You are on page 1of 4

Department of Education Division of Quezon

Panuto:Basahin nang tahimik ang teksto, pagkatapos sagutin ang mga tanong at
isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Pagtikim sa Pamosong Tinapay ng Sariaya


Ni Kristine Joy Galeon-Lontoc
Pambansang Mataas na Paaralang Lutucan

Isang kagat at hihirit ka pa.


Bukod sa kasaysayang mayroon ang Sariaya, nakatutuwang isipin na mapalad ito
dahil naging bantog sa pagluluto ng tinapay partikular na kilala sa tawag na “pinagong” . Ang
tinapay na ito ay may hugis pagong sapagkat mataba ang katawan nito, nagsisilbi ring
bahay nito ang matigas na tekstura ngunit malambot na laman sa loob ng tinapay.
Ang pinagong mula sa kulay nitong ginto ay maituturing na simbolo ng mayamang
kasaysayan ng Sariaya. Mayroon itong apat na hiwa bilang simpleng disenyo ng tinapay,
isang pahiwatig na simple lamang ang pamumuhay ng mga taong naninirahan dito.
Kung nanamnamin mula una hanggang huling kagat, siksik at tama lamang ang
pagkakahalo ng pampaalsa at harina nito. Ang bawat pagnguya ay naghahatid ng
maginhawang pakiramdam. Walang anumang pampalasa ang ginagamit dito maliban sa
sadya namang hinahaluan ito ng pula ng itlog, gatas at asukal.Simple lamang ang lasa ng
pinagong ngunit may eksaktong timpla sa mga kamay ng Sariayahin na siyang
nagpapaespesyal ng pinagong.
Mapagparanas ng pagmamahal ang pinagong dahil kung nasa kalagitnaan ng
pagkagat, malalasahan mong hindi ito minadali kaya hindi nakakasawa bagkus, binabalik-
balikan.
Inihahatid ng bawat pagtikim sa pinagong ang kaisipang ito ay para sa lahat, walang
bata o matanda ang hindi ito matatanggihan, walang angat at nasa laylayan ng lipunan ang
pinipili nitong pakainin, pantay-pantay ang lahat—isang positibong mensahe mula sa
pinagong ng Sariaya.

Baitang: 11-12
Bilang ng salita: 142

1
Department of Education Division of Quezon
Mga Tanong:
1.Ang pinagong ng Sariaya ay hugis ________. (literal)

A.kabibe
B.pagong
C.isda
D.talaba
2.Ano ang ipinahihiwatig ng kaisipang nasa huling talata? (Inferential)
A.Ang pinagong ay para sa lahat
B.Ang pinagong ay hindi para sa lahat
C.Ang pinagong ay may pinipiling edad ng kakain
D.Ang pinagong ay walang karapatang mamili
3.Sa paraan ng pagluluto ng pinagong, ipinakikita ng mga Sariayahin ang pagiging
____________.(inferential)
A.matatag
B.matiyaga
C.mapagkalinga
D.mapagmahal

4.Sa anong talata makikita ang pangunahing kaisipan sa teksto?(inferential)


A.unahang talata
B.ikalawang talata
C.gitnang talata
D.huling Talata

5.Ano ang kulay ng pinagong ng Sariaya? (literal)


A.Brown
B.Kahel
C.Ginto
D.Puti

6. “Ang bawat pagnguya ay naghahatid ng maginhawang pakiramdam.” Ano ang


ipinahihiwatig ng linya mula sa teksto?(kritikal)
A.Nagpapalakas ng katawan ang pagnguya ng pinagong.
B.Nagbibigay ng positibong pakiramdam ang pagnguya ng pinagong.
C.Nagdudulot ng kagandahan ang pagnguya ng pinagong.
D.Nagpapakita ng pagiging malikhain ang pagnguya ng pinagong.

2
Department of Education Division of Quezon

7.Kung hahawakan ang pinagong, ang tekstura nito sa labas ay ___________.(literal)


A.malambot
B.matigas
C.magaspang
D.madulas

8.Anong tinatalakay na paksa ng teksto?(inferential)


A.Iba’t ibang pakiramdam sa pagkain ng pinagong
B.Positibong kaisipan sa pagkain ng pinagong
C.Ang pinagong bilang pagkain ng lahat
D.Ang pinagong bilang simbolo ng kasaysayan

9.Ilang hiwa mayroon ang pinagong ng Sariaya? (literal)


A.apat
B.dalawa
C.lima
D.tatlo

10.Layunin ng teksto ang _______________.(kritikal)


A.magparanas ng pakiramdam kapag kumain ng pinagong.
B.magbigay-kaalaman kung ano ang pinagong.
C.magturo ng pagpapahalaga sa produkto ng sariling bayan
D.magbigay-linaw kung ano ang lasa ng pinagong.

3
Department of Education Division of Quezon

JOANNA MAE BANAL


11-AMBER
1. B
2. A
3. B
4. A
5. C
6. B
7. B
8. B
9. A
10. C

You might also like