You are on page 1of 1

Klasipikasyon ng Implasyon

Demand Pull
Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais ng bawat sektor ng ekonomiya, sambahayan, kompanya o pamahalaan na makabili ng
produkto at serbisyo na mas marami sa isusuplay o ipoprodyus ng pamilihan. Ito ang kalagayan na mas labis aggregate
demand kaysa aggregate supply.

Cost push
Ang pagtaas ng presyo ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng pagtaas ng presyo ng bilihin. Ang mga sahod
ng manggagawa, pagbili ng mga hilaw na materyales at makinarya at paghahangad ng malaking tubo ang pangunahing
dahilan ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

Structural Inflation
Kawalan ng kakayahan ng ilang sektor na malayon ang anumang pagbabago sa lebel at dami ng kabuuang demand ng
ekonomiya. Pagtutunggalian ng mga pangkat sa lipunan upang makakuha ng malaking bahagi sa kabuuang kita ng bansa at
tunggalian ng wage earners at profit earners.
Mga Uri ng Panukat sa Pagbabago ng Presyo
GNP deflator o GNP Implecit Price Index
Ito ang price index na ginagamit upang pababain ang current GNP sa constant GNP. Ang GNP deflator naman ay ginagamit upang
alamin ang halaga ng GNP batay sa nakaraang taon. Pormula: GNP at constant prices= GNP at current prices deflator
Whole Sale Price Index Retail Price Index
Nagpapakita at sukatan ng pagbabagong presyo ng final goods,intermediate goods at crude materials sa bilihang whole sale at
retail.

Consumer Price Index(CPI)
Ito ang mas kilalang panukat ng implasyon. Ito ay pagsukat ng average na pagbabago ng presyo ng produkto o bilihing
pangkaraniwang kinukonsumo ng mamimili.

Pagkompyut ng CPI
1. Kunin ang tinimbang na presyo(weighted price).
-timbangXpresyo sa bawat taon
2. Pag-alam sa kabuuang tinimbang na presyo.
-pagsamasamahin ang lahat TP.
3. Kapag nakuha ang TWP ay maaaring makuha ang CPI.
Pormula:
CPI=TWP(kasalukuyang taon)/
TWP(nakarang taon o basehang taon) X 100

You might also like