Paano ba ako magiging responsableng peryodistang pangkampus?
Gampanin
Mabigat ang pinapasan na responsibilidad naming mga peryodista sapagkat
responsibilidad naming ihatid sa mga mamamayan ang buong katotohanan hinggil sa isang isyu. Tunay na mahalaga ang tungkulin ng peryodistang pangkampus sa lipunan at sa bansa sapagkat iminumulat nito ang mga muwang na isip ng kabataan sa reyalidad ng mundong ginagalawan.
Bilang isang peryodistang mag-aaral tungkulin naming ihatid sa kapwa
mag-aaral ang mga napapanahon na balita at ilahad ang buong katotohanan na walang labis at walang kulang. Nararapat din na maging mausisa ako at magsaliksik ng mga bagong kaalaman upang makapaghatid ng balita na tapat at walang kinikilingan. Marapat din na isaalang-alang ko ang kabutihang panlahat ng mga kapwa ko mag-aaral at magsilbing boses nila upang maipaglaban ang aming mga karapatan. Hindi madali ang pagiging peryodistang pangkampus subalit mayroon tayong gampanin na nararapat gampanan bilang isang mamamayang Pilipino. Ito ang gampaning makibahagi at maging kabahagi sa pag- unlad ng bansang sinilingan.