You are on page 1of 73

1

KABANATA 1

Ang Suliranin at Saklaw Nito

Panimula

Ang pananamit ay isa sa mga pangunahing pangangailangan kasabay ng pagkain

at tubig. Ayon sa kaugalian, malimit na naipakilala ang makabagong kalakaran na may

patungkol sa pananamit dahil sa suplay at demand ng mga tao. Sa gayon, nagbago na ang

sistema ng pagpapakita ng mga makabagong kalakaran. Ang pagmumungkahi ng

modernong pananamit ay kasalukuyang naipakilala sa loob ng lingguhang batayan.

Samakatuwid, nalikha ang katawagang “Fast Fashion”. Ang terminong ito ay

nagpapatungkol sa mabilisang produksyon ng murang pananamit.

Lubhang makikita sa mga Pilipino ang kultura nitong tapatang sumunod sa kung

ano ang tinaguriang “uso” sa lipunan. Makikita sa kaugalian ng karamihan ng mga

Pilipino na mas bibilhin nila ang mga makabagong pananamit na may brand kaysa sa

pananamit na lokal na nilikha (Perez, 2019). Ayon sa isang artikulo, tumaas ng

animnapung (60) porsyento ang bilang ng pananamit na nabili ng isang pangkaraniwang

mamimili taon-taon mula taong 2000 hanggang 2014.

Ang Fast Fashion ay lubhang nakatutulong sa mga mamimili ngunit

nakakapinsala sa kapaligiran. Ayon kay Johnsen (2019), tinatayang sampung

porsyentong (10%) nabubugang carbon dioxide ay mula sa mga pagawaan ng mga

pananamit. Ang mga pabrikang mga ito rin ang siyang pumangalawa sa mga industriya na

may pinakamalaking gamit ng suplay ng tubig. Ang susi sa mga tanyag na brands ng

pananamit para mas mapapalabis nila ang paggawa ng murang mga kasuotan ay ang

paggamit ng murang mga hilaw na materyales: synthetic textiles. Ayon sa isang pag-aaral
2

na nalathala ng International Union for Conservation of Nature (IUCN), ang mga telang

ito ay tinatantiyang mabubulok sa loob ng isang daan hanggang dalawang daang (100200)

taon. Bukod pa rito, may bakas rin na microplastics at microfibers ang mga telang ito na

nakapipinsala sa kapaligiran kung hindi naitapon at naihawalay nang maayos.

Napagtanto ng mga mananaliksik na habang tumataas ang produksyon ng

pananamit ay pataas nang pataas din ang solid wastes na napakatagal mabulok. Ayon sa

artikulo ni Butler (2018), mas magiging isang perwisyo ang pananamit kung ito ay

tinatapon kaysa kung ito ay pananatilihin at itago. Kaya’t gusto ng mga mananaliksik na

malaman kung may kamalayan ba ang kabataan tungkol sa Fast Fashion at ang mga

epekto nito sa kapaligiran at iba pang aspeto.

Sa kasalukuyan, ang mga nakababatang henerasyon lalo na ang mga estudyante

ang siyang naiimpluwensiyahan nang lubusan ng Fast Fashion. Ang mga kabataan

ngayon ay may malaking pagkatuto at pagkabatid mulasa mga institusyong

pangedukasyon at mga nakapaligid nito. Hindi maitatanggi na maaaring

naiimpluwensiyahan ang kabataan sa pamamagitan ng kanilang pag-aaral. Maaari na ang

peer pressure ang nakahihikayat ng mga estudyante at lantad ito sa paaralan.

Ito ang nag-udyok sa mga mananaliksik na magsagawa ng isang pag-aaral na

naglalayong malaman ang persepsyon at saloobin ng mga estudyante ng Ramon Teves

Pastor Memorial - Dumaguete Science High School sa Fast Fashion. Sa pamamagitan ng

pag-aaral na ito, malalaman din kung mayroon bang tiyak na salik at kadahilanan na

maaaring makakaapekto sa persepyon sa Fast Fashion. Mabibigyang linaw din sa


3

pagaaral na ito kung ang Fast Fashion ay matuturing na isang lokal na isyu para sa mga

kabataan.
4

ANG SULIRANIN

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay ang pagkalap ng

impormasyon sa persepsyon ng mga estudyante sa Ramon Teves Pastor Memorial –

Dumaguete Science High School ukol sa Fast Fashion.

Naglalayon din itong masagot ang sumusunod na tiyak na mga suliranin:

1. Ano ang demograpikong profayl ng mga respondente batay sa:

1.1 edad

1.2 kasarian

1.3 grupo na palaging nakakasalamuha

1.3.1 pamilya

1.3.2 mga kaibigan

1.3.3 mga guro

1.3.4 mga kamag-aral

1.4 pinagsamang sahod ng magulang kada buwan

2. Ano ang karanasan ng mga estudyante ng RTPM-DSHS tungkol sa Fast Fashion?

3. Ano ang mga salik na nakakaapekto sa persepsyon ng mga estudyante sa RTPM-DSHS

tungkol sa Fast Fashion?

IPOTESIS/PAGHAHAKA

Ho1 Negatibo ang persepsyon ng mga estudyante ng RTPM-DSHS tungkol sa Fast

Fashion.
5

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ninais ng pananaliksik na ito ang matuklasan ang persepsyon ng mga estudyante

tungkol sa Fast Fashion ng Ramon Teves Pastor Memorial – Dumaguete Science High

School.

Kaalinsabay ng pag-transisyon ng panahon patungo sa modernisasyon, nagbago

rin ang paraan ng pamumuhay ng tao lalong-lalo na sa kanilang pananamit. Kalaunan,

mas dumami ang istilo at disenyo na nakakapagpabago sa preperensya ng mga tao. Dahil

dito, marami ang damit na lumuluma sa paningin ng mga tao sa kagustuhang sumabay sa

uso at kung saan-saan nalang natatambak ang mga damit na hindi sabay sa panahon.

Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay makakapagpamulat sa isipan ng mga

estudyante tungkol sa iba’t ibang detalye, salik, at impormasyon gamit ang mga datos at

sagot na makakalap mula sa pananalisik. Mabibigyang linaw rin ng pag-aaral na ito ang

kaibahan sa persepsyon ng mga estudyante tungkol sa Fast Fashion.

Ang kasalukuyang pag-aaral ay maaaring makatulong sa sumusunod na

indibiduwal/pangkat ng tao:

Mag-aaral

Makatutulong ang pag-aaral na ito upang mamulat and mga estudyante sa

lumalaking problemang Fast Fashion. Mas maiintindihan din nila ang isyung ito dahil ito

ay isang makabagong problema na hindi naranasan ng mga milenyal at mga miyembro ng

Generation Z. Matututunan nila ang sapat na aksiyon na dapat nilang gawin sa sitwasyon

at mahuhubog ang kanilang isip sa pagpili ng mga rasyonal na desisyon.


6

Mga Guro

Ang mga guro ay makikinabang sa pag-aaral na ito dahil magkakaroon sila ng

sapat nakaalaman tungkol sa isyung ito at bilang mga guro, maibabahagi nila ito sa

kanilang mga mag-aaral na parte ng Generation Z. Sila ang magiging midyum sa

pagpapalaganap ng impormasyon sa paaralan.

Mananaliksik

Makatutulong sa mga mananaliksik ang pag-aaral na ito dahil mas magkaroon sila

ng kamalayan sa isyung ito. Magkakaroon silang mas malalim na pagkakaintindi sa mga

paksa at sa pamamagitan ng paglalako ng impormasyon, mahuhubog ang kanilang isipan.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

SAKLAW. Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa ikatlong markahan ng

akademikong taon 2019-2020. Ang pangunahing layunin ng mga mananaliksik ay

matuklasan ang persepsyon ng mga mag-aaral tungkol sa Fast Fashion ng paaralang

Ramon Teves Pastor Memorial–Dumaguete Science High School. Iilang estudyante sa

lahat ng baitang ay sasaklawin din ng pag-aaral na ito upang magkaroon ng mas malawak

na baryasyon ang mga sagot base sa kwestyoneyr na gagamitin sa pagkumpuni ng resulta.

Sa pamamagitan din nito, mas madaling malaman ang mga dahilan ng Fast Fashion na

binibigyan ng importansya sa pag-aaral na ito.

LUGAR. Bilang isa sa mga top performing schools ng Dumaguete City,ang buong

proseso ng pananaliksik ay gaganapin sa Ramon Teves Pastor Memorial – Dumaguete

Science High School sa akademikong taon 2019-2020. Ang nasabing institusyon ay

matatagpuan sa Ma. Asuncion Village, Daro, Dumaguete City na pinamumunuan ni Gng.

Chinky Mae F. Paculanang-Principal I.


7

LIMITASYON. Ang pagpili ng mga respondente ay nililimitahan lamang sa

tigsasampung mag-aaral sa bawat baitang ng junior high at senior high ng paaralan.

KATUTURAN NG KATAWAGANG GINAMIT

Ang mga katawagang lubos na ginagamit sa pag-aaral na ito ay binigyan ng

katuturan ng mga mananaliksik upang mas maging malinaw at mas madaling maunawaan

ng mga mambabasa ang pananaliksik na nalathala:

Fast Fashion. Ito ay tumutukoy sa mabilisang produksyon ng murang pananamit.

Persepsyon. Ito ay tumutukoy sa pagkaunawa at kabatiran ng tao sa isang tiyak na bagay o

paksa.

Kabataan. Ito ay tumutukoy sa mga taong may edad labinglima (15) hanggang

dalawampu’t apat (24).

Synthetic Textiles. Ito ay mga tela na nabubuo mula sa mga hilaw na materyales na

dumaan sa mga artipisyal na mga proseso.

Microplastics. Ito ay isang uri ng plastic na lubhang napakaliit na maaaring resulta ng

pagtatapon at pagkasira ng mga basura.

Solid Waste. Ito ay anumang material o basurang solid na tinatapon.

Peer Pressure. Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng impluwensiya mula sa mga kaibigan

o kaukulan ng isang tao.

Respondente. Ito ay tumutukoy sa mga estudyante mula sa Ramon Teves Pastor

Memorial-Dumaguete Science High School na sumailalim sa pag-aaral na ito.


8

TEORITIKAL NA SALIGAN

Sa bahaging ito, makikita ang mga teorya na natuklasan ng mga mananaliksik na

maaaring magamit at makatutulong para sa isinagawang pananaliksik. Ito ay ang Theory

of Altruism at Zaltman Metaphor Elicitation Technique (ZMET). Dahil nalaman ng mga

mananaliksik na epektibo ang dalawang ito, napag-isipan na pagsamahin ang mga ito.

Bago pa man dumating ang mga pagbabagong dala ng teknolohiya, may sarili nang

pananaw ang mga tao tungkol sa iba’t ibang bagay. Dahil sa mga pananaw na ito, nakita

ang iba’t ibang kaisipan ng mga tao, kung paano ito nagkakatulad at nagkakaiba.

