You are on page 1of 3

Unang Pagtatasa sa Filipino 6

(T.P 2021-2022)
Ikatlong Markahan

Pangalan :______________________________ Petsa : _______________________________

Paaralan : _______________________________Guro :_____ __________________________

Panuto: Basahin ang nilalaman ng teksto at sagutin ang kasunod na tanong. Piliin at
isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

DEPARTMENT OF HEALTH

Ang Sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19)

Ang coronaviruses ay pamilya ng mga virus na nagdudulot ng iba’t ibang klaseng sakit,
mula sa karaniwang ubo’t sipon hanggang sa mas malulubhang impeksyon tulad ng MERS-CoV
at SARS-CoV. Ang coronavirus ay maaari ringmagdulot ng iba’t ibang sakit sa mga hayop.
Noong ika-31 ng Disyembre 2019, naitala ang ilang kaso ng pneumonia sa Wuhan, China.
Napag-alaman kamakailan lamangna ang mga kaso ay dulot pala ng isang uri ng hindi pa
kilalang coronavirus. Ang coronavirus na ito ay karaniwang sa hayop lamang natatagpuan, at
hindi pa nakita sa mga tao noon.

Noong ika-30 ng Enero 2020, inirekomenda ng World Health Organization na palitan ang
opisyal na pangalan nito sa “2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease” o 2019-nCoV
ARD. Ang mga karaniwang sintomas na dulot ng coronavirusay lagnat, ubo’t sipon, hirap at pag-
iksi ng paghinga at iba pang problema sa daluyan ng hangin. Sa mga malulubhang kaso, maaari
itong maging sanhi ng pneumonia, acute respiratory syndrome, problema sa bato, at
pagkamatay.

Noong ika-24 ng Enero 2020, kinumpirma ng World Health Organization na ang 2019-
nCoV ay naipapasa tao-sa-tao. Ngunit wala pang sapat na ebidensyang nagpapatunay sa tindi
at bilis ng pagkahawa nito, maging ang orihinal na pinanggalingan ng outbreak. Masugid pa ring
pinag-aaralan ng mga eksperto ang pinanggalingan ng sakit at kung paano ito kumakalat.
Bagama’t napatunayan na iba ito sa SARS at MERS, ang bilis ng pagkalat at bagsik nito ay
patuloy pang inaalam.

1. Tungkol saan ang iyong binasa?

A. lumalaganap na sakit

B. nakatatakot na nilalang

C. mabagsik na mikrobyo

D. isang karamdaman

2. Bakit kumalat ang sakit na ito sa buong mundo?

A. mabilis itong naipapasa sa tao at hayop.

B. dahil sa sobrang dumi ng kapaligiran.

C. walang pag-iingat ang bawat isa.

D. A at C
3. Paano mapipigilan ang mabilis na pagkalat ng sakit na ito?

A. Huwag lalabas ng bahay.

B. Palakasin ang pangangatawan.

C. Sumunod sa isang metrong layo.

D. Lahat ng nabanggit

4. Sinubukan ni Handiong ang iba’t ibang pain____ lahat ng iyon ay nalampasan ni Oryol. Alin sa
mga sumusunod na pangatnig ang angkop na gamitin sa pangungusap?

A. upang

B.kapag

C. ngunit

D. habang

5. Alin sa mga pang-angkop ang dapat gamitin sa pariralang- mabangis___ unggoy?

A. na

B-ng

C. -g

D. wala sa nabanggit

6. Paano maibibigay ang mga impormasyong hinihingi ng nakalarawang balangkas?

A. sa pamamagitan ng masusing pakikinig o pagbabasa ng teksto

B. sa pamamagitan ng masusing pakikinig lamang sa teksto

C. sa pamamagitan ng masusing pagbabasa lamang ng teksto

D. wala sa nabanggit

7.Humingi ng payo at tulong ang mag-anak sa kapitan ng barangay. Ano ang

panlaping ginamit sa salitang humingi?

A. in
B. an
C. um
D. mang

8. Ano ang tawag sa panlaping ikinakabit sa hulihan ng salitang-ugat upang

makabuo ng bagong salita?

A. unlapi

B. gitlapi

C. panlapi

D. hulapi

9. Mas maraming magkakasakit ng CoViD-19 kung hindi sumusunod ang mga mamamayan sa
mga protocols sa pag-iwas dito..

A. Opinyon
B. Katotohanan
C. Palagay
D. Sabi-sabi

10. Para sa akin, si Valen ang pinakamaganda sa lahat.-

A. Opinyon
B. Katotohanan
C. Palagay
D. Sabi-sabi

1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang binasang ulat at tekstong pang-
impormasyon (F6PB-IIId-3.1.2 F6PB-IIIc3.2.2

2. Naibibigay ang impormasyong hinihingi ng nakalarawang balangkas

(F6EP-IIIa-i-8)

3. Nagagamit nang wasto ang pang-angkop at pangatnig (F6WG-IIIj-12)

4. Nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang-ugat (F6PT-IIIj-15)

5. Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan (F6PB-IIIj-19)

You might also like