You are on page 1of 10

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA'T

IBANG TEKSTO TUNGO SA


PANANALIKSIK

■ Tumutukoy sa pag-unawa sa mga tunog salita, pangungusap, at mga


talatang nakasulat o nasisipat ng mata.
■ Ang kasanayan sa pagbasa ay mahalagang sangkap sa pagkatuto,
patuturo, at pananaliksik sa iba't ibang larangan.
■ Napakahalaga rin ng kasanayang ito sa paglinang sa kasanayan sa
pagsulat, kaya nga nasasabi ng mga manunulat na "walakang maisusulat
kung hindi ka nagbabasa".

IPINASA NI: PRECIOUS A. BAGAYAO


Estudyante

IPINASA KAY: GNG. RANELIE P. RIVERA


Guro

Precious A. Bagayao STEM_11


INTERNASYONAL NA BALITA
Trump: Kinumpirma 52 Iranian sites target ng US sa kabila ng namumuong
tensiyon; Mga Pinoy sa Middle East pinangangambahang maipit sa sigalot
ng Iran at US.

Kinumpirma ni President Donald Trump na target ng US salakayin ang nasa 52 sites sa Iran
sakaling itutuloy ng Islamic republic ang kanilang pag atake laban sa mga American personnel o
maging sa kanilang mga assets.

Nagbabala ito na ang gagawing pag-atake ng Estados Unidos ay magiging “very fast and very hard.” Sa
panibagong tweet ng US President, sinabi nito na ang 52 ay nag represent sa bilang ng mga Amerikano
na hinostage sa US embassy sa Tehran sa loob ng isang taon noong 1979.

Ibinunyag ni Trump na kabilang sa mga sites na target ng US ay kinukunsiderang mga mahahalagang


lugar sa Iran.

Sa tweet ni Trump, “at a very high level & important to Iran & the Iranian culture, and those targets,
and Iran itself, WILL BE HIT VERY FAST AND VERY HARD. The USA wants no more threats!”

Muling naglabas ng pahayag si Trump matapos magsalita ang mga pro-Iran factions na sasalakayin sa
pamamagitan ng missiles ang lahat ng US installations sa may bahagi ng Iraq at binalaan ang mga
Iraqui troops hinggil dito.

Ang galit ng mga taga Iran ay kasunod sa pagkakapatay kay Qasem Soleimani, na itinuturing
pangalawang most-powerful man sa Iran.

Tiniyak ng Iran na sila ay maghihiganti sa pagkamatay ni Soleimani. Naging dramatic ang pagkamatay
ni Soleimani kung saan lalo pang lumalala ang tensiyon sa pagitan ng Washington at Tehran.

Itinuturing naman na retailatory response laban sa US ng magpakawala ito ng dalawang mortar rounds
na tumama malapit sa US Embassy sa Baghdad.

Dalawang simultaneous rockets naman ang pinakawala patungong Al-Balad airbase kung saan naka
deploy ang mga sundalong Amerikano. Kinumpirma naman ng Iraqui military ang ginawang missile
attacks sa Baghdad at sa al-Balad.

Sa nasabing pag-atake walang naitalang mga casualties. Wala pang umaako kung sino ang nasa
likod ng pag-atake. “We ask security forces in the country to get at least 1,000 meters away from US
bases starting on Sunday at 5 p.m.,” Pahayag ni Kataeb Hezbollah(AFP).

Dahil sa tumitinding tensiyon sa pagitan ng US at Iran, Iraq, at iba pang bansa sa Middle East,
nanawagan ang isang labor group na magplano na ang gobyerno para mapauwi ang mga Pinoy sa
naturang rehiyon.

Nangako kasi ng matinding paghihiganti ang gobyerno ng Iran nang mapatay sa airstrike ng US si
Iranian Top Commander Qassem Soleimani, ang itinurimg na ika-2 pinakamataas na lider sa Iran.

Precious A. Bagayao STEM_11


Sakaling lumala ang gulo, nangangamba ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na
maaaring maperwisyo ang tinatayang 1.2 milyong Pinoy na nasa Middle East.

Ayon naman sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 1,190 ang documented workers sa
bandang Iraq at nasa 800 dito ang naninirahan sa Baghdad, kumg saan nangyari ang airstrike.

Aabot sa 538 naman ang undocumented workers sa nasabing bansa. Samantala, ilegal ang lahat ng
manggagawang Pinoy sa bansang Iran dahil walang labor agreement ang dalawang bansa, ayon kay
Labor Secretary Silvestre Bello lll.

