You are on page 1of 7

PSYCH EXPRESS SCRIPT

Anchor 1: Balitang Psych Express!

(Intro sfx) (background music)

Anchor 2: Magandang umaga Pilipinas, narito na ang mga nagbabagang balita sa mga oras na ito

Anchor 1: Monkeypox virus unti-unti nang kumakalat

(Transition sfx)

Anchor 2: Edad lima pataas, maaari nang bakunahan kontra covid-19

(Transition sfx)

Anchor 1: Pinoy boxers humakot ng ginto sa 31st SEA Games

(Transition sfx)

Anchor 2: Dalawang contender’s ng Miss Universe Thailand, mala-Catriona Gray ang awrahan

(Transition sfx)

Anchor 1: Makulimlim na araw at pag-ulan ngayong Biyernes inaasahan sa iba’t-ibang parte ng


Luzon

(Transition sfx)

Anchor 1 & 2: Ito ang Psych Express!

Anchor 1: Unang-una

Anchor 2: Bagong- bago

Anchor 1: Mainit-init

Anchor 2: Sariwang-sariwa

Anchor 1 & 2: Sa inyong mga radyo!


(Background music)

Anchor 2: Sa buong pwersa ng Psych Express News Information Center.

(Boom sfx) (background music)

Anchor 1: PSYCH 601!

(w/ glitch sfx)

Anchor 2: Daluyan ng tapat at totoong isyu ng bayan!

(Boom sfx)

Anchor 1: Mula sa STI College MUNOZ-EDSA Psychology Department.

Anchor 1 & 2: Maghahatid sa inyo ng mga nagbabagang balita saan mang sulok ng bansa!

(Boom sfx)

Anchor 2: PSYCH EXPRESS!

Anchor 1: Pinabagsik!

Anchor 2: Pinalawak!

Anchor 1: Pinalakas!

Anchor 1 & 2: Ang Balitang Psych Express!

(Boom sfx)

Anchor 2: Miyembro ng KBB. Kabisanan ng mga broadcaster ng Pilipinas

(Intro music) (background music)

Anchor 1: Para sa detalye ng mga nagbabagang balita, Monkeypox virus unti-unti nang
kumakalat. At para sa karagdagang detalye live mula riyan sa Quezon City si Triscia.

(Transition sfx)
International Anchor: Monkey Fox virus, unti-unting kumakalat

Hindi pa man tapos ang Covid-19 Pandemic, narito’t may panibago na namang banta ng virus na
pinangangambahan hindi lang ng mga bansang apektado nito, ngunit pati na rin ang mga karatig
pang bansa. Isa ang Canada ngayon sa mga bansang nakapagtala ng hinihinalang Monkeypox
matapos itong kumpirmahin ng Health Department ng Estados Unidos at ng Europa. Upang
kumpirmahin kung mayroon nga talagang hinihinalang monkeypox ang 13 sa mga naitalang
kaso, nag sumite ang gobyerno ng Canada sa tatlong klinika na espesyalista sa sexually
transmitted at blood-borne infections.

Ayon sa ulat ng Ministry of Health and Social Services ng Quebec sa isang


pahayag sa CBC News noong Miyerkules na isang taong hinihilang tinamaan ng monkeypox ang
bumiyahe pa probinsya. Sa ngayon, patuloy pa rin na ini-imbestigahan ng Canada ang humigit
kumulang 10 pa sa mga hinihinalang kaso ng monkeypox. Samantala, kinumpirma naman ng
Estados Unidos ang unang kaso ng monekypox sa isang lalaki na nagpunta sa Canada, matapos
itong kumpirmahin ng health officials sa Europa.

Triscia Ganzon para sa Psych Express!

Anchor 2: Samantala, Edad lima pataas, maaari nang bakunahan kontra covid-19, nariyan si
Nicole upang maghatid ng balita.

(Transition sfx)

Local News Anchor: Edad lima pataas, maaari nang bakunahan kontra covid-19

Ang covid-19 totoong naganap na sa buong mundo at marami na itong sinira ng mga , sa
patuloy na paglaganap nito ay sinisira nito ang bawat ekonomiya ng bawat bansa at tila huminto
ang mundo sa pagtakbo. Pero kahit gaano ito katindi asahan ating lilipas din ito at muling
masisilayan ang kalayaan na ating hinihintay.

