You are on page 1of 2

Anchor Stanley : Mula sa bulwagan ng nagniningas, nagliliyab at nagbabagang mga balita.

Balitaan uno singko na


mas mabilis pa sa alas quatro. Ngayon ay ika ____ dos mil bente dos. Stanley, Nakaagapay sa
inyong buhay

Anchor Lyka : Magandang umaga Pilipinas, Magandang umaga Integratians. Delatina tagapaghatid ng balita sa
Inyong mainit na umaga.

Anchor Lyka : Sa ulo ng mga nagbabagang balita:


1. Sec. Lorenzana: Pilipinas, nananatiling “neutral” o walang papanigan
sa gitna ng tension ng Russia at Ukraine.
2. PRRD, sinabing naisakatuparan ang kaniyang mga pangako
3. Paghahanda para sa pag-iimprinta ng balota, ipinakita ng Comelec sa isang virtual walkthrough

Anchor Stanley : Para sa unang balita. Neutral o walang papanigan ang Pilipinas sa lumalalang tension sa pagitan
ng Ukraine at Russia. Sa ngayon ito raw ang posisyon ng pamahalaan ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Gayon pa man, nakahanda ang Armed Forces of the Philippines sakaling lumala ang tension at kumalat ang
kaguluhan sa ibang bansa. Pagtitiyak din ng malacanang, nanantiling nakatutok ang gobyerno sa magiging
development at sitwasyon sa Europa. Binigyang diin din ni Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na
prioridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaligtasan ng mga pinoy sa Ukraine. Magugunitang nag sasagawa na ng
repatriation efforts ang Department of Foreign Affairs para mailikas ang mga pinoy roon. Ako si Stanley,
nagbabalita.

Anchor Lyka. : Samantala, PRRD sinabing naisakatuparan niya na ang kaniyang mga pangakong katahimikan sa
Mindanao. Sa pagtatapos ng kanyang termino sa mahigit tatlong buwan, naniniwala si Pangulong Rodrigo Roa
Duterte na naisakatuparan niya ang kanyang pangako na magbibigay ng kapayapaan sa Mindanao.Sa isang pre-
recorded interview kay Pastor Apollo Quiboloy na ipinalabas noong Sabado, Mar. 12, sa SMNI, binigyan ni Duterte
ng kredito ang mga pinuno ng Bangsamoro para sa pagtatapos ng ilang dekada nang labanan sa Mindanao.Ang
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), sa pangunguna ni Chief Minister Ahod “Murad”
Ebrahim, ay nagawang “kahinahon” ang sitwasyon sa rehiyon, sabi ni Duterte. Nagpasya si Duterte na panatilihin
ang status quo sa kasalukuyang komposisyon ng Bangsamoro Transition Authority (BTA), ang pansamantalang
gobyerno na may executive at legislative power sa Bangsamoro Autonomous Region.Ang BTA ay inatasan na
pangasiwaan ang tatlong taong transition period mula 2019, na sinundan ng halalan ng mga opisyal ng
BARMM.Umaasa rin si Duterte na magpapatuloy ang kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao kahit matapos ang
kanyang termino. Lyka Mae, nag-uulat.

Anchor Stanley : Paghahanda para sa pag-iimprinta ng balota, ipinakita ng Comelec sa isang virtual walkthrough.
John Mark, nakatutok.

John Mark : Sa kauna-unahang pagkakataon sa gitna ng pandemya, sisimulan na ng Comelec ang pag iimprinta ng
mahigit 67million na balota para sa election 2022. Pinasilip nila ang kanilang paghahanda na hindi lang sa
seguridad may paghihigpit, kundi pati na rin sa mga health protocol para hindi maantala ang operasyon. Mga test
sa training balance pa lamang ang iniimprinta sa national printing office pero ang seguridad, mahigpit. Lahat ng
pumapasok, dumaraan sa security at health check. Sa national printing office iniimprenta ang mga balotang
ginagamit sa election. Bago ang aktwal na pagiimprenta, nagsasagawa ang Comelec ng walkthrough sa loob para
ipakita sa publiko ang ginagawang paghahanda. Sa pagkakataong ito, virtual ang walkthrough dahil sa pandemya .

Anchor Stanley : At yan ang mga balitang nakalap naming sa araw na ito. Ako si Stanley

Anchor Lyka : Ako si Lyka. At ito ang Pabebe Gurlz tapat na nag-uulat. Mapagkakatiwalaan at maaasahan
sa larangan ng Balitaan.

You might also like