You are on page 1of 3

Radio Broad

Anchor 1&2: Radyo Express Balita!


(intro sounds) (background music)
Anchor 1: Boses ng katotohanan
Anchor 2: Sandalan ng sambayanan! Ito ang
Anchor 1: DYRS uno dos tres
Anchor 1&2: Radyo Aktibo
(sounds)
Anchor 1: Live mula sa Immaculate Conception Academy, magandang araw
Pilipinas, ako si Gheona Laud
Anchor 2: At ako naman si Ron Galarce
Anchor 1: Miyembro ng KSP Kapisanan ng mga Broadcasters ng Pilipinas
(sounds)
Anchor 2: Sa ulo ng mga nagbabagang balita
(sounds)
Anchor 1: Itinaas ang watawat ng Pilipinas sa New York sa unang pagkakataon
(sounds)
Anchor 2: Lokal, mga bentahan sa Santa Cruz Rizal nag taas na naman?
(sounds)
Anchor 1: Ang trending na si Wilbert Tolentino itutuloy niya kaya ang pagkaso
kay Xian Gaza?
(sounds)
Anchor 2: Bente dos anyos na Pilipino, pasok kaya sa tinaguriang 51st FIG
Artistic Gymnstics World Champion?
(sounds)
Anchor 1: Una sa balita, itinaas ang watawat ng Pilipinas sa New York City sa
unang pagkakataon, alamin ang iba pang detalye sarito si Charity Sacatrapos
Reporter 1: Magandang hapon mga kabayan, para sa ating balitang pandaigdig,
Ang watawat ng Pilipinas ay itinaas sa New York City sa unang pagkakataon
bilang paggunita sa Filipino-American History Month. Ang kaganapan ay
pagkilala sa maraming kontribusyon at tagumpay nga mga Pilipino sa New York
City, particular an gating mga doctor, nurse, at iba pang healthcare workers,
kasunod ng pagsiklab ng coronavirus pandemic, sabi ni Consul General Elmer
Cato sa seremonya
Ito po ang mga impormasyon ng balitang pandaigdig, ako si Charity Sacatrapos
nagbabalita.
Anchor 1: Bente dos anyos na Pilipino, pasok kaya sa tinaguriang 51st FIG
Artistic Gymnastics World Championships? Ating alamin kay Lyka Corpuz.
Reporter 2: ang pinoy na si Carlos Yulo pasok na sa finals para sa 51st FIG
Artistic Gymnastics World Championships sa Liverpool, England. Umabante ang
Filipino Olympian sa apat na mga events kabilang na ang floor exercise, vault,
parallel bars, at sa individual all around. Kuntento si Yulo sa resulta na kanyang
ipinamalas sa qualifiers pero ipinangakong pagbubutihin niya pa sa mismong
finals event.
Ito si Lyka Corpuz naghahatid sainyo ng balitang pang sports.
Anchor 2: Salamat Lyka, nagbabagang mga balita sa pagbabalik ng DYRS uno
dos tres
(patalastas)
Anchor 1: at nagbabalik ang DYRS, ang trending na si Wilbert Tolentino itutuloy
niya kaya ang pagkaso kay Xian Gaza?
Reporter 3: Hey! Hey! Hey! October 26, 2022 namumuro ngayon ang kaso na
maaring isampa laban sa pambansang marites na si Xian Gaza matapos ang
kanyang bersyon ng ‘Ang Rebelasyon’ sa pagpapatuloy na isyu at siraan ng mga
Pinoy vloggers. Sa kanya kasing Facebook video, inispluk nito ang umano’y
pagkakasangkot sa scam, extorsion, at fraud ng isang personalidad na kabilang
sa isyu ng talent manager-influencer na si Wilbert Tolentino at influencer na si
Zeinab Harake. Bagamat hindi niya direktang piangalanan si Wilbert, sa ginawa
nitong pagdepensa kay Zeinab ay tila tumutukoy ang kanyang mga alegasyon
laban sa talent manager. Tumugon na ditto ang kampo ni Wilbert sa
pamamagitan ni Atty. Toto Causing (yes, ang abogado rin ng pamilya Mabasa sa
Lapid slay case) at nag demand ng public apology kay Xian.
Ito si Lc Baliscao, naghahatid ng mga chismis ng bayan.
Anchor 2: Para sa balitang pang local, mga bentahan sa Santa Cruz Rizal nag
taas na naman? Narito si Nathalie Dominggo.
Reporter 4: mala tiangge ang covered court ng Rizal sa Santa Cruz, Manila sa
dami ng naka pwesto na booth at stalls na nagbebenta ng mga produkto sa mga
murang halaga. Ito ay ang Kadiwa ng pasko. Ang refined sugar na nagkakahalaga
ng P70.00 na ang dating presyo ay nasa P105.00. Mas mura naman ng twenty
pesos ang isang kilo ng ampalaya at kamatis. Ang calamansi naman na nasa
P75.00 kada kilo kumpara sa ibang bilihan na nagkakahalaga ng P120.00 kada
kilo. Nakatakdang umikot sa ibang parte ang kadiwa stores para makapagbigay
ng mas murang halaga ng mga produkto.
Ito si Nathalie, nagbabalita para sa bansa.
Anchor 1: Salamat Nathalie, para naman sa ating ulat ng panahon nandito si
Imee Estavillo.
Reporter 5: Weather update, wala pang inaasahang bagyo na maaring pumasok
sa PAR o Philippine Area of Responsibility, bagamat karamihan ay makakaranas
ng maaliwalas na panahon at may mga lugar na makakaranas ng panaka-
nakang pag ulan dulot ng mga nakaraang bagyo. Huwag kakalimutang magdala
ng paying at uminom ng tubig para maiwasan ang heatstroke dahil sa maaaring
pagtaas ng temperatura. Ito si Imee nagsasabing sarili ay ingatan para puo’y
hindi masaktan. Maraming salamat at magandafng hapon sa ating lahat!
Ito si Imee, mag ingat para sigurado.
Anchor 1: At yan po ang mga nakalap na balita sa araw na ito
Anchor2: Muli ito si Ron Galarce
Anchor 1: At ako naman po si Gheona Laud
Anvhor 1&2: DYRS uno dos tres, naghahatid sainyo ng makatotohanag balita.

You might also like