Pero handa naman daw silang tulungang makauwi ang mga nagtatrabahong Pinoy sa lugar. Wala pang
planong i-repatriate ang mga Pinoy doon, ayon naman kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin
Jr., pero maigi raw nilang babantayan ang sitwasyon.

Nanawagan din ang DFA na kanselahin na ang mga biyahe patungong Iraq.

Date: 01/15/20

Precious A. Bagayao STEM_11


LOCAL NA BALITA
Higit 200 lindol naitala sa paligid ng Bulkang Taal, Mga residente mula
Volcano Island hangad na maghanapbuhay muli; Alkalde sa Batangas,
kumambyo tungkol sa aksidente umano sa Agoncillo.
Aabot sa 240 lindol ang naitala ng Philippines Institute of Volcanology and Seismology
(Phivolcs) sa Bulkang Taal at mga kalapit na lugar.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, 140 rito ay naramdaman.

Magnitude 4.1ang naitalang pinakamalakas habang Intensity 1 hanggang 5 ang saklaw nito.

Inaasahan pa rin ang mga lindol bunsod ng pagputok ng Taal Volcano na nakataas parin sa Alert Level
4

Una rito, sinabi ni Solidum na wala pa siyang nakikitang paghupa sa volcanic activity ng Taal, lalo't
padami pa ang mga pagsabog.Inabisuhan ang mga nagsilikas sa danger zones at mga kalapit na lugar na
huwag na munang bumalik sa kanilang mga bahay.

Nagsisibalikan na ang mga residente ng San Nicolas, Batangas sa kanilang mga bahay pero hindi pa rin
makabalik ang mga naninirahan sa volcano island dahil sa ipinatupad na permanent danger zone sa
lugar. Dahil dito, nanawagan ang ilang residente na payagan muli silang maghanapbuhay Ito.

Kumambyo si Balete, Batangas Mayor Wilson Maralit sa naunang pahayag na mayroong mga residente
ng kaniyang bayan na naaksidente habang lumilikas sa pagputok ng Bulkang Taal.

Nauna nang kumalat ang balitang may 21 pasahero ang sakay ng isang jeep na naaksidente sa isang
barangay sa bayan ng Agoncillo sa Batangas sa kasagsagan ng pagputok ng bulkan noong Linggo.

Sa unang panayam sa telepono, kinumpirma ni Maralit sa ABS-CBN News ang balita. Aniya,
karamihan sa mga sakay ng jeep ay mga residente ng Balete at nagtatrabaho sa Agoncillo.

"Ang masakit lang pong latest news ay ako po ay mga kababayan sa Agoncillo sila po ay lilikas, sila ay
kasalukuyang bumabagtas sa Barangay Barigon, Agoncillo ay nahulog po sa bangin", ani Maralit.

Tinawagan ng ABS-CBN News ang Agoncillo police para sa karagdagang impormasyon, at ayon sa
kanila, agad nilang hinanap sa lugar ang nasabing jeep pero walang nakita dahil na rin madilim at
maputik sa lugar.

"Hindi pa ho kami makasagot dahil hindi pa makita ang tao dahil madilim, malayo rin po kasi doon,
Barangay Barigon po yun bababa kasi sila", paliwanag ni Patrolman Alvin de Leon.

Itinuloy ng awtoridad nitong Lunes ang pahahanap sa umano'y naaksidenteng jeep. Nagpalipad rin sila
ng drone sa buong lugar ngunit wala pa rin silang nakita.

Dahil dito, pinabulaanan ni Agoncillo Mayor Daniel Reyes ang nasabing aksidente. "Wala po yun, 'di
naman po namin na-confrm at ni isa po ay wala namang nagreport sa amin, baka may mga tao na
namang walang magawa sa buhay", aniya.

Kumambyo na rin sa naunang pahayag si Maralit. Paliwanag niya, nakuha niya ang impormasyon mula
sa isang kababayan sa Balete. "Naku yun po pala ay fake news. Wala po palang katotohanan.

Precious A. Bagayao STEM_11


'Yan pong ating kababayan na kapatid ng nagmamaneho ng jeep, hindi macontact nagdala ng mga
evacuees. May nakapagbalita na nahulog sa ganun, nadulas lang pala pero nakaalis din," ani Maralit.

Ayon naman sa pulisya, kumalat ang balitang ito dahil sa ipinost sa social media na agad ring nashare
sa iba.

