You are on page 1of 3

Pangalan: Lyza Fiona Kimpano Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri

Petsa: May 23, 2023 Guro: Hilarie Ariar


Reaksyong Papel Tungkol sa Pagbabalik ng Eskwela sa Buwan ng Hunyo

Habang patuloy ang pagpapalit – palit ng temperatura sa bansa mula sa malamig at


maulan na panahon patungo sa mainit at tuyo na panahon. Kamakailan, nakaranas tayo
ng matinding init na kung saan ang kapaligiran ng paaralan ay hindi na ligtas para sa ating
mga mag-aaral. Maraming mga mag-aaral ang nag-ulat na nakakaramdam ng pagkabalisa
at sakit. Kaya naman, PAGASA inilipat ang blended learning upang maprotektahan ang
kaligtasan at kalusugan ng mga guro.

llang distrito ang nagpasyang payagan ang magaaral na mag-aral mula sa kanilang
mga bahay sa mga partikular na mainit na araw sa halip, sa aking palagay, ito ay maaaring
maging isang mas karaniwang pangyayari sapagkat alam natin na noong panahon ng
pandemya ay hindi naging epektibo ang Alternative Delivery Mode sa akademiko para sa
maraming mga mag-aaral. Maraming posibleng maging solusyon sa problemang ito gaya
ng pagmumungkahi at ng paglalagay ng mga air conditioner sa mga silid-aralan,
pagbabago ng mga iskedyul ng klase upang maiwasan ang pinakamainit na oras ng araw,
at pagpapatupad ng blended learning, alternately face to face classes, at distance learning
modalities, ngunit para sa akin ay ang pinaka mainam na solusyon sa problemang
hinaharap natin ngayon ay ang pagbalik ng school calendar kung saan ang bakasyon ay
ay buwan ng tag init upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral,
“Summer heat has been shown to have a negative effect on human health.” (Deschênes
and Greenstone 2011) Ang mataas na temperatura ay maaaring humantong sa
pagdudulot ng iba’t iba pang mga isyu sa kalusugan "Heat seems to negatively impact all
students but the effects appear to be much worse for more vulnerable students, "As a
result, it seems likely that increasing heat exposure may exacerbate existing educational
inequalities." (Behrer, 2020) Ang mainit na panahon ay maaari ding makaapekto sa mga
mag-aaral sa pamamagitan ng pagkakaranas ng heat exhaustion, dehydration, at
kahirapan sa pag concentrate. Maaari rin itong humantong sa pagbaba ng pagsasagawa
sa akademiko at pagtaas ng pagliban sa klase, Marami pang posibleng maging dulot ng
matinding init sa magaaral kagaya ng maaaring maapektuhan ang emotional health nito
maaaring hindi nila gaanong makontrol ang kanilang pag-uugali at maging mas agresibo
at marahas kapag mainit ang kapaligiran na nagdudulot upang sila ay mang api o mang
bully sa kanilang kapwa estudyante, dapat na maagapan at matugunan ang isyung ito sa
lalong madaling panahon at magbigay ng mga agarang solusyon para matiyak ang
kapakanan ng mga mag-aaral at guro.

Ang pagsususpinde ng klase dahil sa mainit na panahon ay karaniwang nangyayari


sa maraming bansa, lalo na sa mga buwan ng tag-init. Maraming posibleng epekto nito sa
lipunan. Kaya naman dapat nating malaman na ang edukasyon ay isang napakahalagang
bahagi ng paglago ng ekonomiya kaya ang pagpapabuti ng ating pag-unawa sa kung
paano nagbabago ang init sa edukasyon ay mahalaga para sa pag-aaral tungkol sa kung
paano maaaring makaapekto ang init sa pag-unlad ng ekonomiya.

Sanggunian:

Behrer, A. P. (2020) Learning is inhibited by heat exposure, both internationally


and within the United States. Nature Human Behavior.

Deschênes, O. and Greenstone, M. (2011) Climate Change, Mortality, and Adaptation:


Evidence from Annual Fluctuations in Weather in the United States. American
Economic Journal.

https://www.edweek.org/

https://mb.com.ph/

You might also like