You are on page 1of 7

RADIO BROADCASTING

Station ID: RADYO 24

News Anchor 1; Godwin

News Anchor 2 ; Jane

News presentor(Local1); Dianne

News presentor(Local2); Leonell

Infomercial

News presentor (International) ; Jane

News presentor (Sports) ; Jenelyn

News presentor( Showbiz) ; Lyndie


(Intro sound effect)

(Background)-Mahina lang

Godwin; Walang Kinikilingan

Jane; Serbisyong Tapat at maaasahan

FX

Anchor 1 &2: Ito ang DYNE,Dos,Syete,Kwatro sa inyong mga radyo

Jane; (Myembro ng KBP,Kapisanan ng mga broadcaster ng Pilipinas)

(Another Intro sound effect)(background)

Leonell– Mula sa bulwagang pambalitaan,narito na ang tambalang pinagkakatiwalaan Godwin Aspric at


Jane Michelle Morales

FX (background)

Jane ; Magandang umaga Pilipinas,narito na Ang mga nagbabagang Balita SA loob at labas ng bansa

Jane;Anim(6) na mangingisdang nasiraan ng bangka,narescue sa Romblon

FX

Godwin; Labing isang Private Armed group members sa Negros Oriental, tinutugis na!

FX

Jane; Kaligtasan ng mga Pinoy na naiipit sa giyera sa Israel, pinatitiyak ni Pangulong Marcos

FX

Godwin; Gilas Pilipinas, kumubra ng gold medal sa 19th Asian Games

FX

Jane; French-pinay golfer, nilantad na ang relasyon nila ni Joshua Garcia

FX

Godwin; Ito ang Radyo Bente Kwatro

Jane;Bente Kwatro oras na magbabantay ng balitang totoo!

Anchor 1 & 2;Radyo Bente Kwatro

SOUND EFFECT
Godwin; Para sa detalye ng mga Balita.

FX

Anim(6) na mangingisdang nasiraan ng bangka sa General Nakar, Quezon kamakailan ay narescue na.
Dianne Tubera para sa karagdagang detalye.

FX

Dianne(Local 1); Anim na mangingisda ang nailigtas sa Romblon matapos masira ang kanilang bangka sa
karagatang bahagi ng General Nakar, Quezon kamakailan.

Sa report ng PCG, nakilala ang anim na sina Carlito Forcadas, Jr.,limampu’t anim taong gulang( 56);
Joseph Rondina,Apatnaput dalawang taong gulang( 42); Bobby Erato at Rodil Montecalvo,parehong
Apatnapung taong gulang( 40;) Greg Valler, tatlumput siyam na taong gulang (39); at Nonoy Ojastro,
pawang taga-Barangay Casay, San Francisco, Quezon.

Sa report ng Coast Guard, umalis ang anim sa kanilang lugar nitong ika- walo(8) ng Oktubre ng hapon
upang mangisda sa pagitan ng karagatang sakop ng Brgy. Pagsangahan, Quezon at San Pascual, Masbate
City.

Nang pauwi na ang mga ito kinabukasan ng madaling araw ay biglang pumalya ang makina ng kanilang
bangka.

Matapos ang limampu’t apat (54 )na oras, nailigtas din ang mga ito ng ibang mangingisda malapit sa
Brgy. Agbudia, Romblon, Romblon nitong ika-labing Isa (11) ng Oktubre

Matapos matanggap ang impormasyon, kaagad ding tinulungan ng Coast Guard Sub-Station Romblon
(CGSS) ang anim na mangingisda. Dianne Tubera para sa balitang totoo, Radyo 24

FX

Jane; Labing isang miyembro ng pinaghihinalaang Private Armed Group sa Negros Oriental ang tinutugis
ngayon ng mga awtoridad. Leonell Pacis para sa kabuuang detalye.

FX

Leonell (LOCAL); Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang Labing isa(11)pang natitirang
pinaghihinalaang miyembro ng umano’y private armed group (PAG) sa Negros Oriental.

Sa isang forum, ipinaliwanag ni Negros Oriental Police Provincial Office-election monitoring acting center
chief, Capt. Antonio de Leon, nalansag na nila ang dalawampu na pinaghihinalaang PAG sa lalawigan.

Ipinagpapatuloy daw ng awtoridad ang paghahanap sa iba pang myembro ng naturang grupo.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Brig. Gen. Joey Escanillas, commander ng 302nd Brigade ng Philippine
Army na naka-base sa Tanjay City, Negros Oriental, sa nasabi ring talakayan, pinaigting na nila umano
ang pagbabantay sa mga checkpoint at border control dahil na rin sa nalalapit na Barangay at
Sangguniang Kabataan elections (BSKE).
Binanggit ni Escanillas ang pagbabantay nila sa border ng Basay sa Negros Oriental at Hinobaan, Negros
Occidental, Mabinay sa Negros Oriental at Kabankalan sa Negros Occidental.

Tiniyak din ni Escanillas na walang makalulusot na illegal na baril at mga kahina-hinalang personalidad sa
mga nasabing lugar.Leonell Pacis para sa balitang totoo, Radyo 24

FX

Jane; Magbabalik ang balitaan matapos ang isang paalala

EMOTIONAL BACKGROUND MUSIC

INFOMERCIAL

Leonell;Wala Kang kwenta!

Dianne; Malas ka!