Mula rin silang nagpaalala na maging responsable ang lahat sa pagpost at pag-share lalo na nang mga
ganitong klaseng impormasyon.

"Huwag pong magpost ng kung ano ano kasi nababahala yung pamahalaang bayan, kung totoo, okay
lang kasi hinanap namin nang hinanap, wala naman po," dagdag ni De Leon.

Ayon kay Maralit, kasalukuyang nasa evacuation center na ang mga residenteng napaulat na
naaksidente.

Date: 01/18/20

Precious A. Bagayao STEM_11


SPORTS
Libo-libong nagboluntaryong makiisa sa SEA Games hosting.
Daan-daang mga estudyante mula sa iba't ibang mga institusyon sa bansa ang nagdagsaan sa
convention center sa Clark Freeport area nitong Biyernes, para makiisa sa paglunsad ng Subic-Clark
cluster volunteers program para sa Southeast Asian Games ngayong taon.

Ilan lang sila sa mga tutulong para sa 56 sports sa SEA Games na magaganap sa bansa simula
Nobyembre 30.

Ayon sa deputy director ng volunteers program na is Chris Tiu, umabot ng mahigit 20,000 ang
nagpaabot ng interes na Somali sa volunteers program, sa online man o aktuwal na
application."Nahirapan na mga kaming mag-trim down kasi napakaraming volunteers. Of course we
can't accommodate everybody, but we will try to include them"aniya.

Apat na pu't apat na competition venues ang gagamitin sa Maynila, Subic at New Clark City, kaya
mangangailangan sila ng tulong mula sa mga volunteer.

Sa kabuuan, nangangailangan ng 9,000 volunteer ang Philippines SEA Games Organizing Committee
(Phisgoc) para umasiste sa iba't ibang event.

Ilan lang sa mga magiging trabaho ng mga volunteer ang accreditation, games services, medical at
spectator services.

Ang first-year aeronautics college student na is Alvin Charles, hindi nagdalawang isip na makiisa sa
once-in-a-lifetime experience na into.

"Even though I'm not a native Filipino, I think it'd be a great experience to be volunteer", anita.

Isa na naman is Chloe Choi sa mahigit 2,000 foreign applicants sa volunteers program. "Even though
I'm not a native Filipino, I think it'd be a great experience to be volunteer", aniya. Simula Sabado, mag-
uumpisa ang 2-day training ng mga volunteer bago pa man sila I-assign sa bawat departamento.

Date: 12/27/19

Precious A. Bagayao STEM_11


CELEBRITY
Ulat na hiwalayan James Reid at Nadine Luster binulabog ang social media.
Hiwalay na nga ba sina James Reid at Nadine Lustre?

Ilan ang pasabog na balita ng ibang entertainment website sa pagbubukas ng 2020, dalian para
mabulabog ang fans ng tanyag na showbiz couple.

Sa artikulo ng pep.ph, sinabi nilang mayroon silang "source " na umano'y nagkasaksi mismo sa
pagaalsa-balutan ni Lustre mula sa kanilang bahay ni Reid.

"Irreconcilable differences" daw ang dahilan ng umano'y pagkawasak ng halos 4 na taong relasyon ng
dalawa.

Sinabi rin sa ulat na "makahulugan" saw ang huling mga post ni Lustre na may mensahe na tila
nagpapaalam sa ibang tao.

Sa ngayon, wala pang pormal na kumpirmasyon mula sa couple pero mismong JaDine fans ang
dumepensa at nagsabing hindi totoro ang ulat.

Marami umanong pagkakataon na balita ang dalawa na magkasama.

Halloween at magkasama pa sila sa isang costume party bilang Rome at Juliet.

Noon lamang bisperas ng Bagong Taon, sinabi ni Reid na kasama niya si Lustre na sasalubungin ang
2020. Dahil sa balita, trending worldwide ang JaDine habang hinihintay ang panig ng dalawa.

Nagulantang ang ilan personalidad at netizens sa pagkumpirmang naghiwalay na sina James Reid at
Nadine Lustre.

Sa Twitter, agad na nag-trend sina Lustre at Reid, na naghiwalay umano para tutukan ang sarili.

Taong 2014 bang bang magtambal sina Reid at Lustre sa pelikulang "Diary ng Panget" at sinundan pa
ito ng ilang proyekto hanggang sa nabuo ang chemistry ng dalawa sa 2015 teleseryeng "On the Wings
of Love".

