You are on page 1of 7

Palawan State University

STEM College of Sciences

Dahilan ng pagkahuli ng mga mag-aaral sa klase

By:
Aura Zenia Lagan
Kimberly Sena
Jameia Mae Abogado
Reynold Eleazar
Lemuel Margate
Pristine Mazon
Jude Macolor
Kabanata 1
Introduksiyon

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa Dahilan ng pagkahuli ng mga mag-aaral sa


klase.
Sinasabi nga ng ating mga nakakatanda na ang pag-aaral at kaalaman ay isa sa mga bagay
na dapat na itinuturing na isang kayamanang kailanma’y di kayang nakawin nino man. Ito ang
kadahilanan ng pagiging produktibo at matagumpay ng bawat indibudwal at ng bansang kanyang
kinabibilangan. Kaakibat sa pag-aaral ang kagustuhan ng isang indibidwal na igugol niya ang
kanyang oras at kalakasan upang maging isang produktibong nilalang.
Sa kasalukuyan, napapansin ng mga mananaliksik ang pagiging huli ng mga mag-aaral sa
klase. Ninanais ng mga mananaliksik na matukoy ang kadahilanan kung bakit nahuhuli ang mga
mag-aaral sa klase, kung ano ba ang nagiging epekto nito sa mga mag-aaral na nahuhuli sa klase
at kung ano ang dapat at tamang gawin upang ito’y maiwasan.
Sa pamamagitan ng kaalamang malilikom ng pag-aaral na ito ay matutukoy ang
kadahilanan, epekto at ang mabisang solusyon sa sa pagiging huli ng mga mag-aaral sa klase.
Tutulungan nito ang bawat indibidwal na nakararanas ng pagiging huli sa klase na malaman at
maiwan ang pagiging huli sa klase.
Mga Layunin

1. Upang malaman ang mga dahilan kung bakit nahuhuli ang mga mag-aaral sa klase
2. Upabg malaman ang mga epekto ng pagiging huli sa klase ng mga mag-aaral.
3. Upang makapagbigay ng mga paraan upang maiwasan ang pagiging huli sa klase.

Paghlalahad

1. Ano ang dahilan kung bakit nahuhuli ang mga mag-aaral sa klase?
2. Ano ang nagiging epekto ng pagiging huli sa klase ng mga mag-aaral.
3. Ano ang maaaring gawing paraan upang maiwasan ang pagiging huli sa klase?

Kahalagahan ng pag-aaral

Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa mga:

Mag-aaral
Upang maagapan ang madalas na pagiging huli sa klase ng mga mag-aaral; upang
maging maayos ang takbo ng kanyang pag-aaral at maging produktibo.

Guro
Upang maintindihan at matulungan ang mga mag-aaral na maging produktibo; upang
hindi mahirapan ang guro na magkaroon ng maayos na pagtuturo.

Magulang
Upang mabigyang kaalaman ang mga magulang na maintindihan ng mabuti ang kanilang
anak at matulungan silang maagapan ang pagiging huli sa klase.
Paaralan
Upang maipakita ang mataas na kalidad ng paaralan at maayos na edukasyon sa mga
mag-aaral.

Saklaw at Delimitasyon

Ang mga mananaliksik ay naglalayong pag-aralan ang “ Dahilan ngpagkahuli ng mga


mag-aaral sa klase”. Ang pananaliksik na ito ay gaganapin sa Palawan State University – College
of Sciences – SHS – STEM na mga mag-aaral. Inumpisahan ang pag-aaral na ito noong ika-6 ng
Enero at magtatapos sa ika-7 ng Marso 2017. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong mangalap
ng mga datos sa pamamagitan ng sarbey kwestyoneyr sa animnapu (60) na mga mag-aaral mula
sa STEM 1 at STEM 2 ng College of Sciences SHS.

Depinasyon ng mga terminolohiya

SHS- Senior High School


STEM- Science Technology Engineering and Mathematics
Kabanata 2
Rebyu ng Literatura
Kabanata 3
Metodolohiya ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay magpepresenta ng patungkol sa metodolohiya ng pananaliksik,


lugar ng pananaliksik, populasyon ng pananaliksik, kagamitan ng pananaliksik, hakbang sa
pananaliksik, pagkalap ng mga datos, at istatistikal na pag-analisa na gagamitin sa pag-aaral.
Metodolohiya ng Pananaliksik
Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay gagamit ng deskriptibong paraan. Ito ay
nadlalayong malaman ang Dahilan ng pagkahuli sa klase ng mga piling mag aaral ng College of
Sciences- SHS-STEM ng Palawan State University.

Lugar ng pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay ginawa sa Palawan State University Senior High School STEM
na mag-aaral ng College of Sciences.

Kagamitan ng pananaliksik
Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey kwestyoneyr upang
makuha ang mga datus na kailangan. At sa pamamagitan nito, ang mga mananaliksik ay personal
na magbibigay ng mga sabey kwestyoneyr sa mga respondente sa pag-alam ng mga kasagutan sa
pag-aaral.

Hakbang sa pananaliksik
Para sa mga preliminayong prosidyu, isang sulat ng pagpapatibay ang ibinigay sa opisina
ng dean ng College of Sciences upang makuha ng pahintulot na mangalap ng mga kasagutan
galling sa SHS-STEM-CS na mag-aaral.
Ang saybey kwestyoneyr ay ibibigay sa mga piling mag-aaral ng STEM-CS.

Data Gathering
Ang mga kasagutan ng mga piling mag-aaral sa SHS-STEM-CS ay nakita, nabilang at
nairekord na.
Statistikal na pag-analisa
Ang lahat ng mga impormasyon na nakalap ay na-organisa at nabilang na sa
pamamagitan ng Microsoft Excel Spreadsheets. Ang mga datus na ito ay dadanan sa
deskriptibong istatistikal na paraan na magiging basehan ng diskusyon at konklusyon.

You might also like