You are on page 1of 3

#1

Panuto: Lagyan ng ulo ng balita.

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas na ang


tatlo sa 13 Pinoy crew na pinaghahanap matapos na lumubog ang kanilang sinasakyang barkong
pangisda sa Bering Sea sa Korea noong Lunes.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, kinilala ang mga nasagip na sina Rowell
Aljecera, 30; Teddy Paranque Jr, 31 at Micol Sabay, 39 na kasalukuyang lulan ng dalawang
magkahiwalay na Russian ships.

Ani Jose, si Aljecera ay nakasakay sa barkong Zalive Zabiyaka habang si Saya at Paranque ay
lulan ng Karoina-77 trawler matapos na ma-rescue.

Itinawag umano ng Russian Foreign Ministry sa Embahada sa Moscow ang pagkakasagip sa


tatlong Pinoy na binibigyan na ng atensyong medikal.

Tiniyak noong Martes ni South Korean Foreign Minister Yun Byung-se kay Foreign Affairs
Secretary Albert del Rosario na ginagawa na ang lahat ng Korean government na mahanap ang
mga nawawalang Pinoy.

Bukod sa 13 Pinoy na sakay ng naturang barkong pangisda, lulan din ng barko ang 36
Indonesians, 11 South Koreans at isang Russian inspector.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ang nasabing barko ay tumungo sa Bering Sea upang mangisda ng isdang pollock, isang
“marine delicacy” sa Korea.

#2
Panuto: Lagyan ng ulo ng balita.

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang Sultan Kudarat ngayong Martes
ng hapon, ayon sa state volcanology.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng lindol sa
timog-kanlurang bahagi ng bayan ng Kalamansig kaninang 1:11 p.m.

May lalim na 619 kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity II sa Bislig City, ayon pa sa Phivolcs.

Wala namang naitalang nasugatan sa pagyanig, ngunit nagbabala ang ahensya sa maaaring
aftershocks na maranasan.
#3

Panuto: Lagyan ng ulo ng balita.

MANILA, Philippines – Limang nakaligtas sa malakas na lindol sa Bohol nitong nakaraang taon
ang napiling makasalo sa tanghalian ng Santo Papa, ayon sa isang opisyal ng simbahang
Katolika.

Sinabi ni Reverend Father Felix Warli Salise, director ng Diocese of Tagbiliran-Social Action
Center, na sila mismo ng mga kura paroko ang namili ng mga makakasalo ng Santo Papa sa
kanyang pagbisita sa bansa sa Enero.

Dagdag niya na ibabahagi ng mga survivor sa Santo Papa ang kanilang naranasan nang yumanig
ang 7.2 magnitude na lindol na ikinasawi ng daan-daang katao.

"Yung... experience niya like yung malapit na mamamatay, naputulan ng paa, naputulan ng
kamay. Yun isa, siya na lang naiwan lahat patay. Yung mga ganun," paliwanag ni Fr. Salise sa
Radyo Veritas kung ano ang ibabahagi ng mga survivor.

Sinabi pa ni Salise na hindi nila pangangalanan ang mga survivor para narin aniya sa kaligtasan
nila.

Bukod sa mga survivor ng lindol, 20 survivor din ng supertyphoon Yolanda ang makakasalo ng
Santo Papa sa Enero 17, 2015.

#4

Panuto: Lagyan ng ulo ng balita.

MANILA, Philippines – Sumama na rin si Mexican boxer Juan Manuel Marquez sa mga
nananawagan na maituloy na ang bakbakang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

"As a fan, I think the fight should be done and stop the bickering, and the talk of who wants to
earn more than the other, and vice versa,” wika ni Marquez kay Salvador Rodriguez ng ESPN.

“The most important thing here is that the fight should be done and stop this nonsense talking
and give the fans what they want and make it clear who is who.”

Parehong nakalaban ni Marquez sina Mayweather at Pacquiao kaya naman may ideya siya kung
sino ang mas matikas.

"For me, Mayweather is not a puncher. He's best in defense, and he's very fast. That's what hurts
Pacquiao. He handles punches very well and has a good timing, which are important and can be
very harmful to Pacquiao's weapon," paliwanag ng Mexican boxer.
Sinabi pa ni Marquez na walang dapat ikabahala si Mayweather dahil mananaig naman siya
kontra kay Pacquiao.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

"He (Floyd) would win not by knockout but on points, but he would need to see the speed and
power of Pacquiao. Although we know that defensively Mayweather is the best in the world, he
is listed as the best pound for pound.”

#5

Panuto: Lagyan ng ulo ng balita.

MANILA, Philippines – Kinubra kahapon ng isang 44-anyos na security guard sa Philippine


Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang tinamaang P19.5 milyon premyo sa 6/42 draw.

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II tinamaan ng security guard ang
kombinasyong 14-19-23-29-30-34 na binola noong Nobyembre 27.

Halagang P20 lamang ang ginastos ng bagong milyonaryo nang tumaya gamit ang “random
pick.”

Balak bumili ng bahay at lupa ng security guard sa napanalunang pera, habang ang matitira ay
ilalaan para sa kinabukasan ng tatlong anak.

Nais rin ng security guard na magnegosyo at ibahagi ang biyaya sa charity.

Mts/12-04-2014

You might also like