You are on page 1of 4

BKTN 971

Scriptwriting and Broadcasting

February 27 ,2023

Anchor 1: Jilliane Galario

Anchor 2: Kyla Charisse Valdez

Local News Presenter: Hersen Nolasco

National News Presenter:Kate Dumlao

Showbiz News: Levy Utleg

Sports Reporter: Shaira Cabacungan

Technical Application: Anthony Cabitla

Infomercial: Hazel Dela Cruz

Station Id:

BKTN NUEBE SYETE UNO


Mata ng bayan,
Boses ng lahat,
Kami ay maghahatid,
ng balita sa inyo.

Kung kayo ay naghahanap ng katotohanan,


BAKIT NEWS Inyong gabay,
BKTN NUEBE SYETE UNO

All: Ito ang BKTN 971! Mata ng bayan, boses ng katotohanan.

KJ: Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan, Ito ang BKTN 971

Anchor 1: Mga kaganapang nakalap sa loob at labas ng bansa.

Anchor 2: Mga isyung tinututukan.

Voice Over: BKTN 971!

Sa loob ng limang minuto, mag hahatid ng balitang sik-sik, sulit na sulit. Sa BKTN 971,
Ito ang BAKIT NEWS!
Anchor 2: Ang oras natin ngayon ay alas dos, araw ng Lunes, Dalawang pu’t pito ng
Pebrero taong dalawang libo dalawang pu’t tatlo.

Anchor 1: Isang Mapagpalang Tanghali Pilipinas!

Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay, Kyla Valdez

Anchor 1: At inyong kaagapay,Jilliane Galario

Anchor 1&2: At kayo’y nakikinig sa….BAKIT NEWS!

Anchor 2:: Para sa ulo ng nag babagang balita.

Anchor 1: Tan-ok Naganap na!

Voice Over: BKTN 971

Anchor 2: Para sa mga detalye

(Continue ng Background sound)

Anchor 1: Ngayong taon pinagdiriwang ng probinsiya ng Ilocos Norte ang 205 th


Founding Anniversary nito.

Anchor 2: Isa sa inaabangan sa pagdiriwang na ito ay ang Tan ok na Ilokano. Para sa


detalye ng selebrasyon , nandito si Hersen Nolasco.

News Presenter: Naging espesyal ang buwan ng Pebrero para sa mga residente at
bisita sa lalawigan ng Ilocos Norte dahil nasiyahan sila sa mga aktibidad sa pagsasaya
na may tatlong magkakahiwalay na bakasyon. Isa sa mga highlight ng foundation
anniversary ay ang inaabangang cultural dance competition na Tan-ok ni Ilokano
(Greatness of the Ilokano) Festival of Festivals sa Pebrero 24 sa Ilocos Norte. Naguulat,
Hersen Nolasco. Balik sayo, Jillane.

Anchor 1: Salamat Hersen

Anchor 2: Cessna plane, natagpuan na !

Voice Over: BKTN 971

Anchor 1: Para sa mga detalye. Nandito si Kate Dumlao

News Presenter: Cessna Plane na nawawala, natagpuan na! Nakita na malapit sa


crater ng Bulkang Mayon ang posibleng bahagi ng Cessna 340 plane na nawala ,
kamakalawa sa Albay. Natagpuan ang debris ng aircraft sa taas na 350 meter mula sa
bunganga ng bulkan. Wasak at hiwa-hiwalay ang ilang bahagi ng eroplano . Hindi pa
matukoy kung buhay o patay ang mga sakay nito kabilang na sina Pilot Capt. Rufino
James T. Crisostomo Jr., at Mechanic Joel G. Martin. Nagbabalita Kate Bumlao. Balik
sayo Jilliane.

Anchor 1: Salamat Kate, Para sa isang paalala, Mag babalik po ang

Anchor 1&2: BAKIT NEWS

Infomercial: Makukulay, Malalapad na pakpak na tila malalaking abaniko, Ang kanilang


anyo at kilos ay talaga namang attraction sa mga tao dahil sa pagiging grandiyoso nito.

Alam niyo ba na Peacock ang tawag kung lalake ang ibon. Ito yung mga may
mahahaba at makukulay na balahibo sa pwuitan. Peahen naman kung babae, kung
saan hindi gaano kaaya-aya ang itsura kung ikukumpara sa mga lalake. Pag sinama
sila tinatawag na ngayon na Peafowl na karaniwan kilala natin sa tawag na Peacock.

(Pasok ng bagong kanta)

Anchor: Kayo’y patuloy na nakikinig sa …

Anchor 1&2: BAKIT NEWS

Anchor 2: Para naman sa balitang showbiz.

Anchor 1: Levy Utleg, ano ang chika?

News Reporter: Hey Hey Hey, Levy here!


Para sa balitang Showbiz, Michelle Dee sasabak ulit!
Gaya ng kaniyang hashtag noon na "#DeePaTapos," 'tuloy ang pageant journey ni
Michelle Dee na planong sumabak muli sa Miss Universe Philippines. Ibinahagi ng
Kapuso actress and beauty queen na muli siyang nag-apply upang sumali sa naturang
kompetisyon.
Nagpakita naman ng suporta kay Michelle ang kaniyang best friend at house mate na si
Rhian Ramos. Saad ni Michelle sa caption ng larawan na naka-post sa Instagram, “If
not now then when?” Nag uulat, Levy Utleg.

Anchor 2: Salamat, Levy. Para naman sa ating balitang isports, iuulat ni Shaira
Cabacungan.

Sports Presenter: Makaganti kaya ang Gilas Pilipinas laban sa Lebanon sa final window ng
FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan
sa Pebrero 24 ng gabi?
Ito ay dahil ibabandera ng Philippine team si naturalized player Justin Brownlee na
magsisilbing kapalit ni NBA star Jordan Clarkson. Bukod sa Lebanon, sasagupain din
ng Philippine team ang Jordan sa nasabi ring venue at kaparehong oras sa Pebrero
dalawang put pito, taong dalawang libo dalawang pu’t tatlo. Shaira Cabacungan,
naguulat.

Voice Over: BKTN 971! Mata ng bayan, boses ng katotohanan. BKTN 971

Anchor 2: Iyan po ang limang minutong pagbabalita mula sa istasyong di lamang


naghahatid ng balitang sariwa kundi balitang tumatatak din sa inyong puso at diwa.

Anchor 1: Ito ang inyong tagapagbantay, Jillian Galario

Anchor 2: At lagi nyong kaagapay, Kyla Valdez

Anchor 1: Balitang tapat.

Anchor 2: Balitang Sapat .

Anchor 1&2: Lahat ilalantad, Sa inyo’y nararapat

BAKIT NEWS

Voice Over: BKTN 971! (id station)

You might also like