You are on page 1of 2

Kahalagahan ng Pananaliksik

Sa pananaliksik na ito layon ng mga mananaliksik na malaman ang pananaw ng nakararami at


ang mga katotohanang napapaloob sa usapin ukol sa pagtaas ng temperature sa Cotabato City.
Ang mga resulta at kalabasan ng pag aaral na ito ay ibinabahagi sa mga sumusunod:

Para sa Paaralan. Ang pag-aaral sa epekto ng pagtaas ng temperatura ay nagbibigay ng


pagkakataon sa mga mag-aaral na palawakin ang kanilang kaalaman tungkol sa climate change
at ang mga epekto nito sa kapaligiran at lipunan.

Mga Estudyante. Sa pamamagitan ng pag-aaral sa epekto ng pagtaas ng temperatura,


nagkakaroon ng pagpapahalaga ang mga estudyante sa kalikasan at sa pangangalaga sa
kapaligiran.

Mga Guro. Magsisilbing batayan o ideya ng mga guro para sa pagpapaunlad ng kurikulum kung
saan maaari nilang ibahagi sa kanilang mga mag-aaral at sa kanilang komunidad.

Para sa Kumonidad. Ang pag-aaral ay maaaring maging tulay upang magkaroon ng pagkilos at
pagsuporta sa mga programa at polisiya na may layuning mapabawas ang epekto ng pagtaas ng
temperature sa komunidad.

Mga mananaliksik. The mga natuklasan mula sa pag-aaral ay maaring magamit bilang batayan
para sa pagbuo ng mga patakaran at programa ng gobyerno na may layuning pangalagaan ang
kalikasan at ang kapakanan ng mamamayan.

-Panambulan

Introduksyon
Ang panahon ay tumutukoy sa regular na kondisyon ng temperature sa isang lugar habang ang
klima ay ang pagbabago sa karaniwang pangyayari na maaaring magtagal o makaapekto sa
regular na kondisyon ng panahon (Libato, 2019). Isa sa mga suliraning kinakaharap ng ating
bansa ngayon ay ang pabago-bagong pagtaas at pagbaba ng temperatura. Ang pagbabago ng
klima ay maaaring matukoy sa padron o itinatagal ng init ng panahon o nang pagdagsa ng ulan sa
isang lugar. Karaniwang mga dahilan sa pabago-bagong dagsa ng panahon; isa rito ang likas na
sanhi katulad ng distansya ng araw na siyang hindi magagwang kontrolin ng tao. Ito ay mainit
kung malapit at malamig kung malayo. Higit na mas malaki ang kontribyusyon ng mga tao sa
madalas na pagbago ng klima. Ito ay dahil sa mga hindi magandang kasanayan ng tao na
pagsusunog ng mga basura, pagpuputol ng mga puno, at pagpapatayo ng mga gusali sa mga
lupang pang agrikultura (Eriarte, 2017).
Base sa naitala ng PAG-ASA, ang Cotabato ay minsan nang nagtala ng napakainit na
temperatura noong Marso 6, 2018 (Cargullo, 2018). Kamakailan lamang nang muling
mapabilang ang lungsod ng Cotabato bilang isa sa mga lungsod na umabot ang temperature at
nagtala ng 42C* sa magkasunod na araw Marso 10-14, 2024 (Bastasa, 2024). Ayon kay Tonite
(2024), malaking suliranin sa ating bansa, bilang isang tropical na bansa, ang pagbabago ng
klima o ang makaranas ng tag-init na nakapagtala ng 42C*-46C*. Ang biglang pagtaas ng
temperature ay nagdulot ito hirap sa maraming aspeto at araw-araw na gawain ng mga Pilipino.
Maraming tao na nagtatrabaho sa iba’t-ibang larangan at mga estudyante ay naaapektuhan. Sa
takot sa taas ng naitalang temperature, pinapayuhan ang mga tao lalo na ang mga matatanda at
may mahihinang resistensya na hangga’t maaari ay manatili muna sa loob ng kanilang mga
tanahan para maiwasan angpinili ng mga ibang paaralan na isagawa na lamang ang ibang araw
ng klase sa online. Patuloy ang pangamba ng karamihan sa laki ng banta nang patuloy na pagtaas
ng tala ng temperature. Malaking hamon ito para sa bawat mamamayan na maging responsable
at magkaroon ng disiplina sa tamang pagtrato sa kapaligiran.

You might also like