You are on page 1of 4

DSPC

TRAINING
Dagdag bonus handog ni PNoy

“Ako naman po ay may bitbit sa inyong kaunting good news. Sa pagkakatanda ko, meron kayong
authority na magbigay ng bonus na tatlong libo.”, wika ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
“Kaya sa sipag naman po ni Executive Secretary, binuo nah o natin yung tatlo, dagdagan pa natin ng
pito, gawin na nating sampu.”

Dumalo si Pangulong Aquino sa ika-40 taong anibersayo ng National Housing Authority (NHA) na
isinagawa noong ika-15 ng Oktubre 2015. Pinagusapan niya ang kanyang pinapaplanong
pagdadagdag ng bonus para sa NHA.

Sinigurado ni PNoy na madaling pirmahan ang dokumentong nagsasaad ng makabagong bonus sa


halip na ipapangako ng mga bumubuo sa ahensiya na ipagpapatuloy nila ang kanilang mga gawain.

Sa paggunita ng anibersaryo ng ahensiya, ipinagdiriwang din ang kanilang papel sa bayan. 1.35
milyon ang naibigay na permanent housing at housing assistance ng NHA mula naitatag ito.

Si Chito Cruz ang isa sa mga taong nabanggit at pinuri ni Pangulong Aquino. Siya ang
kasalukuyang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) na dating
general manager ng NHA.

“Kapag nag-commit po ‘yan ng target, hindi lang on-time, ahead of schedule pa… Kaya nga ho,
tuwing ka-meeting ko ang NHA, talagang hindi nangangasim ang sikmura ko.”, sabi ni Noynoy
tungkol kay Cruz.

Binigyang pansin din ng pangulo na ang NHA ay nakapag-award ng halos 500,000 mula Hunyo
2010 hanggang Agosto 2015 sa ilalim ng kanyang administrasyon.

TIME DURATION: 1;07;00


BOC, DOF may tanong tungkol sa mga produktong metal

Nagrereklamo ang mga lokal na manufacturer ng mga produktong bakal mula sa Cebu laban sa
mga smuggled finished metal products.

Itong mga finished metal products ay binebenta ng mas mababang halaga kaysa sa mga scrap
metals na naging sanhi ng pagtataka ng mga tagagawa.

Mula sa Philippine Iron and Steel Institute at Galvanized Iron Wire Manufacturing Association at
ipinarating kina Department of Finance (DOF) Sec. Cesar Purisima at Bureau of Customs (BOC)
Commissioner Ruffy Biazon ang mga katanungan.

Isa sa mga inirereklamo ay ang kumpanyang naka-base sa Mandaue na mayroong maliit na steel
rolling plant. Sila ang pangunahing nag-aangkat ng finished steel products at ibinebenta sa mga
hardware stores.

“Kung seryoso ang BOC na sawatain ang technical smuggling, madali lang, kung mahigpit nilang i-
enforce ang Valuation Procedure o kaya dapat i-cross reference yan sa Metal Bulletin Weekly, Steel
Business Briefing of London o MySteel ng China kung saan makikita ang tamang presyo ng bakal o
metal,” ayon sa tagapagsalita ng mga nagrereklamo.

Ang ginagamit na “transaction value method” ay naging paliwanag ng Cebu Customs. Ito ay para
malaman ang buwis at taripa sa mga imported products. Sa sistemang ito, dokumento lamang ng
shipment na nakalagay ang presyo at notoryado sa pinanggalingan ng produkto ang kailangan.

TIME DURATION: 1:02:54

You might also like