Malayang ipinapahayag ng mga tao ang mga ito sa pamamagitan ng maraming paraan

tulad na lamang ng pakikipag-ugnayan. Sa pamamaraang ito, nakakuha ng impormasyon

galing sa kanila.

Sa mga nakaraang taon, umusbong ang Fast Fashion at ito’y naging parte na sa pang-

araw-araw na buhay ng mga tao. May mga taong may paningin sa Fast Fashion bilang

isang komponent ng industriya na nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya, ngunit may

iba rin na nagsasabing ito’y nakakasama sa kalikasan sapagkat lalaki ang porsiyento ng

mga damit na matapon dahil hangad ng mga tao kung ano ang uso.

Ang Zaltman Metaphor Elicitation Technique (ZMET) ni Dr. Gerald Zaltman (1990) ang

ginamit namin upang malaman ang pananaw ng mga tao sa Fast Fashion base sa kanilang

mga paniniwala, karanasan at dahilan. Ang teknik na ito ay napapatungkol sa paggamit

ng isang midyum na hindi pumapanig sa positibo at negatibong panig ng isang bagay

upang makakuha ng impormasyon ang mga mananaliksik tungkol sa mga isipan ng mga

respondente ukol sa isang paksa. Ang midyum na ginamit upang lubos na maipamalas
9

ang Zaltman Metaphor Elicitation Technique (ZMET) ay ang sarbeykwestyoneyr kung

saan nasusubok ang isipan ng mga respondente at maaari nilang maipahayag ang kanilang

mga sarili sa pamamagitan ng malayang pagpili kung sila ba ay lubos na hindi sumasang-

ayon, hindi sumasang-ayon, sumasang-ayon at lubos na sumasang-ayon base sa ibinigay

na mga tanong.

Maiugnay ito sa paggamit ng Theory of Altruism ni Auguste Comte (1824) kung saan

iminungkahi niya na ang nararapat na kalidad ng kalikasan ay maayos at kolektibo.

Sinasaad din sa teoryang ito na ito ang uudyok sa mga tao na ipagtaguyod ang

environmentalism kaya inaasahan na sa kabila ng pag-usbong ng Fast Fashion ay pipiliin

ng mga tao ang mga produkto na may pinakamaliit na imposisyon para sa kalikasan.

Maikokompara natin ito sa pagtalakay sa resulta ng isinagawang pananaliksik.

Masasabi na makatutulong ang paggamit sa dalawang ito sapagkat ito ay angkop para sa

napiling paksa na nais malaman ng mga mananaliksik. Sa mga paraang nabanggit ay mas

makikilala nila ang kanilang mga repondente at malaya namang makapagpahayag ang

mga respondente sa pamamagitan ng pagpili sa sagot na naaayon sa kanilang mga

nais.
10

BALANGKAS TEORITIKAL

Zaltman Metaphor
Elicitation Technique
Theory of Altruism
( ZMET )
( Comte, 1824)
(Zaltman, 1990)

Nakikita ang pananaw ng mga tao


tungkol sa isang paksa

(Fast Fashion )

Pagkakaiba at Mga pananaw base


pagkakatulad ng mga
kaisipan ng mga tao sa paniniwala,
karanasan at dahilan

Figyur 1: Balangkas Teoritikal ng Fast Fashion batay kay Faust, D. at Kraut, R.


11

KALIGIRANG KONSEPTUWAL

Makikita sa Figyur 1 ang mga baryabol na sangkot sa pag-aaral na ito. Unanguna,

makikita sa input ang 1) profayl ng mga estudyante batay sa edad, kasarian, grupo na

palaging nakakasalamuha (pamilya, mga kaibigan, mga guro, at mga kamag-aral) at

pinagsamang kita ng magulang kada buwan (sahod ng magulan kada buwan) ang maaring

makakaapekto o mga factor sa mga iba’t ibang persepsyon ng mga estudyante tungkol sa

Fast Fashion; 2) karanasan ng mga estudyante ng RTPM-DSHS tungkol sa Fast Fashion;

at 3) mga salik na nakakaapekto sa persepsyon ng mga estudyante ng RTPM-DSHS

tungkol sa Fast Fashion.

Sa pangalawang kahon naman ay mahihinuha at matutunghayan ang proseso o

process na makatutulong sa pagsasakatuparan ng pananaliksik na ito katulad ng

paghahanap ng konseptuwal na batayan at mga kaugnay na literatura, pormulasyon,

administrasyon ng instrumentong pampanaliksik, at pagsubok ng ipotesis sa pananaliksik.

Sa pangatlong kahon naman ay makikita at masisilayan ang mga inaasahang

bunga at resulta o output ng pananaliksik o pag-aaral na ito kung saan matutuklasan natin

ang mag kakaibang persepsyon ng mga estudyante tungkol sa usaping Fast Fashion.
12

KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

INPUT PROCESS OUTPUT

1) Demograpikong profayl
ng respondente
1.1 edad
Paghahanap ng
1.2 kasarian
konseptuwal na
1.3 grupo na palaging
batayan at mga
nakakasalamuha
kaugnay na
1.3.1 pamilya
literatura
1.3.2 mga kaibigan Matutuklasan ang
1.3.3 mga guro
magkakaibang
1.3.4 mga kamag -aral
Pormulasyon, persepsyon ng mga
1.4 sahod ng magulang
A dministrasyon
kada buwan estudyante tungkol
ng Instrumentong
2) Karanasan ng mga
Pampanaliksik sa usaping Fast
estudyante ng RTPM - DSHS
tungkol sa Fast F ashion Fashion

Pagsubok ng
3) Mga salik na
ipotesis sa
nakakaapekto sa
pananaliksik
persepsyon ng estudyante ng
RTPM -DSHS tungkol sa F ast
F ashion

Figyur 2. Konseptuwal na Balangkas ng Pag-aaral


13

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Kaugnay na


Literatura

Ayon kay Fletcher (2008), maraming mga brands ang pumili na makisalamuha sa

Fast Fashion business tulad ng H&M, Zara, Forever 21, Uniqlo, at Joe Fresh. Ang Fast

Fashion business ay nais isagawa ng mga kumpanyang ito ay nag-iiwan ng mga

mamimili ng kaunti o walang emosyonal na koneksyon sa kanilang kasuotan dahil ang

pangunahing tuon nila ay sa kung ano ang bago na maaaring mabili sa mababang presyo.

Hindi alam ng mga mamimili ang mga negatibong epekto sa kapaligiran ang kanilang

mga pagpapasyang mamili sa mga tindahang may Fast Fashion business. Pinapanatili ng

mga brands na ito na mababa ang presyo ng mga produkto nila upang mas maakit ang

mga tao.

Ayon naman kay Morgan at Birtwistle (2009), higit 50% ng mga batang babae ay

bumibili ng mga kasuotan kada dalawang linggo at higit pa kaysa sa 75% ay bumibili

bawat buwan. Gusto nila ang pakiramdam ng madalas na pagbibili ng mga bagong

kasuotan.

Unti–unting nagbabago ang Fast Fashion makalipas ang dalawang dekada sabi

naman ni Bahrdwaj at Fairhurst (2010). Sa paglipas ng halos dalawampung taon, ang mga

nagbebenta ng mga kasuotan ay nagbabase na sa kung ano ang abot-kaya, hindi madaling

masira at madaling maibenta. Ang mundo ng Fast Fashion ay madalian at maaari itong

magbago sa isang tulog lamang. Ang bentahan ng mga kasuotan ng Fast Fashion

maaaring bumaba o tataas ng bigla dahil nakadepende lamang ito sa kagustuhan ng mga

bibili nito.
14

May mga limitasyon naman ang negosyong ito sabi ng The World (2019). Ang

Fast Fashion ay maaaring makadulot ng pagkalugi katulad ng isang sikat na clothing

store na tinatatawag na Forever 21. Maraming mga kompanya ang naglalabanan sa loob

ng industriya ng fashion kaya may mga oras na hindi magugustuhan ng mga mamimili

ang kasuotan na kanilang ginagawa. Isa ito sa mga limitasyon ng Fast Fashion. Ang

pagtutugon sa mga pangangailangan ng mga mamimli at pagagawa ng mga bagong damit

na pansuot ay nakadudulot din ng masamang epekto sa kalikasan. Ang mga kasuotan na

hindi na ginagamit ay magkakalat at marami sa mga ito ay hindi na gustong bilhin ng mga

mamimili. Ito ay nakatambak lamang at dahil dito, nakalilikha tayo ng mga produkto na

kalaunan ay itinatapon sapagkat hindi na ginagamit ng tao.

Lokal na Pag-aaral

Ang Fast Fashion ay maginhawa at makakapagpadali sa pagbili para sa mga

mamimili. Gayunpaman, ito ay isang tuluy-tuloy na proseso na nakakaapekto sa

pagpapanatili ng mabuting kalagayan ng kalikasan at ng etika ng tao. Ang mga

kondisyong nagpapakaloob sa ika-21 na siglo ay humihiling para sa isang mabilisang

daloy ng supply at demand ng mga kasuotan. Ang pangunahing bahala nito ay ang

panlipunang responsibilidad. Ang mga kilos ng tao ay dapat gawin nang hindi nakakasira

ng mga kahihinatnan, at higit sa lahat, mahalagang makamit ang mga pangangailangan ng

modernong mundo nang hindi makokompromiso ang mga susunod na henerasyon. Tulad

nito, maaaring malunasan ng Ecofeminism ang mga isyung patuloy na umiiral ukol sa

Fast Fashion sa pamamagitan ng pag-apila nito sa sosyal na kamalayan ng kapaligiran.


15

Ayon sa konsepto ng Ecofeminism, ang lahat ng mga pamamaraan ng pang-aapi sa

kalikasan ay dapat kilalanin nang totoo. Sa kabuuan, ang pang-aapi sa kalikasan ay

walang alinlangan na maiugnay at dapat isaalang-alang ng isa-isa upang matugunan ito

(De La Salle University, 2018).

Banyaga na Pag-aaral

Ayon kay Bhardwaj (2009), ang industriya ng fashion ay umunlad, lalo na sa

nakaraang dalawampung (20) taon. Hinahangad ng dinamikong pagbabago ng industriya

ng fashion ang mababang gastos at kakayahang umangkop sa disenyo, kalidad, at ang

mga pangunahing estratehiya upang mapanatili ang isang kumikitang posisyon sa lalong

hinihingi ng merkado. Makabuluhan sa mga tao ang mga pagbabago na nangyari sa

industriya ng fashion mula noong 1990s pa ang paglitaw ng isang konsepto ng Fast

Fashion o mabilis na fashion. Inilalarawan nito ang mabilis na daloy ng fashion mula sa

isang tagapagtustos pati na rin ang pananaw ng isang mamimili, at nakakakuha ng pansin

sa ilang mga potensyal na isyu sa pananaliksik.

Ang merkado sa fashion ngayon ay lubos na mapagkumpitensya at ang patuloy na

pangangailangan sa pagbago ng mga saklaw na produkto ay nangangahulugan na hindi

maiiwasan ang kilos ng maraming mga retailers upang palawakin ang produksyon.

