You are on page 1of 2

FIlipino Article

Ian Calipon (anchor 1)


Chelsea Santisas (anchor 2)
Kert Tidalgo (Field reporter 1)
Nica Laurente (Field reporter 2)
Rodulfo Dedicatoria (Infomercial)
Cody Cabañelis (Infomercial)
Kier Remolisan (Timekeeper)

Ian: DZBB 99.9

(JINGLE)
Chelsea: Subok na sa bagong balita handog ng aming serbisyong tapat mula sa dzbb
Ian and Chelsea: Balitang DZBB 99.9 sa inyong mga radyo
Ian: Radyo express Balita

(Music)
Ian: Magandang hapon, pilipinas ako si Ian Jay Calipon
Chelsea: At Ako naman si Chelsea Santisas
Ian and Chelsea: Nandito na ang mga nagbabagang balita at mga balitang walang halong
kasinungalingan.

Chelsea: Patuloy na krisis sa Gaza; Tunggalian, Kahirapan, Emerhersiyang Humanitaryo

Ian: Resort sa Chocolate hills sa bohol, nag-viral

Chelsea: Pagbabalik ng lumang Academic Calendar

Ian: Matanda sa Tandag City, sinasagasaan

(Music)

Chelsea: krisis sa Gaza, lumala noong 2023 nung ang mga militanteng grupo ng Palestinian ang
naglunsod ng pag-atake sa Israel. Ang digmaan ng Gaza ay sinundan ng iba't-ibang kadahilanan na
nagdulot ng malaking epekto sa mga residente ng lugar. Bilang karagdahan, humigit 14,000 ang
nawalan ng buhay dahil sa pagsasalakay ng militar sa Israel. Ito'y isang humanitaryong emergency na
nangangailang ng global community na pagsikapang ibalik ang kapayapaan ng rehiyon.

(Music)

Ian: Hindi ikinagalak ng mga netizens ang resort na itinayo sa Chocolate hills sa Bohol dahil meron
itong mga waterslides, cottages, at swimming pools na ikinagalit Ng mga netizens dahil sinisira nito
ang makapigil-hiningang tanawin ng landmark. Itinayo ito noong taong 2019 sa sagbayan, Bohol.
Ipinatayo ito ni Edgar Buton. Ayon sa Department of Environmental Natural Resources ay isinara nila
ito nang pansamantala noong Setyembre 6, 2023 at nagkaroon ng abiso ng paglabag dahil sa
pagpapatakbo ng walang Environmental Compliant Certificate. Sa ngayon, ang park na ito ay
nakasarado hanggang sa malutasan nila ang problemang 'to.

Kert: Inanunsiyo ng Department of Education (Deped) ang dahan dahang pay babalik ng klase sa
lumang academic calendar kung saan ang klase ay magsisimula sa Hulyo at ang school break ay mula
Abril hanggang Mayo. Matatandaang lumabas sa survey ng Alliance of Concerned Teachers noong
2023 na 67% ng mga guro ang nakaranas ng "intolerable heat" sa silid aralan tuwing Marso, bagay na
panahon na ng tag-init. Aniya ay nakakapekto rin daw ito sa pagbaba ng atensyon ng mga
estudyante at ang pagdalas din ng estudyanting lumiliban. Opisyal ng sisimulan year 2024-2025 ang
gradual transition sa academic kung saan nagbubukas ang klase sa Hulyo 29 at mututapos sa Mayo
16, 2025.

Chelsea at Ian: At magbabalik ang DZBB 99.9 pagkatapos ng isang mahalagang paalala

(Infomercial)

Cody: Rodrod, ehersisyo kaba?

Rodrod: Bakit?

Cody: Kasi napapanatili mo ang kalusugan ng puso ko.

Rodrod: Kainin na nga natin ang niluto mong gulay at para makatulog na tayo ng maaga

Cody: Ang aga pa naman ah, bakit?

Rodrod: Para tayo ay maging masustansiya gaya ng ating pagsasamahan

(Music): Yoyoyoyoyoyoyo

Rodrod at Cody: Mahalagang paalala mula sa istasyon ng DZBB 99.9 "Buhay na malusog ang susi sa
maayos na pamumuhay"

[Music]
Ian: At nagbabalik ang DZBB 99.9 sa inyong mga radyo

Nica: Isang trahedya ang naganap sa National Highway


ng brgy.Mabua sa Tandag City.Nasagasaan ng mga
Suspek na bumangga at sumibat sa isang matanda.
Sa pahayag ni Gov.Ayec T. Pimentel inaayayahan ang
Lahat na mag bigay ng impormasyon na nakakatulong
sa pagtukoy at pag-aaresto sa mga responsable.Ihinayag ng gobernador na handa siyang
magbigay ng 20,000 sa sinumang makakatulong sa paghuli ng mga suspek

[Music]
Chelsea: At diyan nagtatapos ang paghahatid ng mga balitang walang pinoprotektahan at
mapagkakatiwalaan

Ian: Ako si Ian Jay Calipon


Chelsea: Ako naman si Chelsea Santisas
Ian and chelsea : At Magandang hapon, pilipinas

You might also like