituturing na "seasonal" ang naturang sakit dahil sa climate
change.

"Wala na tayong seasonal episode ng increase ng dengue. It's usually year-round... [Dahil sa]
climate change, nabubulabog ang mosquito. They go from one place to another and they
always look at an area that is conducive to breed," paliwanag ni Solante, pinuno ng San Lazaro
Hospital-Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Department.

Reaksyon:

You might also like