Napagkaloob dito ang kadalasan at kung saan binago ang buong kalakal. Sa paglitaw ng

mga maliliit na koleksyon ng paninda, hinihikayat ng mga fashion retailers ang mga

mamimili na bisitahin ang kanilang mga tindahan nang mas madalas sa ideya ng “Here

Today, Gone Tomorrow”. Ipinapahiwatig nito ang isang mas maikli na ikot ng mga
16

kasuotan at mas mabilis na mga pro-margin mula sa Fast Fashion at ang buong

markdown nito (Sydney 2008).

PAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Palarawan-analitikal ang ginamit sa pag-aaral na ito sapagkat nakapaloob dito ang pag-

alam tungkol sa persepsyon ng mga estudyante sa Ramon Teves Pastor Memorial –

Dumaguete Science High School sa isyung Fast Fashion.

Gumamit din ng sarbey-kwestyoneyr upang maging instrumento sa pagkalap ng mga

datos na kakailanganin sa pag-aaral. Ang mga datos na natanggap ay ipinakita at binigyan

ng pagpapakahulugan sa pamamagitan ng mga istadistikang pamamaraan.

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang Fast Fashion ay naging laganap na sa mga de kalidad na pagawaan ng mga

pananamit. Ang prosesong ito ay isang paraan ng mga pagawaang ito para mapagluguran

ang problema ng suplay at demand ng mga tao. Ang lipunan at ang mga sangay na ito ay

nakasalalay sa produksyong ito kaya naaapektuhan din ang pamamaraan ng ating

pamumuhay. Makikita ang mga bunga nito sa mga institusyon partikular na sa mga

paaralan. Napagpasiyahan ng mga mananaliksik na bigyan ito ng pansin upang malaman

ang mga magiging persepsyon ng mga estudyante ukol sa isyung Fast Fashion.

Gustong malaman ng mga mananaliksik ang persepsyon ng mga mag-aaral sa

Ramon Teves Pastor Memorial-Dumaguete Science High School (RTPM-DSHS) tungkol

sa Fast Fashion. Maaari ring mabibigyan ng diin ng mga mananaliksik kung may sapat
17

na kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa Fast Fashion. Mahihinuha rin sa mga datos

ang posibleng mga sanhi ng pagkabuo ng kanilang persepsyon sa prosesong Fast

Fashion. Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa institusyong pang-akademiko ng Ramon

Teves Pastor Memorial-Dumaguete Science High School (RTPM-DSHS). Ang

RTPMDSHS ay isang paaralan na kabilang sa labintatlong (13) National Regional High

Schools sa buong bansa (DECS Order No. 69, 10 s. 1993) at isa sa tatlong science high

schools ng Negros Oriental. Tinatantiyang humigit isang-libo (1000) na mga mag-aaral

ang pumapasok sa paaralang ito.

Mga Respondente

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay mga estudyante ng Ramon Teves

Pastor Memorial – Dumaguete Science High School. Sa bawat baitang mayroon ang

paaralan, kukuha ng sampu (10) na mag-aaral upang bigyang sagot ang binuong

kwestyoneyr. Ibig sabihin, animnapu (60) ang bilang ng mga estudyante na tutugon sa

sarbey-kwestyoneyr ng mga mananaliksik.

Instrumentong Ginamit

Sarbey-kwestyoneyr ang instrumentong ginamit ng mga mananaliksik sa pagkalap

ng mga datos na esensiyal sa pag-aaral na ito. Sa pagbuo ng sarbey-kwestyoneyr, ang

mga mananaliksik ay nagbasa ng iba’t ibang lathalain tungkol sa Fast Fashion na

talagang laganap sa bansang Pilipinas. Hindi nakaligtaan ng mga mananaliksik na bumasa

ng mga tesis na mayroong kaugnayan sa pag-aaral para sa karagdagang impormasyon.

Sumangguni rin ang mga mananaliksik sa kanilang tagapayo para mapaunlad ang
18

ginawang kwestyoneyr at makasiguro na balido ang aytem na ginamit. Dumaan ito sa

mga pagsusuri at pagsasaayos hanggang naging akma at angkop sa isinagawang pag-

aaral.

Pamaraang Pampanaliksik

Una, ang mga mananaliksik ay humingi muna ng pahintulot mula sa punong-guro

upang makapagsagawa ng sarbey sa mga estudyante ng Ramon Teves Pastor

MemorialDumaguete Science High School. Pagkatapos maaprubahan, ibinigay ang

aprobadong liham pahintulot sa punong-guro ng nabanggit na paaralan upang maitakda

and iskedyul sa pagsagawa ng sarbey.

Pangalawa, isinagawa ang pababahagi ng sarbey-kwestyoner (tseklis) sa mga estudyante

ng paaralan mula junior hanggang sa senior high.

Maliban sa sarbey-talatanungan na sasagutan, magsasagawa rin ng interbyu ang mga

mananaliksik sa piling mag-aaral sa iba-ibang baitang upang makalap at malaman ang

mga persepsyon ng mga mag-aaral tungkol sa Fast Fashion. Sa paraang random ang

pagpili ng mga mag-aaral na tatanungin sa interbyu. Ang mga sagot ay itatala batay sa

magkakaibang kategorya ng mga sagot. Sa pamamagitan nito ay maihahanay ang bawat

konsepto at tema na gagamitin sa datos ng pananaliksik.

Ang mga nakalap na datos at sagot ay ipapakita gamit ang mga graphic organizer upang

mas maunawaan at makita ang tamang interpretasyon ng mga resulta base sa pananaliksik

at mga nakuhang datos.


19

Istadistikang Tritment ng mga Datos

Ang sumusunod na istadistika ang ginamit sa pananaliksik na ito:

o Frekwensi – ginagamit upang matukoy ang mga datos sa isang kategorya o

Porsyento – ginagamit upang ipakita ng bahagi sa kabuuan

𝑓𝑟𝑒𝑘𝑤𝑒𝑛𝑠𝑖
𝑝𝑜𝑟𝑠𝑦𝑒𝑛𝑡𝑜 = × 100
𝑘𝑎𝑏𝑢𝑢𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑜𝑝𝑢𝑙𝑎𝑠𝑦𝑜𝑛
20

PAGKABUO NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay binubuo ng mga sumusunod na mga kabanata. Sa unang

kabanata ay nagpapahayag ng panimula, suliranin, ipotesis, kahalagahan ng pag-aaral,

saklaw at katakdaan ng pag-aaral, mga pamamaraan at pinagmulan ng datos, katuturan ng

mga katawagan at pagkakabuo ng pag-aaral.

Makikita sa ikalawang kabanata ang paglalahad, pagsusuri, at pagpapakahulugan

ng mga datos. Makikita rin ang mga talahanayan at mga talungguhit na pinagbabatayan

ng paglalahad, pagsusuri, pagpapakahulugan at implikasyon ng mga natuklasan.

Sa ikatlong kabanata, ibinibigay ang buod ng pag-aaral, mga natuklasan,

konklusyon, implikasyon at mga rekomendasyon.


21

KABANATA II Presentasyon at Interpretasyon ng mga Nakalap na


Datos

Sa kabanatang ito, makikita ang mga nakuhang datos mula sa mga

sarbeykwestyoneyr at nilapatan ito ng deskriptib-analitik na interpretasyon at mga

kaugnay na pag-aaral upang makapaglagom at makahinuha ng kongklusyon.

Figyur 3

Pinagsamang Sahod ng mga Magulang ng


Bawat Estudyante kada Buwan
27% 17%

11% 27%

18%

Mas mababa sa Php 10,000 Mula Php 10,000 hanggang Php 20,000
Mula Php 20,001 hanggang Php 30,000Mula Php 30,001 hanggang Php 45 000
Mas mataas sa Php 45,000

Batay sa Figyur 3, nakikita ang pinagsamang sahod ng mga magulang ng bawat isa sa

animnapung (60) respondente ng RTPM-DSHS. Mayroong labing-isang porsiyento

(11%) na sumagot ng Php 30,001- Php 45,000, labimpitong porsyento (17%) na sumagot

ng mas mababa sa Php 10,000, labingwalong porsyento (18%) na sumagot ng Php 20,001

– Php 30,000, habang magkaparehong dalawampu’t pitong porsyento (27%) ang sumagot

ng Php 10,000 – Php 20,000 at mas mataas sa Php 45,000.

Batay sa datos na naitala, karamihan sa mga magulang ng mga respondente ay may

kakayahan na paglaanan ang mga pangangailangan ng pamilya. Hindi rin maitatanggi na

ang mga sekundaryong pangangailangan at mga kagustuhan ng karamihan sa mga

respondente katulad ng pananamit ay nasusustentuhan ng kanilang magulang.


22

Figyur 4

Kasarian ng mga Respondente

40%

60%

Kalalakihan Kababaihan

Batay sa Figyur 4, nakikita ang bahagdan ng mga kasarian ng animnapung (60)

respondente sa RTPM-DSHS. Animnapung porsyento (60%) ng mga respondente ay

kababaihan at apatnapung porsyento (40%) ay kalalakihan.

Mahigit dalawampung bahagdan (20%) sa mga respondente ay mga kababaihan. Ito ay

maaaring sa kadahilanan na ang populasyon ng paaralan ay nagpapakita na mas marami

ang bilang ng kababaihan kaysa sa mga kalalakihan. Ang kalamangan ng kababaihan ay

maaari ring dahil mas mayroong kaalaman sa pananamit ang kababaihan kaysa sa

kalalakihan.
23

Figyur 5

Edad ng mga Respondente


Bilang ng mga Estudyante 14
12
10
8
6
4
2
0
12 13 14 15 16 17 18 19

Edad

Nakapaloob sa Figyur 5 ang mga edad ng limampung (50) respondente ng RTPMDSHS.

Pito (7) sa mga respondente ay labindalawang (12) taong gulang; Walo (8) sa mga

respondente ay labintatlong (13) taong gulang; Anim (6) na mga respondente ay nasa

labing-apat (14) na taong gulang; Labindalawa (12) sa mga respondente ay nasa

labinlimang (15) taong gulang; Siyam (9) ay nasa labing-anim (16) na taong gulang;

Sampung (10) mga estudyante ay nasa labimpitong (17) taong gulang; Pitong (7) mga

mag-aaral ay nasa edad na labingwalo (18); at isa sa mga respondente ay labinsiyam (19)

na taong gulang.

Nakikita sa Figyur 5 na karamihan sa mga respondente ay mga estudyanteng may

edad ng labinlimang taong gulang (15) at ang pinakamababa na bilang naman ay ang mga

estudyanteng mga edad labinsiyam na taong gulang (19).Nakikita na karamihan sa mga

respondente ay labingwalong (18) taong gulang pababa at maaaring nakakaapekto ito sa

kanilang mga paniniwala at persepsyon sapagkat mayroong kaugnayan ang aspetong

pananamit sa edad ng kabataan (Bruce, 2019).


