You are on page 1of 4

Online business: benepisyo nito sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemiya ng taong

2020 sa murphy, cubao.

Isinumite sa Asian college- Quezon City campus bilang bahaging pangangailangan sa


asignaturang PAGBASA

Isinumite ni:
Ivan Pascal U. Cortez
Abigail Galzote
Mark Abraham

Isinumite kay:
Mychal Soliman

April 2021
Kahalagahan

Ang epekto ng coronavirus pandemic ay hindi nagtatapos sa mga pasyenteng


napupunta sa mga ospital. Ito ay makikita rin sa kabuhayan ng mga Pilipino.

Abot 5 milyong Pilipino ang mawawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic,


ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ang bilang na ito ay
maaaring tumaas, depende kung gaano kalakas ang impact ng pandemic sa
ekonomiya ng Pilipinas sa mga susunod na buwan. (rappler,2020)

Sa mabilis na pagbaba ng bilang pisikal na Negosyo gayun din ang bilis ng pag
angat ng E-commerce o tinatawag ding Online business. Dahil sa pagtaas ng cases ng
covid-19 ay nagpatupad na ng social distancing upang maiwasan ang pagkahawa sa
covid-19. Isa itong dahilan kung bakit patuloy ang pagdami ng mga online
businesses. Ayon sa ulat ng Digital (April 2020) Statshot ni Hootsuite at We Are
Social ay nagsiwalat na 64% ng mga Pilipinong gumagamit ng internet ay
gumugugol ng mas maraming oras sa social media, na may 23% na nagpapahiwatig
ng isang nadagdagang aktibidad sa kanilang aktibidad sa pamimili sa online.

Ang pag tutuunan ng konseptong papel na ito ay ang benepisyo ng online business
sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemiya ng taong 2020 sa cubao, murphy. Sa
mga mamimili na dumaragdag pa sa online shopping sa gitna ng mga paghihigpit sa
pandemya, mas marami pa ang mga negosyante na tinanggap ang digital
phenomenon para sa online shopping. Ang mga website ng e-commerce tulad ng
Lazada at Shopee ay nangunguna sa mga online shopping platform na ito na may
inaasahang pagtaas ng kita sa benta sa milyun-milyong piso. Nabago na ng
teknolohiya ang mga transaksyon sa online na Negosyo, sa isang walang katapusang
pamilihan kung saan ang pagsasagawa ng negosyo ay naging mas maginhawa at
mahusay para sa parehong mga sellers at buyers. Ginawa ng COVID-19 pandemya
ang merkado na ito na mas halata na pangangailangan.

Layunin

1. Maipakita ang pag-usbong ng online business sa panahon ng pandmya


2. Malaman ang magandang dulot ng online business sa mga nawalan ng trabaho
dahil sa pandemya
3. Maisaad ang mga dahilan ng paglipat ng mga negosyante sa online business

Metodolohiya

Magbibigay ng mga survey questionnaire tungkol sa benepisyo ng online business.


Ang pokus ng aming pag papasurvey ay ang makuha ang saloobin ng mga tao
patungkol sa benipesyo ng online business sa mga nawalan ng trabaho dahil sa
pandemya ng taong 2020 sa cubao, murphy

Inaasahang Bunga

Ang papel na ito ay isinagawa namin upang makalap ng impormasyon na


mapapakinabangan sa gitna ng pandemya mapa estudyante, magulang, kahit sinong
nawalan ng trabaho at naghahanap ng paraan upang maitaguyod ang kanilang
pamilya. Ang lahat ng resulta ng survey ay ilalakip bilang karagdagang pahina.
https://news.abs-cbn.com/business/09/02/20/higit-180000-nawalan-ng-trabaho-sa-pilipinas-mula-
enero-labor-dept
https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/beyond-stories-labor-jobs-losses-
coronavirus-pandemic-philippines
https://home.kpmg/ph/en/home/insights/2020/07/the-new-normal-of-increased-online-business-
transactions.html

You might also like