You are on page 1of 5

N1

TUU

Department of Education, patuloy na pinaghahandaan ang paglunsad ng binagong K-10 curiculum

Ibinunyag ng isang opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon na magkakaroon ng isang malaking pagbabago


ang basic education curriculum na maaring ipatupad simula sa taong 2025.

Ayon kay Education Assistant Secretary for Operations na si Francis Cesar Bringas, tinatapos pa rin nila
ang revised K-10 curriculum na kamakailan’ay inilathala upang tumanggap ng mga puna ng publiko.

Dagdag pa niya, bibigyan nila ng aksiyon ang anumang komentong ibabahagi ng publiko para sa
pinal na pagsasaayos.
N4
Taal Volcano, sumabog noong Miyerkules sa Batangas.
Philippine Institute of Volcanology and Seismology, inihayag ang pagsabog ng Bulkang Taal
noong Hunyo dalawampu’t walo.
Pumutok ang Bulkang Taal nito lang Miyerkules at natapos makalipas ang dalawang minuto
base sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ayon sa ulat ng Disaster Risk Reduction and Management Council, inilarawan ang pagsabog
bilang phreatic.
Samantala, umabot naman sa 820 feet o 250 meters ang mga puting alikabok at usok.
N9
Palawan, pinarangalan bilang pinakagustong destinasyon ng mga turista para sa mga pinoy.
Dalawampu’t tatlong porsiyento ng mga sumagot sa isang survey, ipinahayag ang kanilang pagnanais na
bisitahin ang Palawan.

Pinangalanan bilang “most preffered tourist destination for Filipinos” ang Palawan base sa isang survey
na inilabas ng Publicus Asia.

Kaugnay nito, layuning pumunta sa Palawan ang halos dalawampu’t limang porsyento ng mga Pilipino
base sa Pahayag 2023 Second Quarter Survey na inilabas noong Huwebes.

Noong nakaraang taon, naging “most desirable island: ang Palawan sa buong mundo sa Wanderlust
Travel Awards at naging isa sa World’s top 25 islands sa taong 2021

N3

Tourism Campaigne na “Love the Philippines”, nagkakahalaga ng mahigit limampung libong milyon.

Apatnapu’t siyam na milyon, nagastos sa Tourism campaigne na “Love the Philippines”


Inihayag ng Department of Tourism noong Martes na ang pinag-uusapang “Love the Philippines” tourism
campaign ay nagkakahalaga ng P49 milyon.

Ito naman ay ibinunyag ni Tourism Secretary Christina Frasco sa isang panayam sa telebisyon ng “The
Source” ng CNN Philippines noong Huwebes.

Aniya, ang kabuuang halaga ng buong pag-aaral ay nagmula sa isang logo at lahat ng bagay at ang mga
bahagi ng branding campaign na ito ay umabot sa P49 milyon.

N10

Department of Transportation, nais ang pagsasapribado ng EDSA busway at ang Ninoy Aquino
International Airport (NAIA).

Pagsasapribado ng EDSA busway at ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nais na isakatuparan
ng Department of Transportation.

Layunin ng Department of Transportation ang pagsasapribado ng dalawang pangunahing sistema ng


transportasyon sa Metro Manila na kinikilala rin bilang EDSA busway at NAIA.

Planong isasapribado rin ng DOTr noong Nobyembre ang Edsa busway nitong taon.

Samantala, ibinunyag ni Transportation Secretary Jaime Bautista noong Disyembre ang layunin ng
administrasyon na isapribado ang NAIA.

N8

Unang taon ni Marcos, nabahiran ng mga hamong inflationary.

Sa kabila ng Filipino Starvation Wages, nararanasan ni Marcos ang mga hamong inflationary.

Naramdaman ng mga Pilipino hindi lamang ang hapdi ng pandemya kundi pati na rin ang dagok ng mga
pagtaas ng presyo noong unang taon sa panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kaagad pagkatapos ma-secure ang nangungunang posisyon sa bansa, tinapos ni Marcos ang pagpapataw
ng mahigpit na mga paghihigpit sa COVID-19.