24

Figyur 6
Kadalasang Pakikipagsalamuha
Palagi Madalas Minsan Hindi nagkikita

46

30

35

23
23

20
15
18

2
4
3

5
2
9
5

Pamilya Kaibigan Kamag-aral Guro


Batay sa Figyur 6, nakikita ang mga taong maaaring nakakasalamuha ng mga

respondente. Sa unang kolum, nakikita na apatnapu’t anim (46) sa mga respondente ay

palaging nakakasalamuha ang pamilya; siyam (9) sa mga respondente ang madalas na

nakakasalamuha ang pamilya; at lima (5) sa mga respondente ay minsan lang

nakakasalamuha ang kanilang pamilya. Sa pangalawang kolum, nakikita na tatlumpu (30)

sa mga respondente ay palaging nakakasalamuha ang kanilang mga kaibigan;

dalalwampu’t tatlo (23) sa mga respondente ay madalas na nakakasalanmuha ang

kaibigan; apat (4) sa mga respondente ay minsan nakikisalamuha ang kanilang mga

kaibigan; at tatlo (3) naman and hindi nakakasalamuha ang kanilang mga kailbigan. Sa

ikatlong kolum, nakikita na tatlumpu’t lima (35) sa mga respondente ay palaging

nakakasalamuha ang kanilang mga kamag-aral; labingwalo (18) ang madalas

nakakasalamuha ang kanilang mga kamag-aral; lima (5) ang minsan nakakasalamuha; at
25

dalawa (2) ang hindi nakakasalamuha ang kanilang mga kamag-aral. Sa ikaapat at

panghuling kolum, nakikita na labinlima (15) sa mga respodente ay palaging

nakakasalamuha ang kanilang mga guro; dalawampu (20) sa mga respondente ang

madalas na nakakasalamuha ang kanilang mga guro; dalawampu’t tatlo (23) sa mga

respondente ay madalas na nakakasalamuha sa kanilang mga guro; at dalawa (2) sa mga

respondente ang hindi nakakasalamuha ang kanilang guro.

Ayon sa pananaliksik nina Shim, Snyder, Gehrt (1995), ang kamalayan ng kabataan

pagdating sa pananamit ay naaapektuhan sa mga iba’t ibang social groups na

nakasalamuha. Batay sa datos na naitala, napakadalas ang pagkikita at pagsasalamuha ng

mga estudyante sa kanilang pamilya, mga kaibigan at mga kamag-aral. Kung ito ay

iuugnay sa pananaliksik na naunang nabanggit, maaaring naiimpluwensiyahan ang

persepsyon ng mga estudyante tungkol sa Fast Fashion sa pamamagitan ng kanilang mga

kasama at kahalubilo sa tahanan at paaralan.


26

Figyur 7

Paniniwalang Makikinabang ang mga


Estudyante sa Fast Fashion dahil sa Murang
Presyo nito
27% 2%20%

51%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Batay sa Figyur 7, nakikita na dalawampung bahagdan (20%) ng mga estudyante ang

lubos na sumasang-ayon na makikinabang sila sa Fast Fashion dahil sa murang presyo

nito. Kasabay nito, limampu’t isang bahagdan (51%) ang sumasang-ayon sa kaisipang ito.

Dalawampu’t pitong porsyento (27%) ang hindi sumasang-ayon na makikinabang sila sa

pagmura ng presyo dulot ng Fast Fashion. Sa panghuli, dalawang porsyento (2%) ng mga

estudyante ang lubos na hindi sumasang-ayon sa pakikinabang

nito.

Karamihan nga mga respondente ay naniniwalang makikinabang ang mga

estudyante sa Fast Fashion dahil sa murang presyo nito. Batay sa datos, mas pinipili ng

mga mag-aaral na bumili ng mga murang damit na dala ng mga epekto ng Fast Fashion

kaysa sa mga mamahaling mga damit.

Ang mga datos na ito ay sumasang-ayon sa pag-aaral nina Chipo, Walter at

Rufaro (2018) na pinamagatang Staying Competitive in the Fast-Fashion Era in a


27

Developing Economy, na nagsasaad na karamihan sa mga kabataan ay mas

nagbibigaypansin sa mga benepisyong dala ng Fast Fashion tulad ng murang presyo,

kaysa sa mga damit na may matataas na presyo.

Figyur 8

Paniniwalang Maipapahayag ng mga


Estudyante ang Kanilang mga Sarili sa
Pamamagitan ng Pananamit
17% 2% 33%

48%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Batay sa Figyur 8, nakikita na tatlumpu’t tatlong bahagdan (33%) ng mga

estudyante ang lubos na sumasang-ayon na maipapahayag nila ang kanilang sarili sa

pamamagitan ng pananamit. Apatnapu’t walong porsyento (48%) sa mga respondente ang

sumasang-ayon sa kaisipang ito. Nakikita na labimpitong porsyento (17%) bahagdan ng

mga estudyante ang hindi sumasang-ayon na ang pananamit ay isang paraan ng

ekspresyon. Dalawang porsyento (2%) ang lubos na hindi sumasang-ayon sa

paniniwalang ito.

Karamihan sa mga respondente ay naniniwalang maipapahayag nila ang kanilang sarili

sa pamamgitan ng kanilang pananamit. Naniniwala ang mga estudyante na ang pananamit

ay isang mabisang paraan upang maipahayag nila ang kanilang sarili.


28

Ang mga datos na ito ay sumasang-ayon sa pananaliksik ni Keogan (2013) na

pinamagatang The Relationship Between Clothing Preference, Self-Concepts and Self

Esteem, na nagsasabing ang pananamit ay may positibong kaugnayan sa sariling

kahalagahan at pagpapahayag ng mga tao.

Figyur 9

Paniniwalang Mas Makikinabang ang mga


Pamilyang may Mababang Sahod dahil sa Fast
Fashion
7% 25%
32%
37%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Batay sa Figyur 9, nakikita na dalawampu’t limang bahagdan (25%) ng mga

respondente ang lubos na sumasang-ayon na makikinabang ang mga pamilyang may

mababang sahod dahil sa Fast Fashion. Tatlumpu’t pitong bahagdan (37%) naman sa

mga respondente ang sumasang-ayon na makatutulong ang Fast Fashion. Sa ibang dako,

tatlumpu’t dalawang porsiyento (32%) ng mga respondente ang hindi sumasang-ayon na

makikinabang ang mga pamilyang may mababang sahod sa Fast Fashion habang pitong

bahagdan (7%) ang lubos na hindi sumasang-ayon.

Sumasang-ayon ang mga respondente na mas makikinabang ang mga pamilyang

may mababang sahod dahil ang mga damit na gawa ng mga Fast Fashion brands ay

maaaring mabibili sa napakamurang presyo.


29

Figyur 10

Paniniwalang Nagdudulot ng mga Positibong


Epekto sa Pagkamalikhain ng mga Estudyante
ang Fast Fashion
15%5% 37%

43%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Batay sa Figyur 10, nakikita na tatlumpu’t pitong bahagdan (37%) ng mga

respondente ang lubos na sumasang-ayon na nagdudulot ng positibong epekto sa

pagkamalikhain ng mga estudyante ang Fast Fashion. Apatnapu’t tatlong bahagdan

(43%) ang sumasang-ayon nasa paniniwalang ito. Samantalang, labinlimang bahagdan

(15%) ang hindi sumasang-ayon at limang bahagdan (5%) ang lubos na hindi

sumasangayon sa paniniwalang nagdudulot ang Fast Fashion ng mga positibong epekto

sa pagkamalikahain ng mga estudyante.

Makikita natin sa figyur na karamihan ng mga respondente ay naniniwalang

nagdudulot ng positibong epekto sa pagkamalikhain ng mga estudyante ang Fast Fashion.

Mas makakatulong ang konseptong Fast Fashion sa pagpapahayag ng kanilang mga

ideya dala ng pagkamalikhain sapagkat inihahandog ng Fast Fashion brands ang

malawak na hanay ng iba’t ibang mapagpipiliang damit


30

Figyur 11

Paniniwalang Hindi Nakabubuti ang Fast


Fashion sa mga Estudyante sa RTPM
-DSHS
12% 10%
23%

55%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Ayon sa Figyur 11, sampung bahagdan (10%) sa mga estudyante ang lubos na

sumasang-ayon na hindi nakabubuti ang Fast Fashion para sa mga estudyante.

Dalawampu’t tatlong bahagdan (23%) ang sumasang-ayon sa kaisipang ito. Sa ibang

dako, limampu’t limang bahagdan (55%) ang hindi sumasang-ayon sa paniniwalang hindi

nakakabuti ang Fast Fashion para sa mga estudyante at labindalawang bahagdan (12%)

ang lubos na hindi sumasang-ayon.

Makikitang ang mga respondente ay hindi sumasang-ayon na hindi nakakabuti ang Fast

Fashion para sa mga mag-aaral. Maaaring mahihinuha na hindi pa gaanong may alam ang

mga estudyante sa mga negatibong epekto ng Fast Fashion sa iba’t ibang aspeto ng ating

lipunan.
31

Figyur 12

Paniniwalang Nakadudulot ng Pinansiyal na


Problema ang Fast Fashion sa mga Estudyante
2% 13%

52% 33%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Batay sa Figyur 12, labintatlong bahagdan (13%) ang lubos na sumasang-ayon na ang

Fast Fashion ay nakadudulot ng pinansiyal na problema sa mga estudyante.

Tatlumpu’t tatlong bahagdan (33%) ang sumasang-ayon sa paniniwalang ito. Limampu’t

dalawang bahagdan (52%) sa mga estudyante ang hindi sumasang-ayon sa kaisipang

nakakapagdulot ang Fast Fashion ng mga pinansiyal na problema at dalawang bahagdan

(2%) ang lubos na hindi sumasang-ayon.

Hindi sumasang-ayon ang mga respondente sa paniniwalang nakakadulot ng

pinansiyal na problema ang Fast Fashion at maaaring dahil ito sa murang presyo na

inihahandog para sa mga mamimili.

Ang mga datos na nakuha ay sumasang-ayon sa pananaliksik ni Lambert (2014) na

pinamagatang The Lowest Cost at Any Price: The Impact of Fast Fashion on the Global

Fashion Industry, na nagsasaad na karamihan sa mamimili lumipat sa mga Fast Fashion

brands na may murang presyo sapagkat hindi ito nakadudulot ng mga pinansiyal na

problema sa mga mamimili partikular ang kabataan.


32

Figyur 13

Paniniwalang Maituturing na isang Suliranin


sa Paaralan ang Fast Fashion
13% 8%
35%
44%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Ayon sa Figyur 13, walong bahagdan (8%) ang lubos na sumasang-ayon na ang

Fast Fashion ay isang suliranin sa paaralan at tatlumpu’t limang bahagdan (35%) ang

sumasang-ayon. Samantala, apatnapu’t apat na bahagdan (44%) ang hindi sumasangayon

sa paniniwala na maituturing na isyu ang Fast Fashion sa mga paaralan at labintatlong

bahagdan (13%) ang lubos na hindi sumasang-ayon.

