You are on page 1of 4

PUV modernization, tuloy na sa Disyembre 31 – DOTr

By Mer Layson(Pilipino Star Ngayon) November 8, 2023 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuloy ang pag-arangkada ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization
program ng pamahalaan sa Disyembre 31, 2023.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, wala nang makapipigil pa
sa deadline para sa pagbuo ng kooperatiba o korporasyon ng mga jeepney drivers, bilang bahagi ng
naturang programa.

Ito’y sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasangkutan mismo ni Land Transportation Franchising and
Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III.

Mariin ding pinabulaanan ni Bautista ang mga akusasyon laban sa LTFRB na umano’y nagkakaroon
ng bilihan ng ruta ng jeepney, dahil kasama rin aniya sa pagkakaloob ng ruta ang plano rito ng mga
local government units (LGUs).

Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Bautista na hindi for sale ang mga ruta at ang prangkisa ay
libre lamang.

Idinagdag pa niya na hindi nila ipi-phase out ang mga tradisyunal na public utility jeepneys (PUJs)
ngunit kailangang ang mga ito ay compliant o tumatalima sa euro engine standard at pasok sa
Philippine Standards ng Trade Industry.

Matatandaang una nang inakusahan si Guadiz ng kanyang dating executive assistant na si Jeff
Tumbado, na sangkot sa bribery sa LTFRB, sanhi upang suspindihin siya ni Pang. Ferdinand Marcos
Jr.

Malaunan, binawi ni Tumbado ang alegasyon, na nagresulta ng pagkakabalik sa puwesto kay Guadiz.
Inflation bumagal sa 4.9 porsyento- Diokno
By Angie dela Cruz(Pilipino Star Ngayon) November 8, 2023 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng chief economic manager ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
na ang mabilis at determinadong pagkilos ng gobyerno para labanan ang inflation ang resulta ng
malaking pagbaba ng presyo ng mga bilihin na naitala noong Oktubre.

Pinuri ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno ang 4.9 percent headline inflation na nairehistro
noong nakaraang buwan, na itinatampok ang pagbaba ng average rates na nakita noong Setyembre at
noong nakaraang taon.

Bumaba rin aniya ang October inflation rate sa 5.1% hanggang 5.9% na itinakda ng Bangko Sentral
ng Pilipinas (BSP).

“This positive development is the result of the government’s decisive and timely actions in mitigating
inflation, a testament to President Ferdinand R. Marcos, Jr.’s firm resolve to protect the purchasing
power of Filipino families,” sabi ni Diokno.

Ang October inflation ay nagdala sa 10-buwan na average sa 6.4 porsyento, na lumapit sa tinatayang
saklaw ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na 5-6 porsyento para sa buong
2023.

Gayunpaman, nanatili itong mas mataas kaysa sa target inflation ng gobyerno na 2 porsyento
hanggang apat na porsyento para sa taon.

Ang downtrend sa inflation ay dahil sa mas mabagal na pagtaas ng mga pagkain at non-alcoholic na
inumin (7.0%) at mga restaurant at serbisyo sa tirahan (6.3%).

Noong Oktubre, ang tatlong pangunahing commodity groups na gumawa ng pinakamataas na


kontribusyon sa pangkalahatang inflation ay pagkain at hindi alkohol na inumin, na may 2.6% mula sa
kabuuang 4.9 %.

Sinundan ito ng mga restawran at serbisyo sa tirahan; at pabahay, tubig, kuryente, gas, at iba pang
panggatong.
Samantala, ang non-food inflation ay patuloy na nasa target range ng gobyerno na 2% porsyento
hanggang 4% dahil bumaba ito sa 3.4% mula sa 3.5% noong nakaraang buwan.

Ang pangunahing nag-ambag sa inflation na hindi pagkain ay ang mga serbisyo sa paghahatid ng
pagkain at inumin, paupahang pabahay, personal na pangangalaga, gayundin ang transportasyon ng
pasahero.

Ang National Capital Region (NCR) ay nakakita rin ng downtrend sa inflation sa 4.9 percent mula sa
6.1 percent noong Setyembre 2023.

Lahat ng rehiyon sa labas ng NCR ay nagtala rin ng mas mabagal na inflation rate, maliban sa Region
VII (Central Visayas), na nag-post ng mas mataas na taunang pagtaas.
Petisyon kontra P125 milyong confidential fund ng OVP, inihain
By Danilo Garcia(Pilipino Star Ngayon) November 8, 2023 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naghain ng petisyon ang isang grupo na binubuo ng mga dating opisyal ng
gobyerno at mga abogado sa Supreme Court na kumukuwestiyon sa legalidad ng paglilipat ng P125
milyong pondo sa Office of the Vice President (OVP) upang maging confidential fund.

Kabilang sa mga naghain ng petisyon ang abogadong si Barry Guttierez, tagapagsalita ni dating VP
Leni Robredo; dating Comelec chairperson Christian Monsod; dating Finance undersecretary Maria
Cielo Magno; at dating Commission on Filipinos Overseas chairperson Imelda Nicolas; abogadong si
Katrina Monsod at iba pa.

Ayon sa grupo, naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng P221.42 milyon para
sa OVP para sa “financial assistance/subsidy and confidential fund” makaraang aprubahan ng Office
of the President noong Nobyembre 28, 2022.

Sa naturang halaga, P96.42 milyon ang para sa “financial assistance/subsidy”, habang ang P125
milyon ay napunta umano sa “non-existent” na confidential fund.

Nakasaad sa petisyon ang kahilingan na isauli ng OVP ang naturang pondo sa national treasury.

Noong Hulyo, inilabas ng Commission on Audit ang 2022 report na nagkukumpirma sa paggamit ng
OVP ng P125 milyon na inilipat sa naturang opisina noong Disyembre 2022.

You might also like