C4M2
Scriptwriting and Broadcasting
Febuary 21, 2023
Station ID: C4M2! Mata ng bayan, boses ng katotohanan.
C4M2, seis seis sa palapihitan ng inyong mga radio
Anchor 1: Cerge Perualila
Anchor 2: Clarisse Subong
News Presenter: Mary Gilo
Sports Reporter: Cleah Margarico
Scriptwriter: Cerge Perualila
Technical Application: Arnold Micheal Dedase
Infomercial: Clowie Lyn Porras
(Sound effects malakas)
Voice {Micheal}: Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan, Ito ang C4M2!
Anchor 1 {Cerge}: Mga kaganapang nakalap sa loob at labas ng bansa.
Anchor 2 {Clar} : Mga isyung tinututukan.
Voice: Kasanga Seis!
Sa loob ng limang minuto, mag hahatid ng balitang sik-sik, sulit na sulit. Sa Kasanga Seis, Narito
ang
balitang pang umaga.
Ito ang Kasanga Seis Balita!
(Sounds TING)
Anchor 2 {Clar}: Ang oras natin ngayon ay ______ minuto makalipas ang alas ______ ng ______ , araw
ng Martes , dalawampu't isa ng Pebrero taong dalawáng libó’t dalawáng pû’t tatló
(Sounds magpapalit)
(Background music lively)
Anchor 1 {Cerge}: Isang Mapagpalang umaga Pilipinas!
Anchor 2 {Clar}: Ito ang inyong tagapagbantay, Clarisse Subong
Anchor 1 {Cerge}: At inyong kaagapay, Cerge Perualila
Anchor 1&2 {Clar and Cerge}: At kayo’y nakikinig sa….
Kasangga Seis Balita!
(Sound lalakas)
Voice {Micheal}: Para sa ulo ng nag babagang balita.
Anchor 1 {Cerge}: Magkapatid na nahaharap sa kasong rape, arestado sa Pasay City
Voice {Micheal}: KASANGGA SEIS BALITA
Anchor 2 {Clarisse}: 5-M KABATAAN SA UKRAINE, BIGO NANG MAKAPAG-ARAL DAHIL SA GIYERA VS
RUSSIA
Voice {Micheal}: KASANGGA SEIS BALITA
(dagling pagputol ng kanta)
Anchor 2 {Clarisse}: Para sa mga detalye
(Continue ng Background sound)
Anchor 1 {Cerge}: Inaresto ng mga miyembro ng Pasay City Police Warrant and Subpoena Section (WSS)
ang dalawang magkapatid na nahaharap sa kasong panggagahasa sa follow-up operation noong
Biyernes, Pebrero 17.
Ayon kay Kernel Froilan Uy, hepe ng pulisya ng lungsod, kinilala ang mga suspek na sina Leo,19, at alyas
Ben, 17, na nakalista bilang Top 9 at Top 10 wanted person sa police gallery para sa buwan ng Pebrero.
Sinabi ni Uy na naaresto ang mga suspek dakong 12:20 sa Malibay Barangay 164, Pasay City.
Aniya, ipinag-utos ni Judge Jehan Batua-Sampao-Hassiman ng Pasay City Regional Trial Court (RTC)
Branch 11 ang pag-aresto sa mga suspek noong Nobyembre 23, 2022.
Sinabi ng hepe ng pulisya ng lungsod na ang dalawang suspek ay nahaharap sa mga kasong sexual
assault na may inirekomendang piyansa na P200,000 bawat isa.
Anchor 2 {Clarisse}: Pumalo na sa 5-M kabataan ang hindi na nakakapag-aral sa Ukraine dahil sa giyera
nito at ng Russia.
Sinabi ng United Nations International Children’s Education Fund (UNICEF) na nagdulot ng mas
matinding kawalan ng kaalaman ang 11 buwan na giyera sa pagitan ng dalawang bansa. Nabatid na
nagsimula ang education crisis sa Ukraine noong kasagsagan ng pandemya noong natigil na ang kanilang
pag-aaral.
(Sounds Malakas mag papalit)
Anchor 1 {Cerge}: Toll tumaas sa higit sa 44,000 pagkatapos ng Turkey-Syria lindol
News Presenter {Mary}: ANTAKYA, Turkey – Umakyat sa mahigit 44,000 ang bilang ng mga nasawi
noong Sabado dahil sa mapangwasak na lindol sa Turkey at Syria kung saan natagpuan din ang bangkay
ng dating Ghana international footballer na si Christian Atsu sa ilalim ng gumuhong gusali sa Antakya.
Ang bilang ng mga taong natagpuang buhay sa ilalim ng mga durog na bato ay bumaba sa iilan lamang
nitong mga nakaraang araw at ang pinuno ng disaster agency ng Turkey na si Yunus Sezer, ay nagsabi na
ang mga rescue operation ay 'matatapos' sa Linggo ng gabi.
Ang ahensya ng balita ng estado na Anadolu ay unang nag-ulat noong Sabado na tatlong tao ang
natagpuang buhay halos dalawang linggo matapos ang 7.8-magnitude na lindol noong Pebrero 6. Ngunit
ang ahensya sa kalaunan ay iniulat na isa sa kanila, isang 12-taong-gulang, ay namatay.