Bakuna laban sa covid-19 tina-target ng gobyerno ng pilipinas na mabakunahan ang 15


milyong bata sa bansa upang maging handa at ligtas sa covid-19 na sakit na lumalaganap sa
buong mundo. Edad 5 pataas ang maaaring mabakunahan at nangyari na kasama nila ang kani-
kanilang mga magulang sa pag gaganapang nito upang masaksihan rin nila ang pagpapabakuna
sa kanilang mga anak.

Nicole Lopez para sa Psych Express!

Anchor 1: Sa balitang sports naman, Pinoy boxers humakot ng ginto sa 31st SEA Games. Psych
Express Dandrey para sa detalye (transition sfx)

Sports Anchor: Pinoy boxers humakot ng ginto sa 31st SEA Games

Humakot ng gintong medalya ang mga Pinoy boxers sa final matches ng men’s boxing sa
31st Southeast Asian games sa Vietnam. Unang nakasungkit ng gold si Rogen Ladon matapos
talunin ang Vietnamese na si Thao Tran Van sa 52kg division via 3-2 split decision. Sunod
naman nakakuha ng ginto para sa Pilipinas si Ian Clark Bautista na tinalo si Naing Latt ng
Myanmar sa 57kg finals.

Samantala dinomina ni Tokyo Olympic bronze medalist Eumir Felix Marcial ang
pambato ng Timor Leste na si Delio Anzaqeci para angkinin ang ikatlong gold ng team Pilipinas.
Sa women’s boxing naman nagkasya sa silver ang Olympian na si Irish Magno habang bronze
naman nakuha ni Olympic medalist Nesthy Petecio para sa bansa.

Anchor 1: Magbabalik ang balitaan pagkatapos ng paalalang ito

(Background music increases then fade) (Transition to infomercial music)

-Infomercial-

(Justine Manuntag)

Takot ka ba sa Corona Virus? O sa mga mikrobyong maari mong makuha sa paghawak


mo ng mga kagamjtan sa paligid? Huwag mag alala dahil nandito na ang CLEEN RUBBING
ALCOHOL, ito ay may 80% solution with moisturizer pa. Ang alcohol na ito ay isang
Disinfectant, Antiseptic at Anti bacterial at ito ay kumikitil ng 99.o% ng mikrobyo. Pagdating sa
Alcohol mas pipiliin ko ang Cleen Rubbing Alcohol na may lemon extract na makakapatay ng
mga bacteria at viruses. Isang size sa lahat. Mabibili ito sa halagang 38pesos kada isa. Available
on all drugstores and supermarkets nationwide. Ano pang hinihintay nyo mag CLEEN Rubbing
Alcohol na.

(Monica Bayaoa)

Deretsahan na ahh! Dapat matibay ang Resistensya laban sa sakit, kaya Ang gatas ng
anak ko BEAR BRAND. Ang nutrients di basta basta, Tibay-Resistensya Nutrients,
100%Vitamin C, 100% tulong sa immunity system, di tulad ng iba. Kaya naman talagang pinag-
aralan at napatunayan. Patibayin ang Resistensya Mag Bear Brand araw-araw. Sure, ka rito
100%.

(Luzviminda Rodelas)

Gusto mo bang i-level up ang iyong bakasyon? Subukan ang The Morning Catch dito sa Boracay

Kumain sa tabi ng dagat at magandang tanawin

Tikman ang katakam-takam na seafood, sa presyong P149 lang

Tuklasin ang aming pinakasikat na garlic at butter crab

Aroma pa lang? Ang sarap sarap na

Ano pa ang pumipigil sayo ngayon?

Tara na’t bisitahin ang The Morning Catch dito sa Boracay

Para sa booking at reservation tumawag sa 8200 o tingnan ang aming website sa


www.themorningcatch.com

Magpahinga, kumain, at magsaya dito lamang sa Boracay

Anchor 1: PSYCH EXPRESS BALITA!

