You are on page 1of 1

Magandang hapon po Bb. Padriquez at mga kaklase.

Ako po ay si Georgina Alviola nag-uulat


para sa DWXYZ ukol sa pinakahuling balita sa COVID-19.

Ngayon araw ay kinumpirma na po ng Philippine Heart Center ang pagpanaw ng isa sa kanilang
kawani na lalaking nars. Ang nasabing nars ay nakatalaga diumano sa charity ward. Dahil dito,
labing-tatlong doctor, tatlumpung nars at labinlimang empleyado pa ng naturang ospital ang
dali-daling pinayuhan na mag-quarantine.
(https://www.gmanetwork.com/news/news/metro/780505/philippine-heart-center-confirms-
death-of-male-nurse/story/)

Makalipas ang isang taon mula ng mag-lockdown ang Pilipinas ay unti-unti na naming tumataas
ang nagpopositibo sa COVID-19 sa kalahang Maynila sanhi na din nga mga bagong variants na
mula sa United Kingdom, Brazil, South Africa, Japan at isa pang bagong variant na nagmula sa
ating bansa na binansagang P.3.
(https://www.forbes.com/sites/williamhaseltine/2021/03/18/third-generation-covid-19-
variant-described-in-the-philippines/?sh=4a9965a73ca0)

Nagsimula anag pagtaas ng mga positibo sa COVID-19 noong ikalawa ng Marso nang naitala sa
Pasay City ang unang tatlong kaso ng South Africa COVID-19 variant sa bansa, kasama na ng
noon ay tumataas na bilang ng mga kaso kaugnay ng UK variant
(https://cnnphilippines.com/news/2021/3/3/COVID-19-UK-South-Africa-variant-Metro-Manila-
Pasay.html).

At mula sa average o normal na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na dalawang libo
noong Marso dos ay umakyat na nga po ang bilang sa mahigit pitong libo noong Biyernes, ika-
labing siyam ng Marso. Ang kasalukuyang bilang na ito ay nahigitan ang naitalang bilang ng kaso
ng COVID-19 sa Pilipinas noong Agosto 2020.
(https://www.manilatimes.net/2021/03/20/podcasts/kuwtt-covid-cases-swell-to-record-7000-
mar-20-2021/853574/).

Sa kasalukuyan, dalawampu’t siyam na ospital sa Metro Manila ay nasa critical zone na. Ang ibig
sabihin po nito ay ang kanilang “occupancy rate” ay nasa walumpu’t limang bahagdan na at
ayon sa UP OCTA Research group, maaring umabot ito sa 100% sa unang lingo ng Abril
(https://www.cnnphilippines.com/news/2021/3/20/list-metro-manila-hospitals-critical-covid-
19-occupancy-rate.html).

Dahil wala pa po tayong sapat na bakuna laban sa COVID-19 sa ngayon at dahil sa mabilis
makahawa ang mga bagong variants ng COVID-19, hinihikayat po ang publiko na magsuot ng
dalawang surgical masks. At kung kaya naman po na makakuha ng N95 na facemask na tulad po
nito, ito daw po ang ating gamitin. Ayon kay Dr. Anthony Leachon, ang dating adviser ng Inter-
Agency Task Force on COVID-19 o IATF, ang N95 po ang gold standard ng face masks
(https://philstarlife.com/self/537571-double-masking-philippines?page=3).

Maraming Salamat po sa inyong pakikinig.

Muli, ito po sa Georgina Alviola, nag-uulat at nagpapa-alala na stay home, stay safe!

Magandang hapon po sa inyong lahat!

You might also like