Lyndie; Ang panget mo!

Jenelyn; Wala Kang silbi sa Mundo!

Godwin; Bobo!

Leonell; Lampa!

Dianne; Duwag!

Lyndie; Weirdo!

Jenelyn;Ang dapat sayo mawala sa Mundo!

Jane; Umiiyak (Ayoko na!,,Ayoko na ng buhay ko,Wala akong kwenta para sa ibang tao!,Gusto ko ng
tapusin ang buhay ko)

(Godwin)Lolo; Wag!,wag apo,tandaan mo na nandito pa ako

Leonell ; Ang deskriminasyon ay ang negatibo at Hindi makatarungang pagtrato sa isang tao o grupo
dahil sa pagkakaiba ng kanilang katangian.Dahil dito maraming buhay ang nasisira.Maaari itong maging
isang dahilan ng tao para sya ay magpatiwakal.Tandaan,lahat tayo ay pantay pantay sa mata ng
Diyos.Ipalaganap natin ang pagmamahalan.

Godwin ; Ang paalalang ito ay hatid sa inyo ng DOH at ng himpilang ito.

SOUND EFFECT

Godwin ; Balik sa Balita,Kaligtasan ng mga Pinoy na naiipit sa giyera sa Israel, pinatitiyak ni Pangulong
Marcos,iuulat ni Michelle Orpilla ang karagdagang detalye

FX
Jane (Inter.); Iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na
tiyakin ang kaligtasan ng mga Pinoy sa Israel sa gitna ng giyera sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian
militant group na Hamas.

Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), inatasan din ng Pangulo ang mga ahensya na
makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Tel Aviv at sa Migrant Workers Office (MWO) sa Israel upang
hanapin ang mga Pinoy na apektado ng giyera.

Naiulat na mahigit sa dalawang daang(200) Israeli ang nasawi matapos ang biglaang pag-atake ng Hamas
sa Israel nitong Linggo ng madaling araw.

Kaugnay nito, kinondena rin ni Marcos ang naturang paglusob kasabay na rin ng pakikiramay ng Pilipinas
sa mga pamilya ng mga nasawi sa digmaan. Michelle Orpilla para sa balitang totoo, Radyo 24

FX

Godwin; (Oras,alas Onse(11) ng umaga)

Jenelyn; (Ang oras na ito ay hatid sa inyo ng himpilang ito)

BACKGROUND MUSIC Para sa SPORTS NEWS

Jane; (BAAALITANGGG SPORTSSSS!!!)

FX

Godwin ; Gilas Pilipinas, kumubra ng gold medal sa 19th Asian Games matapos manalo sa Jordan.Para sa
karagdagang detalye, Jenelyn Domasig mag-uulat.

FX

Jenelyn; Matapos ang mahigit anim na dekada, nasungkit din ng Pilipinas ang pinaka-asam-asam na
gintong medalya sa men’s basketball sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China nitong Biyernes ng gabi.Ito
ay nang dispatsahin ng National team ang Jordan, sa iskor na 70-60.

Matatandaang Huling naiuwi ng Pilipinas ang gold medal sa Asian Games noong 1962 matapos itumba
ang China.

Sa unang bugso ng laban, nakuha kaagad ng Gilas ang bentahe sa iskor 20-10, at napanatili nila ito bago
pumasok ang fourth quarter, 51-41.

Tinangka pang habulin ng Jordan ang bentahe ng Gilas Pilipinas nang ibaba nila ito sa pitong puntos sa
tulong na rin ni dating TNT import Rondae Hollis-Jefferson.

Gayunman, kumana sina Ange Kouame at Scottie Thompson upang hilahin sa sampu, 60-50, ang abante
ng koponan.

Nag-ambag pa si Kouame ng isang putback mula sa mintis ni Chris Newsome dahilan para umangat sa
64-55 ang iskor, 1:44 na lang sa regulation period hanggang sa maiuwi nila ang panalo.. Jenelyn Domasig
para sa Balitang sports,balitang totoo, Radyo 24

FX
Background Music para Showbiz Balita

Jenelyn (Chika na!!!)

Jane ; French-pinay golfer na si Emilienne Vigier., nilantad na ang relasyon nila ni Joshua Garcia, Lyndie
Nantes para sa karagdagang chika

Lyndie(Showbiz); Out of the bag na kumbaga ang relasyon ng Kapamilya actor Joshua Garcia and French-
Filipino golfer Emilienne Vigier.

Mismong ang Pinay golfer ang naglantad sa mga ebidensya na officially on sila.

Binati nito sa kanyang 26th birthday ang actor sa pamamagitan ng kanilang sweet moments na uploaded
sa kanyang IG story.

Matagal na ang sinasabing relasyon nila pero wala ngang official statement si Joshua dahil gusto raw
niyang maging private ang kanyang relasyon sa French-Pinay golfer… Lyndie Nantes para sa Balitang
showbiz,balitang totoo, Radyo 24

INTRO SOUND

Godwin; Mula sa buong pwersa ng DYNE, Yan po Ang mga Balita sa mga oras na ito.

Ako si Godwin Aspric

At ako naman si Jane Michelle Morales

Godwin ; Muli,Ito ang Radyo 24,hatid ay Serbisyong totoo

Jane ;Maraming salamat sa inyong pagsubaybay

Godwin and Jane; Magandang Araw

Sound effect

You might also like