You are on page 1of 2

Ayon sa pinakahuling pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS), mahigit siyam sa 10

Pilipino na ang personal na nakaranas ng negatibong epekto ng pagbago-bagong panahon


dulot ng pag-init ng temperatura ng mundo sa nakalipas na tatlong taon — ang lahat ng
ito nangyayari kasabay ng pagtaas ng greenhouse gas emissions. Ito ang napag-alaman ng
SWS sa kalalabas lang nilang survey nitong Huwebes. Sa kanilang sample population,
lumalabas na nasa 93% ng mga Pinoy na nasa wastong gulang na ang nakaranas ng
epekto ng climate change. Ang bilang ng mga personal na nakaranas nito ay umakyat ng
6% kumpara noong Marso 2017 at 8% kumpara noong Marso 2013. Sa kabila nito,
kumonti naman ng 3% points ang mga nakaranas ng "severe" impact, bagay na na-offset
ng 10-point increase sa mga naka-experience ng moderate impact.

Pinagkunan: (SWS) Social Weather Stations, Department of Health

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2023/03/23/2253852/93-ng-pinoy-naranasan-hagupit-
ng-climate-change-sa-nakalipas-na-3-taon-sws

A. Detalye

Ano? Ang pagbabago ng ating panahon at pagtaas ng temperature o global warming sa bansang pilipinas.

Kailan? March 23, 2023. Ang climate change ay nangyayari ngayon sa ating bansang pilipinas at hindi
natin ito maiwasan dahil malaki na ang naapekto sa ating mga kabuhayan.

Saan? Sa bansang Pilipinas.

Sino? Lahat tayong mga pilipino ay apektado sa climate change.

Bakit? Dahil sa atin mga kagagawan ng tao na hindi tama na pag sunog sa mga basura na nakakasira sa
ozone layer ng earth, mga conversion ng lupa para sa pagpapatayo ng gusali at lalo na ang mga usok na
nanggagaling sa mga sasakyan. Simula ng tayo ay dumating sa Industrial Age, ang impluwensya ng tao
sa pagbabago ng klima ay mas lalong nadagdagan.

Paano? Bilang isang mag aaral paano ito maiwasan ay iwasan natin ang pag tapon ng basura, pagtitipid,
enerhiya, mag –recycle at ibahagi ang kaalaman. Tigilan ang illegal logging at pag sunog ng mga plastic
na bagay. Iwasan ang mga nagiging sanhi ng polusyon sa kalsada. Magtanim ng maraming puno.

Repleksyon:

Sa aking pagkakaintindi sa balitang ito ay dapat nating pangalagaan ang ating kalikasan dahil habang
tumatagal ay nag iiba ang ating panahon. Dahil din sa ating kapabayaan nagiging ma pang abuso tayo sa
ating kalikasan. Kaya bilang kaparusahan madalas bumabaha at pagtaas ng temperature dahil sa
pagputol ng mga puno na nagsisilbing proteksyon natin sa ano mang delubyo. Kaya bilang isang mag
aaral dapat nating pangalagaan natin ang ating kalikasan upang hindi tayo makakaranas ng mga
pagtinding baha at init.

You might also like