You are on page 1of 3

Basbas ng Pandemya: Pagsusuri sa kantang “Awit ng Hinagpis at Galit” ni Joi

Barrios
na isinulat ni
Christelle Joyce G. Tagufa

Masasabi mong isang pribilehiyo ang isang tao kung ang pagtingin niya sa
nangyaring pandemya ay “blessing in disguise.” Isa nga ba itong panahon ng
pagdalisay o panahon ng digmaan?

Sa kantang isinulat ni Joi Barrios na “Awit ng Hinagpis at Galit,” nakasulat sa


liriko nito ang mga pangyayari sa Pilipinas noong panahon ng pandemya. Taong 2020,
nang ideneklara ng World Health Organization (WHO) ang malawakang pandemya
dulot ng COVID-19 virus na nagmula sa Wuhan, China (WHO, 2020). Ang virus na ito
ang itinuturing salot na dumating sa ating bayan na naging banta sa kalusugan ng mga
Pilipino, at nagpasimula ng kakaibang digmaan sa lente ng politiko at mamamayan.
Dahil sa matinding banta nito sa kalusugan, ang agarang tugon ni dating Pangulong
Rodrigo Duterte ay ipatupad ang lockdown sa mga pangunahing lungsod.
Pansamantalang sinara ang mga klase, pinagbawal ang maramihang kumpulan ng mga
tao (mass gathering), at byahe papunta ng Metro Manila mula sa ibang mga probinsiya
(PCOO, 2020).

Kasama sa mga agarang solusyon na ipinatupad ni dating Pangulong Duterte


ang pag-deploy ng mga puwersa ng pulisya at militar sa buong bansa. Sabi nga sa
kanta, “checkpoint at sundalo baril ang solusyon, kawawang bayan ‘tong lider ay
hangal.” Gaya ng nabanggit, “Shoot them dead,” ay ang eksaktong mga direktiba ni
Duterte kung paano dapat gawin ng hukbo at administrasyon ng bansa ang isang
"mala-martial law" na diskarte sa pagpapanatili ng mahigpit na lockdown na iniutos
upang makontrol ang epekto ng pagsiklab ng coronavirus. Binatikos ng Kalihim ng
human rights group na KARAPATAN, Cristina Palabay, ang administrasyon sa
pamamagitan ng pagpuna sa rehimen sa pagtutuon ng pansin sa malawakang
pag-aresto sa halip na tulungan ang socioeconomic na problema ng bansa: “Ang
gobyernong Duterte at ang mga alipores nito [ay] nagsasamantala sa mga hakbang sa
quarantine para siraan at masugid na arestuhin — kahit pumatay — mga aktibista. Sa
halip na tumugon sa mga pangangailangang sosyo-ekonomiko ng mga mamamayan,
ang mga malawakang pag-aresto na ito ay magpapalala lamang sa kalagayan ng mga
mahihirap.”

Higit pa sa militarisadong solusyon ng pangulo, ang mga nabiling testing kits ay


para lamang sa kontrata at balita– pabida sa picture politikong hambog. Ang
nangangahalagang P550 milyong COVID-19 test kits mula sa Pharmally
Pharmaceutical Corp. ay natagpuang expired. Ito raw ay nabili ng gobyerno bilang
bahagi ng kontrata ng supply ng trading company sa Procurement Service ng
Department of Budget and Management (PS-DBM). Sinayang ng gobyerno ang pera ng
mamamayan sa pagbabayad ng halos 400,000 COVID-19 reverse
transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test kits na walang silbi dahil
lumampas na ito sa kanilang expiration date (Gascon, 2021). Sukat pang sabihin sila'y
mapaglingkod? Palusot nila’y “Emergency kasi, emergency kasi.”

Hindi pa rito nagtatapos ang kasukdulan ng pandemya. Natagpuan ang iregular


na paglipat ng mahigit P42 bilyon na pandemic response fund mula sa Department of
Health (DOH) patungo sa PS-DBM. Nanalo ang undercapitalized na Pharmally ng
P11.7 bilyong halaga ng mga kontrata para sa mga medikal na suplay mula sa pondong
iyon (Gacson, 2021). Saan napupunta bilyones sa kaban? Ang dapat na ayuda ay baka
maibulsa… o naibulsa na nga.

Tugon ng mamayang Pilipino sa kanta, “Nasaan ang plano? Amin lang


matanong. Sistema ang hanap sa ating pagsulong.” Ito ang mga kaganapan noong
pandemya na dapat ihayag, dapat mangusap sa bayan. Ito ang kakaibang digma na
kinakaharap ng bayan. Basbas nga ba sa Panginoon ang mga kaganapan noong
pandemya? O kabilang ka lamang sa grupo ng pribilehiyo na swerteng hindi maranasan
at matuklasan ang mga lagim ng pandemya?
References:

Beltran, M. (2020, May 12). The Philippines' Pandemic Response: A Tragedy of Errors.
The Diplomat.
https://thediplomat.com/2020/05/the-philippines-pandemic-response-a-tragedy-of
-errors/
Gascon, M. (2021, September 22). P550 million lost in expired COVID-19 test kits from
Pharmally. Inquirer.net.
https://newsinfo.inquirer.net/1491099/p550m-lost-in-expired-test-kits-from-pharm
ally
Presidential Communications Operations Office (PCOO). (2020, March 13). Gov’t
imposes community quarantine in Metro Manila to contain coronavirus. Retrieved
from https://pcoo.gov.ph/news_releases/
govt-imposes-community-quarantine-in-metro-manila-tocontain-coronavirus/
WHO. (2020a, April 24). Coronavirus disease 2019 (COVID-19) Situation Report – 94.
Retrieved from
https://www.who.int/docs/defaultsource/coronaviruse/situation-reports/20200423-
sitrep-94- covid-19.pdf

You might also like