Hindi sumasang-ayon ang mga estudyante sa kaisipan na ang konseptong Fast

Fashion ay isang suliranin sa paaralan. Maaaring ang mga estudyante sa Ramon Teves

Pastor Memorial-Dumaguete Science High School ay hindi nabibigyan ng kaalaman

tungkol sa mga masasamang epekto ng Fast Fashion sa paaralan.


33

Figyur 14

Paniniwalang Nagdudulot ng Masamang


Epekto sa Kapaligiran ang Fast Fashion
12% 22%

36%
30%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Ayon sa Figyur 14, dalawampu’t dalawa na bahagdan (22%) ang sumasang-ayon

na nagdudulot ng masamang epekto sa kapaligiran ang Fast Fashion at tatlumpung

bahagdan (30%) ang mga sumasang-ayon. Samantala, tatlumpu’t anim na bahagdan

(36%) ang hindi sumsang-ayon at labindalawang porsyento (12%) ang lubos na hindi

sumasang-ayon sa paniniwalang nagdudulot ng masamang epekto ang Fast Fashion sa

kapaligiran.

Sumasang-ayon ang mga respondente na nakadudulot ng masamang epekto ang Fast

Fashion sa kapaligiran. Maaaring naipabatid sa mga estudyante ang mga masasamang

epekto ng Fast Fashion sa kapaligiran na ating nararanasan sa kasalukuyang panahon.

Ang mga datos na nakuha ay sumasang-ayon sa pananaliksik nina Bick, Ekinga, at

Halsey na pinamagatang The Global Environmental Injustice of Fast Fashion, na

nagpapahiwatig na ang Fast Fashion ay nakakaapekto sa pagtapon at paggamit ng mga

damit sa negatibong pamamaraan at ito ay unti-unting nakakaapekto sa kondisyon ng

ating kapaligiran.
34

Figyur 15

Laganap ang Fast Fashion sa RTPM -DSHS


batay sa Karanasan
5%
22% 28%

45%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Batay sa Figyur 15, nakikita na dalawampu’t walong bahagdan (28%) ng mga

respondente ang lubos na sumasang-ayon na laganap ang Fast Fashion batay sa

kanikanilang karanasan. Apatnapu’t limang bahagdan (45%) naman ang sumasang-ayon

sa kaisipang ito. Samantalang dalawampu’t dalawang porsyento (22%) ang hindi

sumasangayon at tatlong porsyento (3%) ang lubos na hindi sumsang-ayon na laganap

ang Fast Fashion batay sa kanilang nakikita.

Sumasang-ayon ang mga estudyante na laganap ang Fast Fashion sa Ramon

Teves Pastor Memorial-Dumaguete Science High School batay sa kanilang karanasan.

Mahihinuha na maaaring karamihan sa mga estudyante sa paaralang nabanggit ay

nakikisabay sa konseptong Fast Fashion.


35

Figyur 16

Persepsyong mas Laganap ang Fast Fashion


sa Senior High kaysa sa Junior High
3% 15%
30%

52%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Batay sa Figyur 16, makikita na lubos na sumasang-ayon ang labinlimang

porsyento (15%) sa mga respondente at limampu’t dalawang porsyento (52%) ang

sumasang-ayon na mas laganap ang Fast Fashion sa senior high kaysa sa junior high.

Samantalang tatlumpung porsyento (30%) ng mga respondente ang hindi sumasang-ayon

at tatlong porsyento (3%) ang lubos na hindi sumasang-ayon na mas laganap ang Fast

Fashion sa senior high kaysa sa junior high sa paaralang pinapasukan.

Batay sa datos na nakalap, sumasang-ayon ang mga estudyante na mas naging laganap

ang Fast Fashion sa senior high kaysa sa junior high. Nakikita na karamihan sa mga

estudyanteng sumusunod sa konseptong Fast Fashion ay mula sa senior high at maaaring

ito ay dahil sila ay mas matanda at mas matatag pagdating sa aspetong pinansiyal

kumpara sa mga estudyante mula junior high.


36

Figyur 17

Persepsyon ng mga Estudyante sa Pagbili ng


mga Damit ayon sa Trend
12% 15%

37%
36%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Batay sa Figyur 17 na nasa itaas, labinlimang bahagdan (15%) ng mga

respondente ay lubos na sumasang-ayon at tatlumpu’t anim na bahagdan (36%) ang

sumsang-ayon na bumibili ang mga estudyante ng damit na naayon sa trend. Samantala,

tatlumpu’t pitong porsyento (37%) ang hindi sumsang-ayon at labindalawang porsyento

(12%) ang lubos na hindi sumasang-ayon sa kaisipang ito.

Sumasang-ayon ang mga respondente na karamihan sa mga estudyante ay bumibili ng

damit kung ito ay naaayon sa mga trends. Hindi maitatanggi na ito ay impluwensiya ng

teknolohiya at sa mga nakakasalamuha kaya’t sumasabay na rin ang mga estudyante sa

kung ano ang uso para sa nakararami.

Ang mga datos na ito ay sumasang-ayon sa pananaliksik na naisagawa ni Saravanan

(2015) na pinamagatang Fashion Trends and Their Impact on the Society, na nagsasaad

na nakakaapekto ang mga pinapakitang trends ng iba’t ibang social media platforms sa

pagbili ng damit.
37

Figyur 18

Persepsyon ng Pag-uulit ng Pananamit kaysa


sa Pagbili ng Bago
5% 18%
15%

62%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Ayon sa Figyur 18, labingwalong bahagdan (18%) ng mga respondente ang lubos

na sumasang-ayon na karaniwang makikita sa mga estudyante ang pag-uulit ng pananamit

kaysa sa pagbili ng bago habang animnapu’t dalawa na bahagdan (62%) ang sumasang-

ayon. Samantala, labinlimang bahagdan (15%) ang hindi sumasang-ayon dito at limang

bahagdan (5%) ang lubos na hindi sumasang-ayon sa pag-uulit ng pananamit kaysa sa

pagbili ng bago.

Sumasang-ayon ang mga estudyante na mas sinunod ng mga estudyante ang paguulit ng

damit kaysa sa pagbili ng bago. Maaaring may kamalayan ang mga estudyante sa mga

epekto ng palagiang pagbili ng damit kaya’t inuulit nila ang kanilang damit.

Ang mga datos na ito ay sumasang-ayon sa pananaliksik nina Farrant, Olsen, Wangel

(2010) na pinamagatang Environmental Benefits from Reusing Clothes, na nagsasaad na

karamihan sa mga tao ay inuulit ang damit para matamo ang pagpapanatili ng kaayusan

sa kapaligiran.
38

Figyur 19

Persepsyon ng mga Estudyante sa Pagbili ng


Pananamit tuwing may Okasyon
2%
28% 22%

48%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Batay sa Figyur 19, makikita na dalawampu’t dalawang porsyento (22%) ang

lubos na sumasang-ayon at apatnapu’t walong porsyento (48%) ang sumasang-ayon na

ang pagbibili ng mga damit ay maiuugnay sa pagkakaroon ng okasyon. Samantalang

dalawampu’t walong porsyento (28%) ang hindi sumasang-ayon at dalawang porsyento

(2%) ang lubos na hindi sumasang-ayon na bumibili lamang ang mga estudyante ng damit

tuwing may okasyon.

Sumasang-ayon ang mga estudyante na bumibili sila ng pananamit tuwing may okasyon.

Maaaring naaapektuhan ang kanilang pagbili ng pananamit dahil sa kanilang mga

sinasalihang mga pagdiriwang na maaaring pumipilit sa kanila na bumili ng bagong

damit.
39

20
Figyur

Persepsyon ng mga Estudyante sa Kaagarang


Pagbili ng Pananamit dahil sa Kagustuhan
5% 22%
30%

43%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Batay sa Figyur 20, makikita na dalawampu’t dalawang bahagdan (22%) ang

lubos na sumasang-ayon sa agarang pagbili ng mga damit dahil sa kagustuhan habang

apatnapu’t tatlong bahagdan (43%) ang sumasang-ayon. Samantala, tatlumpung

porsyento (30%) ng mga respondente ang hindi sumasang-ayon at limang porsyento (5%)

ang lubos na hindi sumasang-ayon sa kaisipan na bumibili ng damit ang mga estudyante

dahil sa kagustuhan.

Sumasang-ayon ang mga estudyante na agaran silang bumibili ng damit kung ito’y

kanilang nagustuhan. Nakikita na nakakaapekto ang sariling pagkiling ng mga tao sa

kanilang pagpapasiya tuwing bumibili ng damit. Maaaring mahihinuha na ang mga

estudyante ay padalos-dalos na bumibili ng damit na hindi pinag-isipan ng maayos.


40

Figyur 21

Persepsyon ng mga Estudyante sa Unti


-unting
Pagkakaapekto ng ating Kapaligiran dala ng
Fast Fashion batay sa Karanasan
28% 25%

47%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Ayon sa Figyur 21, nakikita na dalawampu’t limang bahagdan (25%) ng mga

respondente ang lubos sa sumasang-ayon na unti-unting naaapektuhan ang ating

kapaligiran ng dahil sa Fast Fashion habang apatnapu’t pitong bahagdan (47%) ang

sumasang-ayon. Samantalang dalawampu’t walong bahagdan (28%) ang hindi

sumasangayon na naapektuhan ang ating kapaligiran ng dahil sa Fast Fashion batay sa

kanilang naranasan.

Lubhang sumasang-ayon ang mga estudyante na nakakaapekto ang Fast Fashion sa ating

kapaligiran. Batay sa kanilang karanasan, napapansin na nila na unti-unting naaapektuhan

ang kapaligiran ng paaralan dala ng mga epekto ng Fast Fashion.

Ang mga datos na nakuha ay sumasang-ayon sa pananaliksik nina Bick, Ekinga,

at Halsey na pinamagatang The Global Environmental Injustice of Fast Fashion, na

nagpapahiwatig na ang Fast Fashion ay nakakaapekto sa pagtapon at paggamit ng mga


41

22
Figyur

Persepsyon ng mga Estudyante sa Kaugnayan


ng Pagbili ng Damit sa mga Gawain sa
Paaralan
4% 18%
28%

50%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

damit sa negatibong pamaamaraan at ito ay unti-unting nakakaapekto sa kondisyon ng

ating kapaligiran.

Batay sa Figyur 22, makikita na labingwalong bahagdan (18%) ng mga estudyante

ang lubos na sumasang-ayon na mayroong kaugnayan ang pagbili ng damit sa mga

gawain sa paaralan. Samantala, limampung bahagdan (50%) ang sumasang-ayon sa

kaisipang ito. Makikita rin na dalawampu’t walong bahagdan (28%) ang hindi

sumasangayon na may kaugnayan ang dalawang konsepto. Apat na bahagdan (4%) ang

lubos na hindi sumasang-ayon sa persepsyong ito.

