You are on page 1of 3

Loretha Kim Morona Pagbasa at Pagsusuri

Gr. 11- Silver

Dapat bang taasan ang sahod ng bawat manggagawang Pilipino?

Marami ang nagtatanong kung dapat bang taasan ang sahod ng bawat manggagawa.
Sa isang bansa kung saan ang karamihan ng mga manggagawa ay nakikipaglaban sa
araw-araw na pangangailangan, hindi sapat ang ordinaryong sweldo na kinikita sa
bawat araw-araw. Sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin isa ito sa nagdulot ng malaking
epekto sa kahirapan ng bawat Pilipinong manggagawa. Kaya naman nararapat lamang
na taasan ang sahod ng bawat manggagawang Pilipino upang matugunan ang kanilang
pangangailangan at makatulong sa pagpapabuti ng kanilang kalagayan.

Isa ang inflation sa pangunahing dahilan kung bakit nararapat taasan ang sahod ng
mgamanggagawa lalong lalo sa mga manggagawa na may maliit na kita. Ayon sa
International Labour Organization (ILO) na ang pagtaas ng inflation ay may mas
malaking epekto sa mga kumikita ng mas mababa. Sa kadahilanang kakaunti na nga
ang kanilang kita mababawasan pa ito ng malaki dahil sa kamahalan ng pangunahing
pangangailangan gaya ng pagkain. Dagdag pa sa Preliminary Results ng Family
Income and Expenditure Survey (FIES) noong 2021, ang insidensya ng kahirapan sa
populasyon, na tinutukoy bilang ang proporsyon ng mga Pilipinong hindi sapat ang kita
kada tao upang maabot ang kanilang pangunahing pangangailangan sa pagkain at iba
pang pangangailangan, ay naitala sa 18.1 porsyento. Ayon sa Department of Labor and
Employment (DOLE) na ang minimum na sweldo sa Pilipinas ay karaniwang nasa
330.08 PHP/kada araw mula noong 1989 hanggang 2022, na umabot sa pinakamataas
na halaga na 570 PHP/ kada araw noong 2022 at pinakamababang halaga na 89
PHP/kada araw noong 1989.

Habang ang ilang tagapagtaguyod ng pagtataas ng pinakamababang sahod ay


tinatantya na ang isang mas malaking bilang ng mga indibidwal at pamilya ay aalis sa
kahirapan kung sila ay kumita ng mas maraming pera, ang isang kaugnay na potensyal
na benepisyo ay isang inaasahang pagbawas sa pangangailangan para sa mga
paggastos ng pamahalaang pederal at estado sa tulong pinansyal para sa mahihirap at
mababa ang kita na mga indibidwal (Maverick, 2022). Karaniwan nang pinaniniwalaan
na ang pagpapataw ng mas mataas na legal minimum wage (LMW) ay kinakailangan
upang matulungan ang mahihirap na kumita ng sapat na halaga ng kita na magbibigay
daan sa kanila upang magkaroon ng malusog at marangal na pamumuhay. (Paqueo,
Vicente B.,Orbeta, Aniceto, & Lanzona, Leonardo., 2016).

Sa kabuuan, kasalukuyang marami paring mga manggagawang Pilipino ang


nakakatanggap ng maliit na sahod sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin, ito ay nagdulot
ng malaking epekto sa pagunlad ng bawat indibidwal. Hindi natin maitatanggi na ang
pera ay isa sa mga pinaka importanteng bagay upang mabili natin ang ating
pangangailangan. Sa bawat pag angat ng presyo ng mga bilihin ang bawat indibidwal
ay nangangamba sa pera, lalong-lalo na ang mga manggagawang kakarampot lamang
ang kinikita sa bawat araw - araw. Kaya naman ito ang dahilan kung bakit ako pabor sa
pagtaas ng sahod ng bawat manggagawang Pilipino.Naniniwala akong kapag
binibigyan natin ng importansya ang manggagawang Pilipino ay mas lalo silang
nagiging produktibo sa kanilang trabaho, at sa ganitong sitwasyon ito ay nagreresulta
ng kaunlaran ng bawat isa.
Mga Sanggunian

Paqueo, V. B. (2016). The impact of legal minimum wages on employment, income and poverty
incidence
in the Philippines. Think Asia. https://think-asia.org/handle/11540/9226

Philippines Daily Minimum Wages - 2022 Data - 2023 Forecast - 1989-2021 Historical. (n.d.).

Trading Economics. Retrieved March 8, 2023, from

https://tradingeconomics.com/philippines/minimum-wages

Republic of the Philippines. (2022, August 15). Philippine Statistics Authority | Republic of the

Philippines. Retrieved March 8, 2023, from

https://psa.gov.ph/poverty-press-releases/nid/167972

Rising inflation brings striking fall in real wages. (2022, November 30). ILO.

https://www.ilo.org/global/about-the-ilo/newsroom/news/WCMS_862321/lang--en/index.h

tm

What Are the Pros and Cons of Raising the Minimum Wage? (n.d.). Investopedia. Retrieved

March 8, 2023, from

https://www.investopedia.com/articles/markets-economy/090516/what-are-pros-and-con

s-raising-minimum-wage.asp

You might also like