You are on page 1of 2

Morales, Lovely Angel B.

October 25, 2021


BSBA-GEC1T-MM Monday, 9:00 am

Panuto: Magsaliksik ng isang halimbawa ng fake news at legit news at ipaliwanag


kung bakit ito ay masasabing fake news at legit news.

Fake News
Isang mangkok ng bawang ang Lunas sa Covid-19
“Mabuting balita! May nakadiskubre sa Wuhan sa China na ang pagkain ng isang
mangkok ng bawang ay makakatulong para gumaling ang isang tao mula sa
pagkakaroon ng covid. Isang matandang Chinese na doktor na ang nakapagpatunay
nito. Marami ring mga tao ang makakapagsabi na ito ay talagang epektibo. Ang
kailangan mo lang gawin ay magdikdik ng walong bawang at lagyan ng pitong
basong tubig ang mangkok saka ito pakuluan ng magdamag para sa mas mabisang
epekto. Kaya naman ibahagi mo na ang impormasyon na ito sa iba para makatulong
sa pagpuksa ng paglaganap ng pandemyang ating kinakaharap.”

Paliwanag kung bakit ito ay masasabing fake news:


Sa panahon ngayon, napakadali nang magpakalat sa social media ng “fake
news” o maling impormasyon na ibinebenta bilang lehitimong balita at may layong
manlinlang. Ngunit paano nga ba masasabing peke ang isang impormasyong nakikita
online? Isa sa mga katangian na nagpapahiwatig na maaaring fake news ang binabasa
ay kung parang mahirap paniwalaan ang impormasyon. Katulad mula sa aking
nahanap na fake news, napakahirap paniwalaang tanging bawang lang ang sagot para
gumaling ang isang taong may covid. Maging ang mga espesyalista sa medesina ay
nahihirapan humanap ng lunas kaya naman ito ay hindi talaga kapani-paniwala.
Magiging kaduda-duda rin ito kung wala kang makikitang mga detalye o
impormasyong sumusuporta rito. Mappaansin mo ring hindi malinaw kung kanino
nanggaling ang impormasyon; walang nakalagay kung sino ang sumulat.
Legit News
Mga kaso sa Covid-19 sa Pilipinas halos 1 milyon na
“Halos 1 milyon na ang kabuuang bilang ng mga nagkakasakit ng COVID-19 sa
Pilipinas. Nakapagtala ngayong Linggo ang Department of Health (DOH) ng 8,162 na
dagdag na kaso ng COVID-19, dahilan para umakyat sa 997,523 ang kabuuang
bilang.
Sa datos ng ABS-CBN Data Analytics, April 15 nang maabot ng Pilipinas ang
900,000 mark at posibleng sa Lunes ay maabot na ang 1 milyon, lalo't mataas pa rin
ang daily reported cases sa bansa.

Iniulat din ng DOH ang 20,509 bagong gumaling sa sakit para sa 903,665 total
recoveries habang pumalo naman sa 16,783 ang death toll dahil sa 109 dagdag na
namatay umano sa sakit. Dahil sa mga gumaling at namatay, 77,075 ang active cases
ng bansa, base sa datos ng kagawaran. Sa buong mundo, 146.4 milyon ang kabuuang
bilang ng mga nahahawahan ng COVID-19, kung saan higit 3 milyon ang namatay,
ayon sa Johns Hopkins Coronavirus Resource Center.

Sa India, na nakararanas ngayon ng matinding krisis dahil sa COVID-19 surge,


gumamit na ng mga tren at military plane ang pamahalaan para mabilis na maihatid
ang mga oxygen supply sa mga medical facility. Nagpadala na rin ang air force sa
ibang mga karatig-bansa para makakuha ng supply ng oxygen. Marami sa mga
namatay sa COVID-19 sa India kamakailan ay dahil sa kawalan ng oxygen.

Paliwanag kung bakit ito masasabing legit news:


Ito ay masasabing legit news o totoong balita dahil ito ay mula sa
mapagkakatiwalaang media. Ito ay ulat ng ABS-CBN news. Mapapansin din natin na
naglagay sila ng mga datos at ilang sources na sumusuporta sa kanilang balita. Ito ay
naglalayon na magpabatid ng tamang impormasyon at datos patungkol sa pagtaas ng
bilang ng kaso ng covid-19. Maayos rin ang pagkakasalaysay ng kanilang ulat;
walang maling spelling, tama ang bantas at maayos din ang gramatiko. Ang balita
ring ito ay mahahanap sa iba pang mapagkakatiwalaan na artikulo sa social media.

You might also like