Karamihan sa mga respondente ay sumasang-ayon na ang pagbili ng damit at ang mga

gawain sa paaralan ay mayroong kaugnayan kung saan mas madami sa kalahati ang

naniniwala sa persepsyon na ito. Sa bawat gawain na ipinagdidiriwang o mga

pagtatanghal, nagpapatunay ang datos na ito na binabagay at nagsusuot ng naayon sa

okasyon ang mga mag-aaral kaya mayroong ugnayan ang dalawang konsepto.
42
43

23
Figyur

Persepsyon ng mga Estudyante sa Paglaan ng


Kalahati ng Baon para sa Pamimili ng Damit
30% 15%
18%

37%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Batay sa Figyur 23, makikita na labinlimang bahagdan (15%) ang lubos na

sumasang-ayon sa paglalaan ng kalahati ng baon para sa pamimili ng damit.

Labingwalong bahagdan (18%) ang sumasang-ayon sa persepsyon na ito. Sa kabilang-

dako, tatlumpu’t pitong bahagdan (37%) ang hindi sumasang-ayon sa ideyang naitala at

tatlumpung bahagdan (30%) naman ang lubos na hindi sumasang-ayon sa persepsyon ng

kaisipang ito.

Mahihinuha mula sa datos na nakalap na mas madami ang hindi naniniwala sa

persepsyon na paglalaan ng kalahati ng baon para makabili ng damit. Maaaring masasabi

na baka ay mas maliit o mas malaki pa sa kalahati ang nilalaan ng mga estudyante. Ang

pagbabadyet ay mahalaga kung kaya ay maaaring mas nilalaan ng mga mag-aaral ang

naipong pera sa mga pangangailangan at mas makabuluhang bagay na magagamit sa

pang-araw-araw na gawain.
44

24
Figyur

Paniniwalang Karamihan sa mga Estudyante


ay Nangungutang para sa Pananamit
20% 10%
18%

52%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Batay sa Figyur 24, nakikita na sampung bahagdan (10%) ang lubos na sumasang-

ayon sa konseptong karamihan sa mga estudyante ay nangungutang para sa pananamit.

Mahihinuha rin na labingwalong bahagdan (18%) ang sumasang-ayon sa paniniwala na

ito. Limampu’t dalawang bahagdan (52%) naman ang hindi sumasangayon at

dalawampung bahagdan (20%) ang lubos na hindi sumasang-ayon batay sa figyur na

nailathala.

Mas malaking bahagdan ng mga sumagot ang hindi naniniwalang marami sa mga mag-

aaral ang nangungutang para sa pananamit. Base sa katibayang ito, ang perspektibo ng

mga estudyante ay naglalayong pag-ipunan na lamang ang pambili at maaring hindi

prayoridad ng karamihan sa mag-aaral ang pagbili ng damit kung kaya ay hindi

humahantong sa pag-utang. Ang hindi pagsang-ayon ng karamhihan ng mga estudyante

ay nagpapakita lamang ng lubos na pag-unawa sa kaisipan at moral na pagpapakahulugan

sa mga mas may mahalagang bagay at pangangailangan kaysa sa pag-utang para may
45

25
Figyur

Paniniwalang Umiral ang Fast Fashion dahil


sa Tekhnolohiya
3%
18% 34%

45%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

pambili.
Batay sa Figyur 25, nakikita na tatlumpu’t apat na bahagdan (34%) sa mga

respondente ang lubos na sumasang-ayon sa paniniwalang mayroong Fast Fashion dahil

sa teknolohiya. Apatnapu’t limang bahagdan (45%) naman ang sumasang-ayon sa

nasabing paniniwala. Makikita rin na labingwalong bahagdan (18%) ang hindi

sumasangayon sa ideyang ito at tatlong bahagdan (3%) ang lubos na hindi sumasang-

ayon batay sa sarbey.

Sa mga sagot na makikikita, mahihinuha na ang Fast Fashion ay dala rin ng

pagusbong ng teknolohiya sa kasalukuyan. Hindi lingid sa kaalaman ng bawat tao na ang

teknolohiya ngayon ang nagpapagaan sa bawat gawain araw-araw. Ang mga makabagong

electronic devices ang nagiging instrumento sa pagkalap at palitan ng impormasyon sa

iba’t ibang aspekto. Kaya ang mga trend sa pananamit ay patuloy na nagbabago. Hindi
46

Figyur

lamang ang disenyo ng damit ang pinagtutuunan ng pansin ng mga tao ngayon ngunit

kasama ang praktikalidad na dala ng damit na sinusuot bawat araw-araw.


47

Ang mga datos na ito ay angkop sa pananaliksik ni Bhardwaj (2009) na nagsasaad

na kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, ang Fast Fashion ay nagiging dinamikong

pagbabago sa industriya na hindi lamang hinahangad ang kita ngunit inaalala ang

mababang gastos at kalidad upang makasabay sa mas malaking supply na kinakailangan

ng mga tao. Naging makabuluhan ito lalo na at ang Fast Fashion ay nagiging potensyal

na isyu sa pananaliksik dahil sa mabilis na pag-aangkop sa trend at fashion ng mundo

kasama ang pagbabago rin ng teknolohiya.

Figyur 26

Paniniwalang Nakakaapekto ang Social Media


Influence sa Fast Fashion ng mga Estudyante
3%
20% 30%

47%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Batay sa Figyur 26, nakikita na tatlumpung bahagdan (30%) ang naniniwalang

nakakaapekto ang impluwensya ng social media sa Fast Fashion ng mga estudyante.

Samantala, apatnapu’t pitong bahagdan (47%) ang sumasang-ayon sa mga respondente.

Sa kabilang-dako, dalawampung bahagdan (20%) ang hindi sumasang-ayon sa nasabing

konsepto na ito at tatlong bahagdan (3%) ang lubos na hindi sumsang-ayon din.

Karamihan sa mga estudyante ay naniniwalang naapektuhan ng impluwensya

galing sa social media ang pananaw tungkol sa Fast Fashion. Makikita sa mga datos na
48

sobra sa kalahati ng mga sagot ay sumasang-ayon sa paniniwalang ito lalo na at halos

lahat ng tao, sa komunidad o pamilya man, ay mayroong social media accounts. Ang

social media influence ay maaaring sa pamamagitan ng mga iniidolong tao, mga larawan

na makikita sa internet, mga lathalain at babasahin sa iba’t ibang plataporma ng media at

iba pa. Kung kaya ay mahihinuha na napakalaki ng impluwensiya ng social media sa

pang-araw- araw na opinyon, saloobin at paniniwala ng tao na nakakaapekto rin sa paraan

ng pananamit, at maging ang kadalasan sa pagbili ng masusuot ng bawat tao.

Figyur 27

Paniniwalang Mahilig ang mga Estudyante ng


RTPM-DSHS sa Pananamit
12% 3%
40%

45%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Batay sa Figyur 27, nakikita na apatnapung bahagdan (40%) sa mga respondente

ang lubos na sumasang-ayon sa paniniwalang mahilig ang mga estudyante ng RTPM-

DSHS sa pananamit. Maihahalintulad din ito sa apatnapu’t limang bahagdan (45%) na

nagsasabing sumasang-ayon sila sa kaisipang ito. Mapapansin din sa figyur na mayroong

labindalawang bahagdan (12%) ng mga respondente ang hindi sumasang-ayon habang

makikita rin na tatlong bahagdan (3%) lamang ang sumagot ng lubos na hindi

sumasangayon sa nasabing paniniwala.


49

Sa datos na nakalap, makikita na ang pinagsamang bahagdan ng lubos na

sumasang-ayon at ang mga sumasang-ayon ay higit sa walumpung bahagdan (80%).

Mahihinuha na napakalaking porsiyento ng mga mag-aaral ng RTPM-DSHS ay mahilig

sa pananamit at maaring ang bawat sinusuot na damit ay binabagay sa bawat hilig, o

interes ng mag-aaral. Sa pamamaraang ito, pinapakita ng isang estudyante ang

paniniwala, at ang gustong suotin na sumasalamin din sa prinsipyo, damdamin, at estado

na kinabibilangan ng isang tao.

Figyur 28

Persepsyon sa Kahiligan ng mga Estudyante


na Bumili ng Pananamit na Bagong Labas
12% 13%

40% 35%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Batay sa Figyur 28, nakikita na labintatlong bahagdan (13%) sa mga respondente

ang lubos na sumsang-ayon sa persepyon tungkol sa kahiligan sa pagbili ng bagong labas

na damit. Mapapansin din sa figyur na tatlumpu’t limang bahagdan (35%) ang

sumasangayon sa kadahilanan na ito. Sa ibang dako, apatnapung bahagdan (40%) ang

hindi sumasang-ayon habang makikita na labindalawang bahagdan (12%) ang lubos na

hindi sumasang-ayon batay sa ginawang sarbey.


50

Sa datos na makikita ay mapapansin na halos hati ang saloobin ng mga

estudyante. Masasabi na kalahati ang hindi sumasang-ayon at sumasang-ayon kung

pababatayan ang nakalap na mga sagot. Maaring mahinuha na ang mga mag-aaral ay

tinitimbang muna ang praktikalidad ng pagbili at kung kinakailangan nga ba ang madalas

na pagbabago ng masusuot. Ang saloobin din ng halos kalahati ng mga mga sumagot ng

sumasang-ayon ay sumasalamin din sa paniniwala nila sapagkat sa hilig sa pagbili ng

bagong damit ay mahihinuha na siguro ay may kaya o mas binibigyang pansin nila ang

pisikal na presentasyon dahil sa pananamit. Sa dalas din ng pagbili ng bagong damit ay

mas lumalaki ang kinakailangan mai-suplay ng mga pagawaan at patahian upang

matugunan ang lumalaking demand.

Figyur 29

Persepsyon sa Kaugalian ng mga Estudyante


na Bumili ng Pananamit na may Mababang
Presyo
17% 5% 36%

42%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Batay sa Figyur 29, nakikita na tatlumpu’t anim na bahagdan (36%) ang lubos na

sumasang-ayon sa kaugalian ng mga estudyante na bumibili ng damit na may mababang

presyo. Apatnapu’t dalawang bahagdan (42%) sa mga sumagot ang sumasang-ayon na

ma mainam para sa kanila ang pagbili ng damit na mura. Sa kabilang-dako, makikita na

labimpitong bahagdan (17%) sa respondente ang hindi sumasang-ayon sa nasabing


51

kaugalian. Samantala, limang bahagdan (5%) ang lubos na hindi sumasang-ayon sa

persepsyon na ito.

Sa datos na makikita ay napakalaking bahagdan ng mga sumagot ang lubos na

sumasang-ayon at ang sumasang-ayon. Makikita ang layo sa agwat nito mula sa mga

hindi sumasang-ayon na sagot. Mahihinuha na ang mga mag-aaral ay ugali na ang pagbili

ng mga mas murang damit kung ikukumpara sa mga mamahalin. Madami sa mga

magaaral ngayon ang mas naiisip ang praktikalidad sa pagbili lalong-lalo na madaming

gastusin sa pag-aaral. Totoo na sa pananamit binabatay rin ang pakikitungo sa ibang tao

ngunit dapat na mayroong ding alam sa mga tamang istilo, disenyo, klase at pagbabagay

ng damit. Sa paraan ding ito, napakadaming murang damit ang makikita kaysa sa mga

damit na sunod sa moda ay madali ring nawawala sa uso. Ang mga istilong konserbatibo

para sa iba’t ibang gawain ay waring nagtatagal at mas naghihikayat ng praktikal na

pagiisip upang mas natural na istilo ang gawin.