Ang mga larawan sa Anadolu ay nagpakita sa mga rescuer na inilagay ang isang lalaki at isang babae sa
mga stretcher matapos ang mag-asawa at isang bata ay gumugol ng 296 oras sa ilalim ng mga durog na
bato sa timog-silangang Turkish city ng Antakya.
Kalaunan ay iniulat ng ahensya na tatlo sa kanilang mga anak ang namatay kabilang ang 12-taong-
gulang.
Ibinahagi ni Turkish Health Minister Fahrettin Koca ang isang video ng 40-taong-gulang na ina sa isang
field hospital na nagpapagamot. 'She is conscious,' tweet niya.
Sinabi ng mga koresponden ng AFP na ang mga rescuer mula sa Kyrgyzstan ay nagpatuloy sa
pagtatrabaho sa Antakya na may pag-asang makahanap ng mas maraming tao na nabunot nang buhay
pagkatapos ng mga thermal test na nagpakita ng mga palatandaan ng buhay.
Hinatak ng mga koponan noong Biyernes ang apat na tao na buhay mula sa mga guho, kabilang ang
isang 45-anyos na lalaki at isang 14-anyos na lalaki, sa nakapalibot na lalawigan ng Hatay.
Anchor 1 {Cerge}: Salamat Mary, Para sa isang paalala, Mag babalik po ang
Anchor 1&2 {Clar and Cerge}: Kasanga Seis Balita!
(Sandaling pag putol ng sounds)
(Bagong Sound effects)
Infomercial {Clowie}: Akala ko ba mahalaga ako sayo ? Eh bakit hindi mo pinaparamdam? Tubig
lang ako,
nababawasan, nauubos din.
Ikaw na nga ang nag sabi walang forever, kaya pag hindi mo ko tinipid, iningatan at
pinahalagahan mawawala ako sayo at kahit ikaw mawawala dito sa mundo. kaya
mahalin mo ang isang hamak na tubig na gaya ko.
Panahon na naman ng El niño. Panahon na naman para mas magtipid at gamitin ng
wasto ang tubig.
Ito ay mahalagang paalala mula sa Maynilad at Manila water
(Malakas na pasok ng kanta Papahina)
(Pasok ng bagong kanta)
Anchor: Kayo’y patuloy na nakikinig sa …
Anchor 1&2: Kasangga Seis Balita!
(Sounds-Mag papalit)
Anchor 1 {Cerge}: Para naman sa ating balitang isports,Mula sa Passi, Kasangga Cleah , Ibahagi mo.
Sports Presenter {Cleah}: Pasok sa sa PBA All-Star teams bilang captains ang Ginebra teammates na sina
Japeth Aguilar at Scottie Thompson na gaganapin sa Passi City, Iloilo sa March 12.
Ito ay makaraang mangunguna sina Aguilarm na may 1,239,665 fan votes, habang si Thompson ay
pumangalawa matapos makakuha ng 1,217,226 boto sa season-ending showcase na magbabalik
pagkatapos ng tatlong bunsod ng pandemya., Naguulat.
Magiging magkalaban ang dalawa sa All-Star Game at may pagkakataon sila mag-draft ng players sa
Lunes upang mabuo ang kanilang team.
Bukod kina Aguilar at Thompson, pinagpilian rin ang six-time Most Valuable Player June Mar Fajardo na
pumangatlo sa botohan at iba pang manlalaro ng Ginebra na sina Jamie Malonzoat Christian
Standhardinger.
Pang-anim naman sa All-Star voting ang nagbabalik na si James Yap, habang sina LA Tenorio, Calvin
Abueva, Mark Barroca at Stanley Pringle ay kasali sa Top 10.
Kasali rin sa All-Star Game sina CJ Perez, Paul Lee, Jayson Castro, Gian Mamuyac, Jeremiah Gray,
Terence Romeo, Robert Bolick, Marcio Lassiter, Arvin Tolentino, Roger Pogoy, Kevin Alas, Chris
Newsome, Nards Pinto, at Mikey Williams.
(Sound lalakas)
Voice {Micheal}: Tagapagbantay ng bayan! Kasangga Seis Balita!
Anchor 1 {Cerge}: Iyan po ang limang minutong pagbabalita mula sa istasyong di lamang naghahatid ng
balitang sariwa kundi balitang tumatatak din sa inyong puso at diwa.
Anchor 2 {Clar}: Ito ang inyong tagapagbantay, Clarisse Subong
Anchor 1 {Cerge}: At lagi nyong kaagapay, Cerge Perualila
Anchor 2 {Clar}: Balitang tapat.
Anchor 1 {Cerge}: Balitang Sapat .
Anchor 1&2 {Cerge and Clar}: Lahat ilalantad, Sa inyo’y nararapat
Kasangga Seis Balita!
Voice {Micheal}: C4M2! Mata ng bayan, boses ng katotohanan.
C4M2, seis seis sa palapihitan ng inyong mga radio
(Magkasanga Ending song ni Cleyaur)
Lyrics:
Kasangga tunay na Lakas
Hindi magpapatalo hindi susuko
Tagapagtanggol ng sambayanan
Mahirap ka man o Mayaman
Sabay Sabay na lumalaban
Magkaisa at magtulungan
Umulan man o umaraw
Kung para sa bayan
Handang protektahan
Maging sino ka man
Kasangga tunay na maasahan
Hindi lang sa bayan pati mamayan
Makadiyos, Makabayan, Makatao
At Makakalikasan
Oooo~