At noon Pebrero 2016, kinumpirma ng dalawa na ilang araw na silang magkarelasyon. Ayon nga lang,
pagkatapos nang 3 taon ay nauwi ito sa hiwalayan, na sinabayan ng samu't saring kontrobersiya gaya na
lang nang ibalita ito ng entertainment website na PEP. Sinundan naman ito ng artikulo ni Ricky Lo- na
noo'y pinabulaanan ni Lustre.

"It's true that we have split up, but not for all the reasons that are being spread on the tabloids and social
media, but because after quite and mature conversations, we decided to focus on ourselves not for our
careers but more for our personal growth as we are still young and we want to achieve as much as we
can".

Ayon sa joint statement ng dating magkasintahan na inilabas sa "Tonight with Boy Abunda", gabi ng
Lunes.

Build sa pag-trend ng dating magkasintahan, nag-trend ang magkapatid na Issa at Yassi Pressman.

Idinadawit kasi si Issa bilang "third party" umano sa relasyong JaDine.

Hiningi ng ABS-CBN ang saloobin ni Yassi sa direct message sa Instagram, maging ang saloobin ng
ilang nakatrabaho ng aktres, pero wala pa itong shot.

Precious A. Bagayao STEM_11


Ayon naman sa source ng ABS-CBN na tinanong umano si Reid ukol sa umano'y third party bago pa
mailabas ang pahayag ukol sa hiwalayan, iginiit daw ng aktor na silang namamagitan sa kanila ni Issa.

Date: 01/28/20

Precious A. Bagayao STEM_11


MAIKLING KUWENTO
"ANG BATANG MASIPAG MAG-ARAL"
Isang mahirap na bata si Mia na nangangarap na maging abogado balang araw. Pero sadyang
kay lupit ng tadhana dahil pagkatapos niya ng highschool ay wala silang kakayahan na makapag-aral
siya ng kolehiyo. Kahit ganun ang nangyari, hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa na makapag-aral ng
kolehiyo.

Lumuwas siya ng Maynila para makipagsapalaran sa buhay. Naghanap siya ng trabaho para maypang-
bayad siya sa kolehiyo at matustusan ang kanyang mga pangangailangan. Nakahanap naman ng trabaho
si Mia. Nagtatrabaho siya sa umaga at paggabi naman ay pumapasok siya sa pampublikong paaralan sa
kursong gustong-gusto niya, ang pag-aabogado. Kahit nasa pampublikong paaralan siya ay may
malaking bayarin at hindi na niya kinaya ang mga gastos, hindi na kasya ang kanyang pang-araw-araw
na pangangailangan sa kanyang sahod. Kaya huminto muna siya sa pag-aaral, at nagdesisyong mag-
iipon muna siya.

Para kay Mia, hindi hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng kanyang mga pangarap. Kaya naghanap ng
ibang trabaho si Mia na mas maganda at malaki ang sahod. Namasukan siyang katulong sa mag-
asawang pilipina at amerikano. Maayos naman ang trabaho ni Mia sa mag-asawa, mababait ang
kanyang amo. Nang napag-usapan nila ang buhay ni Mia, nasabi din niya sa kanyang amo tungkol sa
kanyang pangarap na makapag-kolehiyo at makapagtapos ng abogasya. Mapalad naman si Mia dahil
naghandog naman ang kanyang amo na pag-aralin siya ng kolehiyo kapalit ng pagsisilbi niya sa kanila.
Sobrang saya ni Mia sa nangyari kaya nagpapasalamat si Mia sa kanila dahil matutupad na rin ang
kanyang pangarap.

Nagsipag at minabuti ni Mia ang kanyang pag-aaral para makatapos na siya ng kolehiyo sa pag-
aabogasya. Nag-aral siya ng mabuti, hindi niya sinayang ang oportunidad na binigay ng tadhana sa
kanya. May mga pagsubok din siyang dinaanan pero hindi iyon hadlang sa kanyang pag-aaral.

Nakatapos si Mia sa pag-aaral bilang Cum Laude, dahil sa sipag at tiyaga niya. Laking pasasalamat
niya sa kanyang amo dahil pinag-aral siya ng kolehiyo. Ngayon, isa na siyang sikat na abogado sa
kanilang lugar. Sinabi ni Mia sa kanyang sarili na kahit gaano kahirap ang buhay, basta’t guto mo ang
isang bagay, magagawa at makukuha mo iyon kung pagsisikapan ng mga ito.

Precious A. Bagayao STEM_11


Precious A. Bagayao STEM_11

You might also like