52

Figyur 30

Persepsyon sa Kaugalian ng mga Estudyante


sa Agarang Pagbili ng Pananamit kung may
Pera
23% 13%
22%

42%

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon


Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Batay sa Figyur 30, labintatlong bahagdan (13%) sa mga respondente ang lubos

na sumasang-ayon sa pag-uugali ng mga estudyante na agarang bumibili ng damit kung

may pera habang makikita na dalawampu’t dalawang bahagdan (22%) ang sumasangayon

sa paniniwalang ito. Sa kabilang dako, mapapansin din na apatnapu’t dalawang bahagdan

(42%) sa mga respondente ang hindi sumasang-ayon sa nasabing kaugalian.

Samantala, dalawampu’t tatlong bahagdan (23%) ang lubos na hindi sumasang-ayon sa

persepsyon batay sa dahilan na ito.

Mas malaking bahagdan ang sumatutal ng mga hindi sumasang-ayon sa kaisipan na

agarang pagbili ng damit kung mayroong pera. Sa mga sagot na ito, mahihinuha na hindi

siguro sa pananamit nakasentro ang buhay lalo na at mas may matimbang na

pangangailangan ang mga estudyante gaya ng pera sa proyekto, pera para sa pangkain at

iba pa. Hindi rin gaanong nalalayo ang bahagdan ng mga sumasang-ayon lalo na kapag

mayroon namang pera ay kayang-kaya ng iba na bumili na naayon din sa


53

pangangailangan ng isang mag-aaral. Dulot din ito ng paminsan-minsan na pakiramdam

ng kaginhawaan o kaluwagan kaya mayroong iba na agad bumibili ng damit kapag may

pera.
54

KABANATA III Buod sa mga Natuklasan, Kongklusyon at


Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng buod ng datos na nakalap, nagbibigay

kongklusyon batay sa resultang ipinakita at nagbabahagi ng mga rekomendasyon para

mapaunlad ang pananaliksik.

Pagbanggit muli ng mga Suliranin

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay ang pagkalap ng

impormasyon sa persepsyon ng mga estudyante sa Ramon Teves Pastor Memorial –

Dumaguete Science High School ukol sa Fast Fashion.

Naglalayon din itong masagot ang sumusunod na tiyak na mga suliranin:

1. Ano ang demograpikong profayl ng mga respondente batay sa:

1.1 edad

1.2 kasarian

1.3 grupo na palaging nakakasalamuha

1.3.1 pamilya

1.3.2 mga kaibigan

1.3.3 mga guro

1.3.4 mga kamag-aral

1.4 pinagsamang sahod ng magulang kada buwan

2. Ano ang karanasan ng mga estudyante ng RTPM-DSHS tungkol sa Fast Fashion?


3. Ano ang mga salik na nakakaapekto sa persepsyon ng mga estudyante sa RTPM-

DSHS tungkol sa Fast Fashion?


55

Buod sa mga Natuklasan

Ang sumusunod ay mga natuklasan ng mga mananaliksik. Natuklasan ng mga

mananaliksik na:

1. Karamihan sa mga magulang ng mga mag-aaral ng RTPM-DSHS ay sumasahod

ng Php 10,000 – Php 20,000 hanggang Php 45,000 pataas kada buwan.

2. Tatlumpu’t anim (36) sa mga respondente ay kababaihan at dalawampu’t apat

(24) naman sa kanila ay kalalakihan.

3. Ang edad ng mga respondente ay nasa pagitan ng labindalawa hanggang

labingsiyam (12-19) na taong gulang. Labindalawang (12) taong gulang ang

pinakabatang respondente at nasa labingsiyam (19) ang pinakamatanda.

4. Karamihan sa mga respondente ay palaging nakakasalamuha ang kanilang

pamilya, kaibigan at kamag-aral. Habang ang pakikipagsalamuha sa guro, ay

minsanan lamang.

5. Limampu’t isang porsyento (51%) sa mga respondente ay sumasang-ayon na

mapapakinabanagan nila ang Fast Fashion dahil sa mura lang ang magiging

presyo ng mga damit. Dalawang porsyento (2%) lamang ang lubos na hindi

sumasang-ayon.

6. Sa pamamagitan ng pananamit, naipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang sarili

kagaya ng kung ano ang katangian na mayroon sila.

7. Mas makikinabang ang mga pamilya ng mga magulang na mayroong mababang

sahod sa Fast Fashion sapagkat magiging mura nalang ang bilihin sa pananamit.

8. Karamihan sa mga respondente ay mayroong paniniwala na sa pamamagitan ng

Fast Fashion, naiimpluwensyahan ng mabuti ang kanilang pagkamalikhain.


56

9. Nakabubuti ang Fast Fashion sa paaralan ng RTPM-DSHS batay sa paniniwala ng

karamihan na mga estudyante.

10. Limampu’t apat na porsyento (54%) sa mga respondente ang nagsabing hindi

nakadudulot ang Fast Fashion ng pinanasyal na problema sa mga mag-aaral ng

RTPM-DSHS.

11. Ang Fast Fashion sa RTPM-DSHS ay hindi maituturing na isang suliranin batay

sa sagot ng limampu’t pitong porsyento (57%) sa mga respondente.

12. Limampu’t dalawang porsyento (52%) sa mga respodente ay naniniwalang

nagdudulot ng masamang epekto sa kapaligiran ang Fast Fashion.

13. Laganap ang Fast Fashion sa paaralan ng RTPM-DSHS.

14. Mas laganap ang Fast Fashion sa mga mag-aaral ng senior high kaysa sa

magaaral ng junior high ng paaralan.

15. Mayorya sa mga respondente ay bumibili kaagad ng damit kapag ito ay umaayon

sa bagong trend.

16. Mas pinipili ng mga estudyante na ulitin ang pagsuot ng kanilang mga damit

kaysa bumili ng bago.

17. Tuwing mayroong magaganap na okasyon, bumibili kaagad ng bagong damit ang

mga mag-aaral ng RTPM-DSHS.

18. Animnapu’t pitong porsyento (67%) sa mga respondente ang may karanasan na

bumbibili kaagad ng bagong damit kapag natipuhan nila ito.

19. Napapansin ng mga estudyante ng RTPM-DSHS ang paunti-unting epekto sa

kapaligiran na dulot ng Fast Fashion.


57

20. Animnapu’t walong porsyento (68%) sa mga respondente ay iniuugnay ang

pagbibili ng bagong damit sa pagkakaroon ng mga gawain sa paaralan katulad ng

pagtatanghal.

21. Mayorya sa mga estudyante ay hindi ginagalaw ang kahit kalahati sa kanilang

baon para makabili ng bagong damit.

22. Karamihan sa mga respondente ang nagsabi na hindi nangungutang ang mga

magaaral para lamang makabili ng damit.

23. Ang pagkakaroon ng Fast Fashion ay dulot ng makabagong teknolohiya.

24. Ang impluwensya galing sa mga social media sites ay may kinalaman sa

paglaganap ng Fast Fashion sa paaralan.

25. Ang mga mag-aaral ng RTPM-DSHS ay mahilig sa pananamit.

26. Limampu’t dalawang porsyento (52%) sa mga respondente ay sumagot na hindi

sila agad-agarang bumibili ng bagong labas na damit.

27. Halos lahat ng mga estudyante ng RTPM-DSHS ay bumibili ng mumurahin na

damit.

28. Animnapu’t limang porsyento (65%) sa mga respondente ang sumagot na hindi

nila ugaling bumili kaagad ng bagong damit tuwing magkakaroon sila ng pera.

Kongklusyon

Ayon sa nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik, ang pagkakaroon ng

Fast Fashion ay sinasang-ayunan ng mga estudyante at mayroong magandang reputasyon

batay persepsyon ng mga respondente.


58

1. Animnapu’t limang porsyento (65%) ng mga respondente sa RTPM- DSHS ang

may positibong persepsyon tungkol sa pagkakaroon ng Fast Fashion batay sa

kanilang mga paniniwala.

2. Animnapu’t tatlong porsyento (63%) naman ng mga respondente sa RTPM-

DSHS ang may positibong persepsyon tungkol sa pagkakaroon ng Fast Fashion

batay sa kanilang mga karanasan.

3. Animnapu’t walong porsyento (68%) ng mga respondente sa RTPM- DSHS ang

may positibong persepsyon tungkol sa pagpapatupad ng Fast Fashion batay sa

kanilang mga dahilan kagaya nalang ng teknolohiya, hilig, at ugali.

4. Ang null ipotesis sa pag-aaral na ito ay hindi tumutugma sa kabuuang resulta

sapagkat hindi negatibo ang persepsyon ng mga mag-aaral ng RTPM-DSHS sa

usaping Fast Fashion.

5. Kulang sa kaalaman ang mga estudyante ng RTPM-DSHS patungkol sa Fast

Fashion. Dapat pagtuunan ng pansin ang pagbibigay ng kaalaman tungkol sa Fast

Fashion lalong-lalo na sa mga estudyante upang malimitahan ang kanilang mga

gawain na posibleng dumagdag sa mga suliranin sa Fast Fashion.

Rekomendasyon

Para sa mas mahusay na paggawa ng mga pananaliksik sa hinaharap, nais na irekomenda

ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:


59

1. Bigyang tuon ang kahalagahan ng paglalahad ng kasarian ng mga respondente.

Gamitin ito upang maikumpara ang mga sagot. Sa paraang ito, malalaman kung

mayroon bang kaibahan sa perspektibo sa pagitan ng mga kalalakihan at

kababaihan.

2. Ikumpara ang kaibahan ng mga sagot base sa edad ng mga respondente upang

mas maging malawak ang pag-unawa sa pag-aaral. Sa pamamagitan din nito,

makikita kung gaano kalalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa usaping Fast

Fashion depende sa kanilang edad.

3. Bigyan din ng pokus ang anumang may kinalaman sa Fast Fashion na maaaring

malikhaan ng pananaliksik katulad ng magiging epekto nito sa mga estudyante.


60

Listahan ng mga Hanguan

Abadejos, A., de Jesus, I. (2018). The Cost of Fast Fashion. Hinango mula sa

https://www.dlsu.edu.ph/wp-content/uploads/pdf/conferences/arts-

congressproceedings/2018/sfy-03.pdf.

Bick, R., Halsey, E. &Ekenga, C.C. (2018). The global environmental injustice of fast

fashion. Environ Health 17, 92. Hinango mula sahttps://doi.org/10.1186

/s12940018-0433-7.

Bhardwaj, V., & Fairhust, A. (2010). Fast Fashion: response to changes in the fashion

industry. The International Review of Retail, Distribution and Consumer

Research, 20(1), 165-173. https://www.tandfonline.com/doi/abs-

/10.1080/09593960903498300.

