You are on page 1of 1

8 percent paglago ng ekonomiya maaabot – Marcos

Mar 21, 2024

Tiwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kayang maabot ng bansa ang 8% na


paglago ng ekonomiya sa loob ng anim na taon ng kanyang panunungkulan.

Sa isang panayam sa Bloomberg television, sinabi ni Pangulong Marcos na maaari


itong mangyari basta may nakahandang plano para ito makamit.

Iginiit pa ng Pangulo na karamihan sa polisiya ng kanyang administrasyon ay para


sa paglago ng bansa.

Aminado naman ang Presidente na problema pa rin ng bansa ang inflation o bilis
ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo subalit ginagawa naman ng
pamahalaan ang lahat para maibsan ang epekto nito.

Ilan lamang anya sa mga hakbang nila ay upskilling at right skilling sa mga
manggagawa para maitaas ang antas ng kapabilidad ng mga manggagawang
filipino sa gitna ng pagsulpot ng mga bagong teknolohiya at ang kailangan lang
anya ay mag adjust habang itina-transform ang ekonomiya.

Nauna nang sinabi na rin ni World Economic Forum (WEF) President Borg
Brende na ang mga hakbang o repormang pang ekonomiya ng Pilipinas ay malaki
ang magagawa para mapasigla pa ang mga mamumuhunan na mga dayuhang
negosyante sa bansa.

You might also like