You are on page 1of 2

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ayon kina Shafi et al. (2020) sa ekonomiya ng Pakistan ang naging pangunahing
biktima ng CoVid-19 outbreak ay ang mga micro, small, and medium enterprises
(MSMEs). Kumpara sa mga malalaking negosyo, ang mga MSMEs ay di nagtataglay
ng sapat na pinagkukunan ng mga pangangailangan, lalo na sa pang pinansyal at
pamamahala, at di handa sa ganitong pagkagambala na mas mahabang panahon kesa
sa inaasahan (Brtik et al., 2020; Prasad et al., 2015). Dahil sa global outbreak ng
CoVid-19 , ang global GDP ay naapektuhan ng 2.3% hanggang 4.8% (ADB, 2020).
Labis na naapektuhan ang mga maliit na negosyo kasama na rito ang mga sari-sari
store.

Ayon sa balita ni Magkilat (2020) ang The Philippine Association of Stores and
Owners (PASCO) ay nagsagawa ng pag-aaral na Rapid Assessment of Effects of the
Community Quarantine on Selected Sari-Sari Store and Carinderia Owners, sa resulta
ng pag-aaral kailangan ng mga plano sa rehabilitasyon na nakapaloob ay ang saklaw
ng interbensyon sa magkaibang yugto at klase ng negosyo. Lumalabas sa resulta ng
sarbey na 75% sa 84 na kariderya ang pansamantalang tigil operasyon at 25% sa 358
na mga sari-sari store ang pansamantalang nagsara. Noong naging General
Community Quarantine(June-July) kung saan binawasan ang paghihigpit, sa sarbey na
isinagawa ng PASCO ay lumalabas na patuloy na dumaranas ng paghihirap ang mga
micro retail enterprise sa kabuuan na 368 sari-sari store respondente, 24% ang
nagdesisyon na isara ang negosyo. Sa pagpapalano ng pagbabalik ng mga economic
activities partukular na ang rehabilitasyon ng mga malalaki at maliliit na negosyo ay
dapat mangyari sa lalong madaling panahon para makabalik na ang mga Filipino sa
kanilang trabaho at kanilang kabuhayan ayon sa PASCO.

Ayon sa balita ni Juego(2020) sinabi ni Michael Tan, presidente at COO ng LT


Group, Inc. na isa sa paraan para sa pagbabago ng enhanced community quarantine
sa mga barangay ay ilapit ang mga pangunahing pangangailang ng mga tao at ang
mahusay na paraan ay ganap na magamit ang mga sari-sari store sa mga barangay.
Sa pagbubukas ng mga sari-sari store ay maibabalik ang mga kita nito at hindi na aasa
sa pinansyal na ibibigay ng gobyerno. Nagbigay rin sila payo para sa mga negosyante
na inaalam pa rin kung ano ang kanilang magiging prayoridad sa pagsisimula ulit ng
ngesyo at sinabing “ang prayoridad ng pinuno sa oras ng krisis katulad ngayon ay ang
mga tao.

Dahil sa pandemsya na nararanasan lubhang kailangan ng mga maliit na


negosyo ng tulong para maipagpatuloy ang kanilang negosyo. Ayon kina Adian et al.
(2020) ang maliit at katamtamang mga negosyo ay lalong bumaba ang kita at ang
kanilang pera ay mas mabilis naubos kesa sa mga malalaking negosyo sa parehas na
sektor at bansa. Para makayanan ng maliliit na negosyo ang pandemya kesa umutang
sa mga bangko kailangan nila ng pinansyal na tulong.

Shafi, M., Liu, J., Ren, W. (2020, July 30). Impact of COVID-19 pandemic on micro,
small, and medium-sized Enterprises. Elsevier Ltd.
https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S2590051X20300071

Magkilat, B. (2020, July 21). Sari-sari stores, carinderias worst hit by pandemic. Manila
Bulletin. https://mb.com.ph/2020/07/21/sari-sari-stores-carinderias-worst-hit-by-
pandemic/

Juego, A. (2020). ‘Sari-sari’ stores to the rescue. Business Inquirer.


https://www.google.com/amp/s/business.inquirer.net/295098/sari-sari-stores-to-the-
rescue/amp

Adian, I., Doumbia , D., Gregory, N., Ragoussis, A., Reddy, A., Timmis, J. (2020,
November 11). Small and Medium Enterprises in the Pandemic : Impact, Responses
and the Role of Development Finance. The World Bank Group.
https://elibrary.worldbank.org/doi/abs/10.1596/1813-9450-9414

You might also like