You are on page 1of 1

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSTON AT REKOMENDASYON

Lagom

Sa pangkalahatan ng aming pananaliksik aming natuklasan na may malaking epekto ang


teknolohiya sa guro at mag-aaral. Mayroon itong malaking tulong sa bawat respondente partikular na sa
larangan ng edukasyon. Gumamit ng mga kwestyuner at interbyu ang mga mananaliksik bilang
instrumento sa pagsagawa ng sarbey sa St. Joseph's School of Mactan. Ang mga respondenteng ginamit
ng mananaliksik ay ang mag-aaral mula sa ika-9,ika-10 baitang at mga piniling guro ng St. Joseph's School
of Mactan. Bukod dito ang pananaliksik na ginamit ng mananaliksik ay kwalitatibo nang sa gayon
makabuo ng mga katanungan na pinatunayan ng iba't-ibang resulta.

Konklusyon

Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay kumukonglud na ang mga mabubuting epekto ng
teknolohiya sa guro at mag-aaral ay nakakatulong upang mas mapavuti at mapaunlad ang mga gawain
lalong-lalo na sa larangan ng edukasyon kahit na ito ay may masamang epekto , nabibigyan na rin ito ng
kaakibat na solusyon.

Rekomendasyon

Para sa mga masasamang epekto ng teknolohiya sa guro at mag-aaral ng St. Joseph's School of
Mactan mayroong napag-isipang solusyon ang mga mananaliksik. Isa sa mga natuklasang solusyon ng
mga mananaliksik ay ang paglimita ng oras sa paggamit ng teknolohiya. Nais rin sana ng mga
mananaliksik na mabigyan ng kamalayan ang mga respondente patungkol sa mga epekto ng teknolohiya
lalong lalo na sa mabubuting dulot nito, ngunit mabigyan rin ng disiplina sa pagamit nito dahil ito ay may
kaakibat na masamang dulot. Ang isa rin sa layuni ng teknolohiya ay upang mas mabigyan ng maraming
impormasyon sa larangan ng edukasyon at mas mapabilis ang mga gawaing pamparalan. Ang mga
epekto ng teknolohiya ay mayroon ring malaking epekto sa mga gumagamit nito lalong lalo na ng mga
mag-aaral at ng guro na gumagamit nito

You might also like