You are on page 1of 2

Jessel G.

Mondejar Baitang 12- Pangkat Euclid

Gng. Leonora A. Basa Pebrero 04, 2020

Pamagat ng Artikulo:

“PAG-ALAGA SA KALIKASAN PARA SA ATING KAPAKANAN”

Rasyunal

Sa mga nagdaang taon, palaki ng palaki ang problema natin sa kapaligiran.

Lumalala na ang mga hindi kaaya-ayang gawain ang nga tao, hindi pagsunod sa mga

batas at kawalang respeto sa inang kalikasan. Ilegal na pagmimina, walang humpay na

pagpuputol ng kahoy, pagbobomba sa mga coral reef, pagsunog ng basura at ang hindi

paghihiwa-hiwalay nito ay ilan lamang sa mga nagdudulot ng kasamaan sa kalikasan.

Kabalikat nito, palala ng palala ang kalbaryong nararanasan natin tulad ng mga

malalakas na bagyo, landslides, matunding traffic, polusyon sa hangin at tubig, at iba

pa. Kaugnay nito ang pagkakaroon ng kakulangan sa produksyon ng prutas at gulay,

huli ng mga isda sa dagat at pagka ubos ng ating mga likas na yaman.

Ang pagdedeklara ng Climate Emergency sa bansa ay sinimulan na. Ayon sa

pag-aaral na isinagawa ng BigkiSining: Creatives and Innovations for Global and

Environment Sustainability ng De La Salle University taong 2018, karaniwang sagabal

sa pag-unlad ng mga Pilipino ay ang kawalan ng disiplina sa pagsunod sa mga

patakarang pangkapaligiran na ipinapatupad sa bansa. Mahalaga ang paksang ito

sapagkat kinakailangan na ng mabilisang pag aksiyon upang malabanan ang

kalbaryong nararanasan ng buong sambayanan.

Layunin

Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

a. Alamin ang kasalukuyang kalagayan ng ating kalikasan.

b. Malaman ang kahalagahan ng tamang pag alaga sa kapaligiran.

c. Mailahad ang iba’t ibang paraan upang mapabuti ang kalikasan.


Rekomendasyon

Buong pagpapakumbabang iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mga

sumusunod:

a. Kailangan ng pagkukusa ng bawat tao upang maging mas produktibo ang mga

programang ipinapatupad para sa kalikasan.

b. Importante ang disiplina ng mga tao sa pagpapatupad ng mga patakaran lalo na sa

mga patakaran kaugnay sa kapaligiran.

c. Sa mga susunod na gagawing pananaliksik, maaring gumamit ng isang pokus na

suliranin sa kapaligiran imbes na pangkalahatang suliranin ang bigyang pansin.

You might also like