You are on page 1of 7

Kamalayang Pangkapaligiran: Pagsusuri sa mga Karanasan

ng mga Mag-aaral na Grade 11 STEM sa Dr. Yanga's


Colleges Inc. sa Patuloy na Pagtaas ng Klima sa
Kasalukuyang Panahon

Mga miyembro ng grupo:

Acosta, Gielian Venisse S.


Alayan, Jasmine R.
Fabian, Aryana Jocelle B.
Felizardo, Janae Breianne
Garan, Naina Aivoree DC.
Pantoja, Jely Ann V.
Riño, Zoe Joschelle S.
Soriano, Joyce Celine R.
Rasyunale

Introduksyon

“Ang pagbabago ng klima ay isang katotohanan. Ang mga kahihinatnan, pinsala at

masamang epekto nito ay nararamdaman na sa buong mundo." — Heinz Fischer. Ang climate

change ay ang pangmatagalang pagbabago ng panahon at klima na may malinaw na epekto sa

isang lugar, rehiyon, at sa buong mundo, ayon sa National Aeronautics and Space Administration

(NASA). Ang pinaka-pangunahing dahilan ng climate change ay ang patuloy na pagnipis ng

ozone layer ng mundo, na siyang nagsasala ng mga ultraviolet (UV) rays mula sa araw na

lubhang mapanganib sa kalusugan ng mga tao. Dahil sa patuloy na pagnipis ng ozone layer, mas

lalong umiinit ang ating planeta, isang kondisyon na tinatawag na global warming o ang patuloy

na pagtaas ng temperatura sa mundo.

Ang pagtaas ng klima ay isa sa sa mga kasalukuyang hinaharap ng Pilipinas ngayon.

Ayon sa PAGASA, ang posibleng dahilan nito ay dahil sa obserbasyon na pagtaas ng

greenhouse gas concentration gawa ng aktibidad ng mga tao tulad ng pagsusunog ng mga fossil

fuels at pabago-bagong paggamit ng lupa. Ayon din sa World Health Organization, ang

pagbabago ng klima ay direkta ring nagdudulot ng mga krisis pangkatauhan mula sa mainit na

panahon, sunog sa kagubatan, baha, mga tropikal na bagyo, at bagyong dala ng malakas na

hangin.

Background of the Study


Batay datos ng World Health Organization (WHO), may 2 bilyong tao ang kulang sa

ligtas na inuming tubig at 600 milyon ang nagdaranas ng sakit mula sa pagkain kada taon, kung

saan ang 30% ay mga batang wala pang 5 taong gulang. Ang pagbabago ng klima ay

nagpapataas ng panganib ng sakit na dulot ng tubig at pagkain.

Sa kasalukuyan, nararanasan ng mga Pilipino ang sobrang init at maaaring pa itong lumala

sa paglipas ng panahon. Ayon sa PAGASA, mayroong mga lugar na may mataas na antas ng

heat index, na mula 42 hanggang 51°C. At dahil dito, nagbigay ng babala ang Department of

Health (DOH) na mag-ingat ang lahat dahil maaari itong mag dulot ng heat cramps at heat

exhaustion na may sintomas na fatigue, masakit ang ulo, at pagsusuka. Ang paglantad sa init ay

mataas ang posibilidad na magkaroon ng heat stroke, isang seryosong kondisyon na

nakamamatay kapag hindi naagapan.

Isinaad din ni Ratcliffe (2024) sa kaniyang balita na, isang “Historic Heat Wave” ang

nararanasan sa buong Timog-silangang Asya, Ang heatwave ay nauugnay sa kombinasyon ng

mga salik, kabilang na ang pagbabago ng klima na dulot ng mga gawain ng tao at ang nagaganap

na El Niño dahil dito ang mga pamahalaan sa buong rehiyon ay nakikipagbuno kung paano

tutugon sa nagaganap na krisis na ito. Sa Pilipinas, halos 4,000 na paaralan ang nagsuspende ng

mga personal na klase dahil sa heat index na pumalo na sa 42C sa ilang lugar, isang mapanganib

na antas, na binalaan ng weather bureau na maaaring magdulot ng heat cramps at exhaustion

Ratcliffe (2024). Ang phenomenon na ito ay patuloy na nararanasan bansang Philippines,

Indonesia, Thailand, Myanmar, Vietnam, and Malaysia (IQAIR | First in Air Quality, n.d.).

Ayon kay Maximiliano Herrera, isang climatologist at weather historian. Sa mga update na nai-
post sa X, sinabi niya na ang init na hindi pa naganap noon ay nangyari na sa unang bahagi ng

Abril at naitala sa monitoring stations sa buong rehiyon.

Kahalagahan

Layunin ng pag-aaral na ito na palawakin ang kaalaman tungkol sa epekto ng pagbabago

ng klima sa mga mag-aaral, gamit ang kanilang karanasan upang mas maunawaan nila ang bunga

at ang halaga ng mga pandaigdigang hamon. Ang layunin ng pag-aaral ay palakasin ang

pakikilahok at aktibismo ng mga mag-aaral partikular na ang mga STEM students sa usaping

pangkapaligiran, sa pamamagitan ng pagkilala sa kanilang mga pananaw na nagpapalakas din sa

kanilang tungkulin bilang tagapag tugon ng matatag na hinaharap. Bukod pa rito, ang mga

kaalaman na maaaring makuha sa pag-aaral ay may potensyal na magamit upang gabayan ang

mga policymaker at guro sa pagbuo ng epektibong patakaran at programa ukol sa usaping

pangkapaligiran, na naglalayong magbigay ng mas mabisang hakbang. Ang pag-unawa sa mga

karanasan ng mga mag-aaral ay maaaring maging inspirasyon upang likhain ang lokal na

inisyatiba na sumusuporta sa adaptasyon at mitigasyon ng pagbabago ng klima.