(Toot sfx)

Anchor 2: Oras, 12 (labing dalawa) minuto makalipas ang alas 9 (nuwebe) ng umaga

(Intro music)
Anchor 1: Tayo ay nagbabalik sa mga balita, Dalawang contender’s ng Miss Universe Thailand,
mala-Catriona Gray ang awrahan, Psych Express Julienne.

(Transition sfx)

Entertainment News Anchor: Dalawang contender’s ng Miss Universe Thailand, mala-


Catriona Gray ang awrahan

Inaabangan na ng masugid na Pinoy pageant fans ang nalalapit na Miss Universe


competition ng kapitbahay na bansang Thailand. Parehong avid fans ng Miss Universe
competition ang Thailand at Pilipinas. Dahil dito, parehong Thai at Pinoy fans ang nag-aabang
kung sino ang delegada ng dalawang bansa sa prestihiyusong kompetisyon.

Sa katunayan, ilang Thai pageant fans ang nag-abang sa enggrandeng coronation night ng
Miss Universe Philippines 2022 noong Abril. Sa nalalapit na national pagean ng Thailand,
dalawang kumpirmadong aplikante na ang umagaw sa atensyon ng Pinoy fans. Tampok
kamakailan sa dalawang magkahiwalay na Facebook posts ng pageant page na Pageanthology
sina Renee Renita Veronica Pagano at ang aktres na si Anna Sueangam-iam. Sa mga larawan,
napansin ng Pinoy fans ang tila pagkakahawig umano ng dalawa sa ikaapat na Pinay Miss
Universe na si Catriona Gray.

Dahil dito, inabot ng pagtatalo ang magkahiwalay na Facebook posts kung saan ilang
Pinoy ang nagparatang pa sa umano’y panggagaya sa styling at awra ni Catriona nang sumali ito
sa Miss Universe noong 2018.

Julienne Alcano para sa Psych Express!

Anchor 1: Bago ang ibang balita, pakinggan muna natin ang Balitang Panahon ni Psych Express
Roxanne!

(Transition sfx)

Weather Anchor: Makulimlim na araw at pag-ulan ngayong Biyernes inaasahan sa iba’t-


ibang parte ng Luzon
Malaki ang tiyansa ng paputol-putol na pag-ulan ngayon sa Luzon, araw ng Biyernes,
May 20, 2022. Bagamat maulap ang kalangitan dala ng habagat. Patuloy rin ang pag-ulan sa
maraming lugar sa Hilagat at Gitnang Luzon ayon sa ulat ng PAGASA, sa ika-8 ng umaga. Nag
iwan rin ng babala ang state weather bureau sa mga residente ng Ilocos region, Cordillera
Administrative Region, Batanes, Cagayan, Zambales, Bataan, Tarlac, at Pampanga dahil sa
pabugso-bugsong ulan, pag-kidlat, at pag kulog. Dapat na mag-ingat at maging handa ang mga
tao ngayon dahil ito ay maaaaring maging sanhi ng pagbaha at pag-guho ng lupa.

"Patuloy ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon dulot ng southwesterly surface
windflow o ‘yung hangin galing sa Timog Kanluran, lalo na po sa Western sections ng Northern
and Central Luzon. While for the rest of the country, meron lamang mga localized thunderstorms
o pulo-pulong pag-ulan sa hapon hanggang sa gabi,” ani PAGASA Weather Specialist, Benison
Estareja sa kanyang panayam para sa public forecast ngayong umaga.

Ito si Roxanne Taylo para sa Psych Express at nagsasabing ANG BUHAY AY WEATHER
WEATHER LANG.

Anchor 2: Mula sa buong pwersa ng SIKOLOHISTA, ‘yan ang mga balitang hatid namin sa inyo
sa oras na ito.

Anchor 1: Ako si Kirsten Dimaano

Anchor 2: At ako naman si Miguel Tan

Anchor 1: Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay sa aming programang Psych Express. Ang
balitang walang bahid ng kasinungalingan at pamumulitika.

Anchor 1 and 2: Magandang araw!

(Outro music)

You might also like