You are on page 1of 3

Panimula

Sa pagdaan ng mga taon, ang mga mga bagyo at mga tagtuyot ay lumalakas nang

lumalakas. Ang pagbabago ng klima ay nakakaapekto sa bagyo sa lakas ng pagbuhos ng ulan at

bilis ng takbo ng hangin (Knutson et al., 2020). Ito rin ang dahilan ng mas matinding mga

tagtuyot sa panahon ng El Niño (NICCDIES, 2020). Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa

Bulacan. Ang Bulacan ay isang probinsya mula sa Pilipinas, isang third-world country na

malapit sa karagatang Pasipiko, na may agrikultura na napipinsala ng mga malalakas na bagyo at

tagtuyot. Ang probinsyang ito ay may pook ng baybayin (coastal area) at malalawak na mga

palayan at hayupan, na kung saan ay maaaring makuhanan ng datos para sa pag-aaral na ito.

Ang pagbabago ng klima (climate change), ayon sa Reef Ressiliance Network (2014), ay

tumutukoy sa “mga pangmatagalang pagbabago sa klima na nangyari sa mga dekada, siglo o mas

matagal”. Sa pag-aaral na ito, ang pagbabago ng klima ay may kinalaman sa mas malalang

kondisyon ng panahon na may masamang epekto sa natural na yaman, sa kapaligiran, at sa

kalusugan ng tao. Ang pag-init ng mundo (global warming) ay tumutukoy sa pagtaas ng

pangkalahatang temperatura ng buong mundo dahil sa greenhouse effect (MacMillan, 2016). Sa

pag-aaral na ito, ang pag-init ng mundo ay may kinalaman sa mas matinding tag-init at tagtuyot

sa pagdaan ng mga taon. Ang bakas ng karbon (carbon footprint) ay ang dami ng greenhouse

gasses na inilalagay sa atmospera ng isang tao, pamilya, pangyayari, kumpanya o bansa. Sa pag-

aaral na ito, ang bakas ng karbon ay isang numerong estadistika na naglalayong sukatin ang

greenhouse gasses na nilalabas ng isang lugar.


Ang Pilipinas ay may mga malaking sektor ng agrikultura na nakasalalay sa natural na

yaman ng dagat at lupa. Ito ay naapektuhan ng pagbabago ng klima at pag-init ng mundo,

bagkus, naapektuhan rin ang ating ekonomiya at paraan ng pamumuhay. Ayon sa Kagawaran ng

Agrikultura, ang anumang pagkakadagdag ng isang degree sa kabuuang temeperatura ng mundo

ay mangangahulugang kabawasan ng sampung bahagdan (10%) sa kita ng isang alinmang uri ng

palay na aanihin. Pinapakita ng estadistikang ito na ang lawak at laki ng epekto nito sa ating

agrikultura. Ang pag-aaral na ito ang naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

(a) kaano kalaki ang epekto ng pagbabago ng klima at pag-init ng mundo sa agrikultura sa

probrobinsya ng Bulacan, at (b) kaano kalaki ang bakas ng karbon sa probinsya ng Bulacan. Ang

pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa mga magsasaka, mga namumuno sa industryang

agrikultura, at sa mga mananaliksik ng hinaharap. Ito ay makakatulong sa kanila sa pamamagitan

ng pagbibigay ng estadistika at analisis sa kasalukuyang kalagayan ng pagbabago ng klima

upang makapagbigay basehan sa mga gawaing panagrikultura.

Mga Sanggunian:

CRIOnline. (2017). Climate change, malaki ang epekto sa sektor ng sakahan. Kinuha mula sa

http://filipino.cri.cn/301/2017/01/11/101s147676.htm

Knutson, T., et al. (2020). Tropical Cyclones and Climate Change Assessment: Part II:

Projected Response to Anthropogenic Warming. Kinuha mula sa

https://journals.ametsoc.org/view/journals/bams/101/3/bams-d-18-0194.1.xml
MacMillan, A. (2016). Global Warming 101. Kinuha mula sa

https://www.nrdc.org/stories/global-warming-101

NICCDIES. (2020). Climate Change Impacts. Kinuha mula sa

https://niccdies.climate.gov.ph/climate-change-impacts

Reef Resilience Network. (2014). Panimula sa Pagbabago ng Klima. Kinuha mula sa

https://reefresilience.org/tl/community-based-climate-adaptation/climate-change-introduction

Takepart. (2016). What is a carbon footprint? Kinuha mula sa

http://www.takepart.com/flashcards/what-is-a-carbon-footprint/index.html

You might also like