Chan, R., Joy, A., Sherry, J., Jr, & Venkatesh, A. (2012). Fast Fashion, Sustainability,

and the Ethical Appeal of Luxury Brands [PDF file]. Hinango mula sa

https://www3.nd.edu/~jsherry/pdf/2012/FastFashionSustainability.pdf.

Faust, D. (2020).The Mind of the Market Laboratory: The Zaltman Metaphor Elicitation

Technique. Hinango mula sa https://projects.iq.harvard.edu/mind-of-the-

marketlaboratory/zmet/.

Iannone, R., & Riemma, S. (2015). Modeling Fashion Retail Supply Chain through

Causal Loop Diagram [PDF file]. Hinango sa

https://www.sciencedirect.com/science/article- /pii/S2405896315005029.
61

Kraut, R. (2016). Altruism. In Stanford Encyclopedia of Philosophy. Hinango mula sa

https://plato.stanford.edu/entries/altruism/.

Morgan, Louise &Birtwistle, Grete. (2009). An Investigation of Young Fashion

Consumers' Disposal Habits. International Journal of Consumer Studies. Hinango

mula sa https://www.researchgate.net/publication/229565024-

_An_Investigation_of_Young_Fashion_Consumers'_Disposal_Habits.

Preuit (2016). Fashion and Sustainability: Increasing Knowledge About Fast Fashion

Through an Educational Module. Hinango mula sa

https://mountainscholar.org/bitstream/handle/10217/173475/Preuit_colostate_005

3N_13468.pdf?sequence=1 &isAllowed=y.
62

Apendiks A
Ika-2 ng Marso 2020

CHINKY MAY FREIRES PACULANANG


Punong-guro
RTPM-Dumaguete Science High School
Ma. Ascuncion Village
Siyudad ng Dumaguete

Mahal na Ginang,

Magandang araw po sa inyo!

Kami po ay kasalukuyang gumagawa ng aming pananaliksik na pinamagatang


“PERSEPSYON NG MGA ESTUDYANTE TUNGKOL SA FAST FASHION SA RAMON TEVES
PASTOR MEMORIAL-DUMAGUETE SCIENCE HIGH SCHOOL,” bilang bahagi ng mga gawaing
kailangan sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Para sa paglilikom ng aming mga datos, taos-pusong humihingi po kami ng iyong pahintulot na
makapagsagawa ng isang sarbey hinggil sa persepsyon ng mga estudyante tungkol sa fast fashion.

Nawa ay tanggapin ninyo ang aming kahilingan at sana ay pumayag po kayong maipamigay sa mga
magaaral ang sarbey-kwestyoneyr na ito. Ang inyong positibong tugon ay lubos na makatutulong sa
ikatatagumpay ng pananaliksik na ito. Gagamitin lamang po namin na mananaliksik ang datos para sa
pagaaral at mananatili po itong konpidensyal.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon!

Sumasainyo,

CHRISTIAN CUAL BJ IANNO DE CASTRO FRAULINE ORTEGA


Mananaliksik MananaliksikMananaliksik
MananaliksikMananaliksik

ZSARISSE LIRAZAN ZOIE BURGOS BLESSY PIONELA


Mananaliksik MananaliksikMananaliksik Mananaliksik
63

Guro sa Pagbasa at Pagsusuri

Apendiks B

Sarbey-Kwestyoneyr

PERSEPSYON NG MGA ESTUDYANTE TUNGKOL SA FAST FASHION SA RAMON


TEVES PASTOR MEMORIAL – DUMAGUETE SCIENCE HIGH SCHOOL

Mahal naming mga respondente, isang pagbati! Kami ay mga mag-aaral ng


ikalabing-isang baitang sa Senior High School. Sa kasalukuyan, nagsasagawa kami ng
isang pananaliksik tungkol sa “Persepsyon ng mga Estudyante Tungkol sa Fast Fashion
sa Ramon Teves Pastor Memorial – Dumaguete Science High School”.

Kaugnay nito, isang talatanungan ang inihanda namin upang makakalap ng mga
datos na kakailanganin sa pananaliksik na ito. Ang talatanungan na ito ay para lamang sa
mga layning pang-akademiko. Ang lahat ng datos na natipon ay mananatiling
kumpidensyal at iingatan mabuti. Maaaring suriin ang talatanungang ibinigay at sagutan
nang may buong katapatan ang mga sumusunod ayon sa iyong tugon. Maraming salamat!

-Mga Mananaliksik

Fast Fashion - Ito ay tumutukoy sa mabilis ang produksyon ng murang pananamit.

PANUTO: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga sumusunod. Lagyan ng tsek
(/) ang patlang ng iyong napiling sagot.

A. Profayl ng Respondente

Pangalan (Opsyonal): ________________________________________

Baitang at Seksyon: ____________ Edad: _________

Kasarian: _____ Questionaire No: _____________

Magkano ang pinagsamang sahod ng iyong mga magulang kada buwan?

___Mas mababasaPhp 10,000

___ Mula Php 10,000 hanggang Php 25,000


64

___ Mula Php 25,001 hanggang Php 40,000

___ Mula Php 40,001 hanggang Php 55,000

___ Mas mataas sa Php 55,000

PANUTO: Piliin at lagyan ng ekis (X) kung sumasang-ayon o hindi. Batay sa ibinigay na
sukatan sa ilalim.

Mga Posibleng Palagi Madalas Minsan Hindi Nagkikita


Nakakasalamuha
Pamilya
Kaibigan
Kamag-aral
Guro
65

mga gawain sa
Fashion ay isa sa paaralan.
mga suliranin ng
mgae studyante
C. Persepsyon ayon LS S HS LHS
sa RTPM-DSHS.
sa Dahilan
8. Naniniwala
1. Mahigit sa
ako na ang
P kalahati ng
Fast Fashion
I aking baon ay
ay nagdudulot
N napupunta sa
ng masamang
A pagbili ng
epekto sa ating damit.
66

kapaligiran. N 2. Sa palagay
S ko, karamihan
Y sa mga
B. Persepsyon ayon sa LS S HS LHS
A estudyante ng
Karanasan
L RTPM-DSHS
1. Nakikita ko na ang
laganap ang Fast nangungutang
Fashion sa paaralan para lang bumili
ng RTPM-DSHS. ng bagong
2. Mas laganap ang damit.
Fast Fashion sa Senior 3. Ang Fast
High kaysa sa Junior T Fashion ay
High. E dahil sa mga
3.Madalas akong K makabagong
bumili ng bagong teknolohiya at
N
damit kapag ito ay internet.
O
naaayon sa “trend”. L 4.
4. Nakikita ko na mas Naaapektuhan
O
inuulit ng mga ang mga
H
estudyante ang mga estudyante ng
I
damit nila kaysa RTPM-DSHS
Y
bumili ng bago. ng Fast Fashion
A
dahil sa mga
5. Nakikita ko na
tinatawag na
bumibili lang ang mga
‘Social Media
estudyante ng damit
Influence’
kapag may okasyon.
5. Sa palagay
6. Nakikita ko na ang ko, ang mga
mga estudyante ay estudyante ng
bibili kaagad ng RTPM-DSHS
H
damit kung ito’y ay mahilig sa
I pananamit.
kanilang nagustuhan. L
7.Nakikita ko I
nauntiunting 6.Mahilig
G
naaapektuhan ang akong bumili
kapaligiran dahil sa ng bagong labas
Fast Fashion. na damit.
8.Nakikita ko na 7. Bumibili ako
maiuugnay ang
pagbibili ng damit sa
ng mga damit na
may mababang
U presyo.
67

G 8.Kapag may pera


A ako, bumibili
L agad ako ng
I bagongdamit.

Apendiks C

KURIKULUM VITAE
68

Christian Anthony F. Cual

Petsa ng Kapanganakan: December 09,2002

Lugar na Tinitirhan: Poblacion Sibulan, Negros


Oriental

Personal na Datos

Lugar ng Kapanganakan: Dumaguete City, Negros Oriental

Pangalan ng Ina: Fe F. Cual

Pangalan ng Ama: Carmelo A. Cual

Edukasyon

Elementarya: West City Science Elementary School

Sekondarya: Ramon Teves Pastor Memorial – Dumaguete Science High School


(Junior High & Senior High)
69

BJ Ianno Antoine P. De Castro

Petsa ng Kapanganakan: November 10, 2002

Lugar na Tinitirhan: Purok Tinabangay, Motong, Dumaguete


City, Negros Oriental

Personal na Datos

Lugar ng Kapanganakan: Dumaguete City, Negros Oriental

Pangalan ng Ina: Jacqueline P. De Castro

Pangalan ng Ama: Florindo O. De Castro

Edukasyon

Elementarya: St. Paul’s University Dumagute

Sekondarya: Ramon Teves Pastor Memorial – Dumaguete Science High School


(Junior High & Senior High)
70

Zoie Gwyneth D. Burgos

Petsa ng Kapanganakan: April 27 , 2002

Lugar na Tinitirhan: Ma. Asuncion Village,


Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Personal na Datos

Lugar ng Kapanganakan: Dumaguete City, Negros Oriental

Pangalan ng Ina: Mary Ann D. Burgos

Pangalan ng Ama: Mark Thaddeus R. Burgos

Edukasyon

Elementarya: ABC Learning Center – Dumaguete City

Sekondarya: Ramon Teves Pastor Memorial – Dumaguete Science High School


(Junior High & Senior High)
71

Zsarisse Dianne M. Lirazan

Petsa ng Kapanganakan: October 29, 2002

Lugar na Tinitirhan: FZO Subdivision, Barangay 1,


Kabankalan City, Negros Occidental

Personal na Datos

Lugar ng Kapanganakan: Bacolod City, Negros Occidental

Pangalan ng Ina: Esperanza M. Lirazan

Pangalan ng Ama: Jessie B. Lirazan

Edukasyon

Elementarya: Esteban R. Abada Memorial School - East

Sekondarya: Ramon Teves Pastor Memorial – Dumaguete Science High School


(Junior High & Senior High)
72

Frauline Grace S. Ortega

Petsa ng Kapanganakan: July 4, 2002

Lugar na Tinitirhan: Azagra, Tanjay City, Negros


Oriental

Personal na Datos

Lugar ng Kapanganakan: Dumaguete City, Negros Oriental

Pangalan ng Ina: Genalin S. Ortega

Pangalan ng Ama: Froilan G. Ortega

Edukasyon

Elementarya: ABC Learning Center – Tanjay City

Sekondarya: Ramon Teves Pastor Memorial – Dumaguete Science High School


(Junior High & Senior High)
73

Blessy Rose S. Pionela

Petsa ng Kapanganakan: April 23, 2002

Lugar na Tinitirhan: San Roque, San Jose, Negros


Oriental

Personal na Datos

Lugar ng Kapanganakan: Dumaguete City, Negros Oriental

Pangalan ng Ina: Jean S. Pionela

Pangalan ng Ama: Rodel S. Pionela

Edukasyon

Elementarya: West City Exceptional Child Learning Center – SPED FL

Sekondarya: Ramon Teves Pastor Memorial – Dumaguete Science High School


(Junior High & Senior High)

You might also like