You are on page 1of 2

ABSTRAK

Sa kasalukuyang panahon ay napakalaki na ng pagbabago sa ating klima ngayon ay

nakararanas ang mga tao ng sobrang init ng panahon na nagdudulot ng napakalaking epekto sa

ating pamumuhay at kabilang nadon ang mga mag-aaral. Sa pa-aaral na ito nabibigyang

kaalaman ang epekto ng matinding init na nararanasan ng mga mag-aaral sa kanilang

akademikong performans. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa ika-

labing isang baitang ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Makapuyat. Ito ay binubuo ng

walumput-pitong (87) mag-aaral mula sa ibat-ibang strand. Nalilimitahan ang pag-aaral na ito sa

epekto ng matinding init na nararanasan ng mga mag-aaral sa kanilang akademikong performans.

Ang paraan ginamit sa pagpili ng mga respondante sa pag-aaral na ito ay simple random

sampling kung saan may malaya o pantay na pagpili ang mga mananaliksik. Sa pagtuklas ng

epekto ng matinding init sa mga mag-aaral gumamit ang mga mananaliksik ng talatanungan na

naglalaman ng mga katanungang isinagawa ng mga mananaliksik na sumasagot sa pag-aaral.

Ang mga katanungang nakapaloob ay inaprubahan ng guro sa asignaturang ito na

pinapapatunayan ng liham na isinagawa ng mga mananaliksik upang formal na maisagawa at

maituwid sa katagumpayan ang ginawang pag-aaral. Ang nakalap na datos ay sinukat sa

pamamagitan ng percentage technique upang makuha ang bahagdan porsyento ng bilang ng mga

kasagutan sa mga katanungang inilaan ng mga mananaliksik. Base sa isinagawang pag-aaral ang

pinakamalaking epekto ng matinding init sa mga mag-aaral ay ang pagkairita sa oras ng klase

ayon din sa nakuhang datos ang paginom ng tubig ay ang epektibong solusyon upang maiwasan

ito napagtatanto din sap ag-aaral na dahil sa matinding init nawawalan ang mga mag-aaral ng

konsentrasyon sa pakikisalamuha at pakikipagusap. Sa kabuoan ng pa-aaral na ito nabigyang


kaalaman ang mga mag-aaral kung ano ang epekto ng matinding init sa kanilang pag-aaral at

kung ano ang maari nilang gawin para masolusyonan ito.

You might also like