Taliwas ito sa diskarte ng kanyang hinalinhan, si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nagsagawa ng
mga hard lockdown sa tuwing ang bilang ng mga kaso ay nasa uptrend.

N6

Kabuuang ipon ng Pilipinas noong 2022, tumaas sa P4.90 trilyon sa gitna ng karagdagang normalidad at
muling pagbubukas ng ekonomiya.

Philippine Statistics Authority, nagpalabas ng datos tungkol sa pagtaas ng Kabuuang ipon ng Pilipinas
noong 2022 at umabot sa halos limang trilyon.
Tumaas sa P4.90 trilyon sa gitna ng karagdagang normalidad sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic ang
kabuuang ipon ng Pilipinas noong 2022 batay ito sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority
(PSA) noong Huwebes.

Ayon sa datos ng PSA, ang kabuuang savings ng bansa ay nasa P4.90 trilyon at tumaas ng 26.6% mula sa
P3.87 trilyon noong 2021.

Samantala, Ang kabuuang ipon ng isang bansa ay kumakatawan sa kabuuan ng indibidwal, negosyo, at
kita ng pamahalaan na binawasan ang mga paggasta.

N5

Dating Pangulo na si Rodrigo Duterte, nagbabala sa 'napipintong digmaan' sa Pilipinas dahil sa EDCA.

Pagkakasangkot ng Pilipinas sa third world war, posible, batay kay Duterte.

Nagbabala si dating pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad na madamay ang Pilipinas sakaling
mangyari ang ikatlong digmaang pandaigdig dahil sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA)
sites na inilagay ng United States sa bansa.

Sinabi ng dating pangulo na ang mga lokasyon ng EDCA sa bansa ay maaaring gamitin bilang mga lugar
ng pagtatanghal kung sakaling magkaroon ng hidwaan sa pagitan ng US at China.

Aniya, hindi ko sinusubukan na maging fatalistic o war-mongering at kung ilalagay ko ang sukat ng isang
napipintong digmaan, sa sukat na isa hanggang 10, ilalagay ko ang sitwasyon ngayon sa pito

N2

Interior Secretary Benjamin Abalos, Itinigil ang planong pagreshuffle ng mga matataas na opisyal ng
Philippine National Police (PNP). eks

Planong pagreshuffle ng mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP), itinigil ni Interior
Secretary Benjamin Abalos. eks

Hininto ni Interior Secretary Benjamin Abalos ang Planong pagreshuffle ng mga matataas na opisyal ng
Philippine National Police (PNP) sa kadahilanang napapailalim sa kumpirmasyon at pag-apruba ni
Pangulong Marcos.

Sinabi ni Abalos na ang planong reassignment ng walong opisyal ng PNP ay rekomendasyon lamang na
sasailalim sa kumpirmasyon ng National Police Commission (Napolcom), na kanyang pinamumunuan, at
pag-apruba ng Pangulo.

Ayon ni Abalos, may prosesong dapat sundin, ang listahan ng mga piling opisyal ay isusumite sa
Napolcom para sa kumpirmasyon at kung makumpirma, ang listahan ay ipapasa kay Pangulong Marcos
para sa pag-apruba.

N6

Senador Cristopher Laurence Bong Go, inihayag ang kaniyang suporta sa isinagawang pandemic
recovery efforts ng administrasyon ni Pangulong Marcos.
Pandemic Recovery efforts na isinagawa ng administrasyon ni Pangulong Marcos, binigyang suporta ni
Senator Bong Go.

Pinuri ni Senador Cristopher Laurence Bong Go ang ang maagap na diskarte at mga estratehiya ng
administrasyon ni Marcos upang matugunan ang mga hamon na kinaharap ng mamamayang Pilipino.

Ayon sa kaniya, napakahusay ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dagdag pa niya, lalong lalo na sa pag-usad sa bansa tungo sa pagbangon mula sa pandemya bilang isang
agarang layunin sa kanyang unang taon sa panunungkulan.

You might also like