Layunin ng Pananaliksik:

Layunin nitong suriin at unawain ang mga epekto ng pagbabago ng klima sa pag-aaral at

karanasan ng mga mag-aaral sa Grade 11 STEM sa Dr. Yanga’s Colleges Inc. Layon nitong

tugunan ang mga sumusunod:

1. Pagtuonan ang mga sanhi at bunga ng climate change sa mga mag-aaral, lalo na sa

kanilang pang-araw-araw na buhay at pag-aaral.


2. Unawain ang mga pananaw ng mga mag-aaral sa mga hamon na dulot ng climate change

sa kanilang kapaligiran.

3. Magbigay ng mga rekomendasyon at solusyon upang maiwasan o maibsan ang mga

negatibong epekto ng climate change sa mga mag-aaral, kasama na ang pagpapalakas ng

kamalayan at pagtugon sa mga isyu ng kapaligiran.

4. Pagtukoy ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa paaralan kaugnay sa patuloy

na pagtaas ng klima.

5. Suriin ang mga pagbabago sa nakasanayang gawain ng mga mag-aaral sa paaralan upang

protektahan ang sarili at maiakma ang mga pagtugon na ito sa negatibong epekto ng

mainit na klima.

6. Pagtukoy sa mga aksyon na ginagawa ng paaralan upang magampanan ang kaligtasan ng

mga mag-aaral sa patuloy na pagtaas ng klima sa kasalukuyang panahon.

Metodolohiya-

Sa seksyong ito, nakalahad kung paano isasagawa ang pagkuha ng mga impormasyon at

matamo ang layunin.

Ang pagsasagawa ng interviews sa mga mag-aaral sa baitang labing-isa na kabilang sa

STEM strand ay ang magiging paraan upang makalikom ng mga impormasyon na makakatulong
sa pagsusuri. Sa paggamit ng Phenomenological bilang disenyo ng pananaliksik, masusuri ng

mga mananaliksik ang mga buhay at karanasan ng mga mag-aaral na STEM sa baitang labing-

isa. Makakatulong din ang paggamit ng Phenomenological upang mas makapagbigay ng mga

impormasyon tungkol sa pagbabago ng klima at ang epekto nito sa mga mag-aaral. Dagdag pa,

ang gagamitin na paraan ng pagkuha ng impormasyon ay Purposive Sampling. Ito ay isasagawa

sapagkat ang mga mananaliksik ay kukuha lamang ng impormasyon sa mga pili na mag-aaral ng

baitang labing-isa na kabilang sa STEM strand. Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng

interview sa mga pili na mag-aaral at kukuha lamang ng pitong mag-aaral.

Inaasahang Bunga

Sa kadahilanang patuloy ang pagtaas ng klima ng ngayong kasalukuyang panahon,

ang mga mananaliksik na maglalagay ng mga drinking water fountain na nakapalibot sa loob ng

buong paaralan. Sa pamamagitan ng ideyang ito, makakatulong ito para mabawasan ang mga

kaso ng dehydration, heat exhaustion, pagsakit ng ulo, at iba pang sakit na dulot ng mainit na

panahon. Ang bawat fountain ay libre para sa bawat tao sa DYCI, kaya’t mas tipid ito kumpara

sa pagbili ng mga bottled water. Ito rin ay magiging kaagapay sa pagbabawas ng paggamit ng

plastic water bottles na makakatulong sa pagbaba ng environmental damage. Sa kabuuan,

mainam ang pagkakaroon ng drinking water fountain sa paaralan sapagkat hindi lang ito

makakatulong sa kalusugan ng bawat indibidwal ngunit makakatulong din ito sa pagpapaunlad

ng malinis na kalikasan.

Inaasahang bunga ng programang ito na naglalayong bigyan ng kaalaman ang mga

mag-aaral tungkol sa pagbabago-bago ng panahon ang mas mataas na antas ng paghahanda at

kaalaman sa klima sa kanilang mga komunidad. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng maagang


impormasyon at pag-unawa sa mga pagbabago sa klima, ang mga mag-aaral ay magiging mas

handa at mas maagap sa pagharap sa mga hamon ng panahon tulad ng pag-init o pag-ulan.

Bilang resulta, mas mababawasan ang potensyal na pinsala at sakuna sa kanilang mga

komunidad, at mas mapapalakas ang kanilang kakayahang makibahagi sa pagpapahalaga at

pangangalaga sa kapaligiran.

Mga Sanggunian

Ratcliffe, R. (2024, April 4). Schools close and crops wither as ‘historic’ heatwave hits

south-east Asia. The Guardian. https://www.theguardian.com/environment/2024/apr/04/schools-

close-and-crops-wither-as-historic-heatwave-hits-south-east-asia

IQAIR | First in air quality. (n.d.). https://www.iqair.com/newsroom/heatwave-map-

spotlight-southeast-asia

World Health Organization: WHO. (2023, October 12). Climate change.

https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/climate-change-and-health

PAGASA. (n.d.). Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services

Administration: Climate change in the Philippines. ntp.pagasa.dost.gov.ph.

PAGASA. (n.d.). Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services

Administration: Impacts of Climate Change. ntp.pagasa.dost.gov.ph.

Department of Health (DOH): DOH warns against heat stroke. (n.d.). doh.gov.ph.

Ager, M. (2024, April 3). DOH chief reminds public: Hydrate, ‘cool off’ vs summer

diseases. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1925095/doh-chief-reminds-public-

hydrate-cool-off-vs-summer-diseases#ixzz8WEITDUVH

You might also like