You are on page 1of 1

Agno National High School, Agno, Pangasinan

Sanhi at Epekto sa Pangkalusugang Kaisipan ng mga Mag-aaral ng STEM


sa Pagbabago ng Modalidad ng Pag-aaral

ABSTRAK

Inihayag ng World Health Organization (WHO) ang pagkalat ng Coronavirus


bilang Public Health Emergency of International Concern noong Enero 2020. Ang
pandemyang ito ay may malawakang epekto sa ekonomiya at sektor ng edukasyon na
nagresulta sa mga pagbabago sa modalidad ng pag-aaral tulad ng online at modular
learning. Bagama't matagumpay na nabuksan muli ang mga paaralan pagkatapos ng
tatlong taong pakikibaka dahil dito, patuloy pa rin ang hamon na nararanasan ng mga
mag-aaral na nasilayan sa pagtaas ng kaso ng mga isyu sa pangkalusugang kaisipan.
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga sanhi at epekto sa pangkalusugang kaisipan
ng mga mag-aaral ng STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics) na
nasa baitang 11 dahil sa pagbabago sa modalidad ng pag-aaral. Ang pamamaraang
ginamit sa pagsasaliksik ay isang surbey, at ang sumunod na analisis ay gumamit ng
weighted mean. Ayon sa nakalap na datos, may positibong epekto ang pagbabago sa
paraan ng pag-aaral sa ilalim ng pandemya na nagdudulot ng mas mabuting pag-unawa
sa mga aralin at positibong koneksyon sa guro at kapwa mag-aaral. Gayunpaman, may
negatibong epekto rin tulad ng mga problema sa pangkalusugang kaisipan dahil sa
mabilisang pagganap ng mga gawain sa distance learning. Ang face-to-face classes ay
nagdudulot ng pagbabago sa rutina at nangangailangan ng pag-aadjust sa bagong
kapaligiran. Pinakita ng pananaliksik ang malalim na epekto nito sa pangkalusugang
kaisipan na nagpapakita ng kahalagahan ng edukasyon ukol sa usaping ito at
pagpapalakas ng pangkaisipan. Binigyang-diin ng mananaliksik ang pangangailangan
ng pokus sa pangkalusugang kaisipan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-
balanse ng oras. Para sa mga mag-aaral ng STEM, mahalaga ang wastong
pamamahala ng oras para sa kanilang akademikong gawain upang maiwasan ang mga
hamon dahil sa maling pagplano ng oras.

You might also like