You are on page 1of 5

Inflation Rate sa Bansa

CHAPTER I

Introduksyon

Ang pagtaas sa pangkalahatang antas ng mga presyo ng mga kalakal(goods) at mga

serbisyo sa isang ekonomiya sa loob ng periodo ng panahon. Kung ang pangkalahatang

antas ng presyo ay tumataas, ang bawat unit ng salapi ay makakabili ng mas kaunting

mga kalakal(gaya ng mga produkto) at mga serbisyo. Dahil dito, ang inplasyon ay isa

ring repleksiyon ng pagguho ng kakayahang pagbili ng pera na isang kawalan ng real sa

halaga sa panloob na kasangkapan ng pagpapalit at unit ng kahalagan sa ekonomiya.

Ang pangunahing sukatan ng inplasyon ang antas ng inplasyon na

taunang persentaheng pagbabago sa pangkalahatang indeks ng presyo(na normal

na indeks ng presyo ng mamimili) sa paglipas ng panahon. Ang inplasyon ay salamin ng

pagtaas ng mga presyo sa pamilihan na nagiging dahilan upang harapin ng pamahalaan

ang suliranin na nagbunsod sa mataas na presyo. Sa madaling salita, ito ang pagtaas ng

halaga ng bilihin na dinudulot ng dami ng nakakalat na pera.Ito ay nagaganap kapag ang

pagnanais ng bawat sektor ng ekonomiya, sambahayan, kompanya o pamahalaan na

makabili ng produkto at serbisyo na mas marami sa isusuplay o ipoprodyus ng pamilihan.

Ito ang kalagayan na mas labis ang aggregate demand kaysa aggregate supply.
Layunin

 Tukuyin ang mga dahilan at mga epekto ng pag taas ng iflation rate sa bansa; alamin

ang maaring solusyon upang maiwasan ang pagtaas ng inflation rate sa bansa.

Kahalagahan ng pag aaral

Ang pag aaral na ito ay kapaki- pakinabang sa mga sumusunod:

 Estudyante

- para magkaroon sila ng kaalaman patunkol sa kasalukuyang kinakaharap na problema ng

bansa.

 Guro

-upang maituro nila ito sa kanilang mga estudyante at sa ssunod pang henerasyon ng mag-

aaral.

 Mananaliksik at kritiko

-upang madag dagan ang kanilang reperensya ukol sa mga kaugnay na paksa o tema.

Saklaw at Limitasyon

 Ang pag aaral na ito ay susubukang talakayin at alamin ang mga dahilan at mga epekto

ng pagtaas ng iflation rate sa bansa; alamin ang maaring solusyon upang maiwasan

ang pagtaas ng inflation rate sa bansa.


Paglalahad ng suliranin

 Ano ang sanhi ng pag taas ng inflation rate?

 Ano ang epekto ng pagtaas ng inflation rate?

 Ano ang maaring solusyon sa pagtaas ng inflation rate?

Depinisyon ng terminolohiya

Inflation rate -pag taas ng presyo ng mga bilihin.

Ekonomiya- ay binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa o ibang area:

ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at

ang pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon, at konsumpsiyon ng

mga kalakal at serbisyo ng areang ito.

Salapi- pera

Kalakal- produkto

Sambahayan- buong pamilya


Inflation Rate sa Pilipinas

By:

Kim lloyd Luis

Marianne Gabriel

Hedrei Castroverde

Roshelle Uclaray

Kirsten Dimapilis

You might also like