You are on page 1of 2

Kilalanin: Tunay na Kalaban

Kabilaan na ang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec)


para sa papalapit na halalan 2022. Naglatag na rin ito ng mga nais na election
health protocols. Subalit magiging handa ba ang bansa sa tunay na laban sa
mabagsik na virus?

Pinag-aaralan na ng Comelec ang mga posibleng pagbabagong gawin


upang mairaos ng maaayos ang halalan sa 2022 sa gitna ng hamon ng
coronavirus (COVID-19) disease.

Kasunod ng plebisito sa Palawan ay nakatutok na ang Comelec sa


papalapit na halalan 2022. Itong plebisito sa Palawan ang magsisilbing
“laboratory” kung paano dapat idaos ang darating na halalan sa gitna ng
patuloy na pandemya. Kasunod din nito ay naglabas na ang Comelec ng
timeline para sa halalan.

Sa kasalukuyan ay pagtuloy ang pagtuturok ng mga bakuna sa mga


Pilipino subalit hindi pa rin ito sapat upang maprotektahan ang lahat ng
mamamayan ng bansa sa bagsik ng COVID-19 virus. Kulang na kulang pa ang
mga bakuna na dumating sa bansa upang mabakunahan lahat ng
mamamayan. Kung kaya hindi maaasahan ang bakuna upang masiguro na
lahat ng Pilipino ay ligtas sa oras ng eleksyon.

Hindi rin maiiwasang magkumpol-kumpol ang mga botante sa mga


paaralan o sa kani-kanilang presinto. Paano masisiguro ng Comelec na hindi
magkakaroon ng hawaan sa oras ng eleksyon? Paano nila masisiguro ang
kaligtasan ng bawat Pilipino?

Ayon kay Abas ay magdadagdag sila ng mga Vote Counting Machines


(VCM’s) kasabay ng pagdadagdag ng mga clustered precincts upang mas
lumuwag ang voting centers at para maiwasan ang mga pila at siksikan ng
mga botante.

Magiging sapat ba ang mga pagbabagong ito na gagawin sa eleksyon


upang masigurong ligtas ang mga mamamayan?

Kung balak ituloy ng gobyerno ang halalan 2022 nararapat na isaalang-


alang nila ang kaligtasan ng lahat ng Pilipino. Maganda ang mga planong
kanilang inilatag upang masiguro ang kaligtasan ng mga botante subalit hindi
pa rin ito magiging sapat upang labanan ang bagsik ni COVID-19. Nararapat
na mas pag-isipan pa ng maigi ang bawat hakbang sa pagpapatupad sa
eleksyon.
Bilang isang mamamayan sa bansang Pilipinas nararapat na
magtulungan tayong lahat upang masugpo ang salot na COVID-19. Sapagkat
sa kasulukuyan ay patuloy pa rin na dumarami ang kaso sa bansa na
umaabot na sa mahigit isang milyon. Kung magiging sanhi lamang ang halalan
2022 sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay mas maiging
ipagpaliban na muna ito at pagtuonan ng pansin ang pandemyang ating
kinakaharap.

Walang masama sa pagpapasatupad ng halalan 2022, subalit nararapat


na kilalanin natin ang tunay na kalaban sa kasalukuyan.

You might also like