You are on page 1of 2

PAGSULAT NG BALITA- ELEMENTARY Panuto: Sumulat ng balita batay sa mga datos sa ibaba.

Gaganapin sa Disyembre 1 ang 2013 Alay Lakad sa Lungsod ng Bacolod Ito ay pangungunahan ni G. Harish Nandwani na siyang itinalagang chairman ng 2013 Alay Lakad Si Nandwani ay ang pangulo ng Rotary Club of Bacolod North at Lingkod E.R. Foundation, Negros occidental, Inc. Layunin ng gawaing ito na makapagbigay ng mga scholarship program sa mga mahihirap ngunit matatalinong estudyante sa kolehiyo May anim na lugar kung saan magsisimula ang 2013 Alay Lakad sa Bacolod. Ito ay ang mga sumusunod: o Bacolod City National High School na pangungunahan ni Mayor Monico Puentevella o Goldenfield Commercial Complex na pangungunahan ni Vice-Mayor Greg Gasatays o West Negros University na pangungunahan ni Cong. Evelio Leonardia o Provincial Capitol Lagoon na pangungunahan ni Gov. Alfredo Maraon Jr. o Robinsons Place Bacolod para sa mga runners o Ayala North Point para sa mga bikers Ang taunang Alay Lakad ay pinangungunahan ng ibat ibang organisasyon gaya ng JCI Philippines, Rotary Club of Bacolod, Lions Club of Bacolod at Kiwanis Club. Ang 2012 Alay Lakad ay pinamunuan ni Pacifico Maghari III ng JCI Philippines Binati naman ni Mayor Monico Puentevella ang Indian Community sa matagumpay na pagtatanghal ng Diwali Festival at pinasasalamatan din niya ang mga ito para sa mga donasyong ibinigay sa mga biktima ng 7.2 magnitude na lindol sa Bohol at mga biktima ng bagyong Yolanda. Si Harish Nandwani ay isang Indian National. Nananawagan siya sa publiko ng kooperasyon para sa Alay Lakad 2013.

PAGSULAT NG BALITA- ELEMENTARY Panuto: Sumulat ng balita batay sa mga datos sa ibaba.

Anim na kabahayan ang natupok ng apoy Ito ay naganap sa 18th-Lacson Sts., Bacolod City noong Sabado Tinatayang P 200,000 ang kabuuang halaga ng mga kagamitang nasunog Dalawa ang patay at 5 ang nasugatan sa nangyaring sunog Ang mga namatay ay sina Bernabe Arsenia, 58 taong gulang at ang pinsan nitong si Conrado Arsenia, 76 taong gulang Si Fire Officer 2 Mark Stephen Trajeras ang nag-iimbestiga sa pangyayari Hindi nakalabas agad ng bahay si Conrado Arsenia dahil sa sakit nitong arthritis kung kayat sumaklolo ang pinsan nitong si Bernabe hanggang hindi na sila nakalabas dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy. Ayon kay Trajeras, dakong alas 10:05 ng umaga nang makatanggap sila ng twag mula sa isang Maria Jimenez Limang fire trucks ang rumespunde kaagad sa naturang sunog Ang mga may-ari ng mga kabahayan ay sina Alfonso Lobaton, mary Rose arsenia, Paul John arsenia, Izmael arsenia, Ezias Sayson at Maria Jimenez Naapula ang sunog mga alas 10:36 ng umaga Ayon sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa bahay ni Maria Jimenez dahil sa faulty electrical wiring Ang mga bahay ay gawa lamang sa mga light materials at ang sunog ay umabot sa 1st alarm status. Nabigyan naman kaagad ng relief goods at iba pang mga gamit ang mga nasunugan at pansamantalang nananatili sa covered court ng barangay Si Mayor Monico Puentevella at taga DSWD ang namigay ng relief goods.

You might also like