You are on page 1of 6

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan

Ni: Glea Joy E. Gatongay

I. Layunin:
a. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng iba’t ibang pansukat ng implasyon
b. Naikakalkula ang CPI at Inflation rate ng isang suliranin

II. Paksang-aralin

Paksa:
Iba’t ibang Pamamaraan ng Pagsukat ng Implasyon

Sanggunian:
Ekonomiks para sa Kaunlaran 9pahina 287-296
Awtor: David Jensen G. Rosario, Jr. et. al

Kagamitang Pampagtuturo:
-Manila Paper
-Pentelpen
IFL:
Ang kahalagahan ng mga panukat ay magbibigay ng kaalaman sa atin sa bawat paggalaw
ng mga iba’t ibang pangangailangan natin sa pang araw-araw na pamumuhay.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Routines
 Everyone is seated
 Chairs are properly arranged
 Checking of attendance
 Prayer

Magandang umaga!
Magandang umaga din po.
Noong huling klase, ating pinagaralan ang
kahulugan ng Implasyon, epekto nito, at ang mga
dahilan.
Ngayon ating pag-aaralan ang iba’t ibang
pamamaraan ng pagsukat implasyon.
Paano nalalaman ang paggalaw ng mga presyo sa
ekonomiya?
Kailangang gumamit ng price index.
Magaling Micaela.
Ano ang price index?
Ito ang magsisilbing batayang panukat ng
paggalaw ng presyo ng mga bilihin.
Mahusay George.
Magbigay ng isa sa mga halimbawa ng panukat.
Consumer Price Index (CPI).
Tumpak! Brent.
Ang CPI ay ang isa sa mga pinakakilalang panukat
ng paggalaw ng presyo.

Ano ang CPI?


Sinusukat nito ang paggalaw ng presyo ng isang
Maraming salamat Sofia. representative basket ng piling produkto at
serbisyo na kinokunsumo ng karaniwang
Pormula ng CPI sambahayan sa isang batayang taon.

CPI= (Halaag ng basket ng produkto at


serbisyo sa kasalukuyan) / (Halaga ng
basket ng produkto at serbisyo sa
batayang taon) × 100

Ipagpalagay nating mayroon tayong dalawang


produkto sa isang basket: tinapay at kape.
Ipagpalagay ring ang basket ay nalalaman ng 30
pirasong tinapay at tatlong ballot na kape sa isang
buwan. Bilang panghuli, ipagpalagay na gagamiting
batayang taon ang 2015. Sumusunod ang magiging
CPI ng 2016.

CPI2016 = {[(30 × (presyo ng tinapay


bawat piraso sa taong 2016)) + (3 ×
(presyo ng kape bawat ballot sa taong
2016))] / [(30 × (presyo ng tinapay
bawat piraso sa taong 2015)) + (3 ×
(presyo ng kape bawat ballot sa taong
2015))]} × 100
Upang mas maging malinaw, gumamit tayo ng mga
numero. Halimbawa, noong 2015, ang presyo ng
tinapay ay ₱5 bawat piraso at ang presyo ng kape
ay ₱10 bawat ballot. Matapos ang isang taon,
ipagpalagay nating tumaas ang presyo ng tinapay
sa ₱8 bawat piraso at ₱15 naman sa bawat ballot
ng kape.

CPI2016 = {[30 × ₱8] + [3 × ₱15] / [30 ×


₱5] + [3 × ₱10]} × 100 = 158

CPI2015 = {[30 × ₱5] + [3 × ₱10] / [30 ×


₱5] + [3 × ₱10]} × 100 =100

Gamit ang impormasyong ito, maaari na nating


malaman ang inflation rate noong 2016, gamit ang
2015 bilang batayang taon, sa pamamagitan ng
sumusunod na pormula:

Inflation Rate2016 = [CPI2016 – CPI2015 / CPI 2015] ×


100 = [158-100 / 100] × 100 = 0.58 × 100 =
58%.

Ano ang ibigsabihin nito? Tumaas ang presyo ng basket na kinokonsumo ng


karaniwang sambahayan nang 58%.

Magaling na obserbasyon Jewel.

May pagkakataong makababasa ka ng ulat na


nagsasabing “Headline Inflation” at “Core
Inflation.”
Ano ba ang Headline inflation? Sa headline inflation, isinasama ang lahat ng bagay
sa ekonomiya na nakakaranas ng implasyon,
kabilang na ang mga volatile product o mga
produktong madalas na nagbabago-bago ang
presyo.

Magaling Cedy.
Bakit kaya isinasama ang mga volatile product?
Dahil naaapektuhan ito ng iba’t ibang kondisyon,
tulad ng pangkalikasan, political, at iba pa.

Kabilang sa mga ito ay ang pagkain na ang presyo


ay apektado ng pabago-bagong klima, at ang
petrolyo, na ang presyo ay apektado naman ng
sitwasyong politikal ng ibang bansa.

Ano naman ang Core inflation? Ito ay ang mga bagay na ang presyo ay madalas
magbago kada buwan, gaya ng pagkain at
petrolyo, ay hindi na isinasama.

Maraming salamat Kevin.


Ano pa? Ito ang ginagamit na batayan ng long-term
inflation trend, gayundin ng implasyon sa
hinaharap.

Mahusay Marc.
Ano pa? Ito ay mas nakatutulong sa paggawa ng patakarang
pang-ekonomiya sapagkat higit na nagpapakita ng
totoong galaw ng presyo ng mga produkto.

(ipapakita ang larawan ng Headline at Core


Inflation)

Base sa nalaman nating kahulugan at pagkakaiba


ng dalawa, ano ang ibig sabihin nito? Ang malaking agwat ng headline at core inflation
ay nangangahulugang malaki ang pagbabago sa
presyo ng mga itinuturing na volatile products,
gaya ng pagkain o petrolyo.

Tumpak! Magaling na obserbasyon Sarah.


Bagamat pinakakilala na panukat ng paggalaw ng
presyo ang CPI, may iba pang panukat na maaaring
gamitin. Ito ang Producer Price Index (PPI) at GDP
Deflator.

Kung ang CPI ay kumakatawan sa presyo ng


representative basket ng mga karaniwang
kinokunsumo ng sambahayan, ano naman ang
PPI? Ito ay kumakatawan sa representative basket na
naglalaman ng iba’t ibang salik ng produksiyon na
karaniwang ginagamit ng bahay-kalakal.

Maraming salamat Kurt.


Ano naman ang sinusukat ng PPI? Sinusukat ng PPI ang paggalaw na ito ayon sa isang
batayang taon.
Samantala, bagama’t ang GDP deflator ay hindi
isang price index, sinusukat nito ang paggalaw ng
market value ng lahat ng mga tapos na produkto at
serbisyo na ginawa sa loob ng bansa sa isang tiyak
na panahon.

Ano ang kahalagahan ng mga panukat ng


implasyon?
Ang kahalagahan ng mga panukat ay upang
maalaman natin ang bawat paggalaw ng mga iba’t
ibang pangangailangan natin sa pang araw-araw.
Magaling na obserbasyon Jeffrey.
Ano pa? Sa pamamagitan nito magkakaroon tayo ng
kaalaman at karunungan patungkol sa pang araw-
araw na pamumuhay sa lipunan.
Magaling Dace.

d. Pagtataya

kumuha ng kalahating papel at kunin ang CPI at


Inflation rate ng halimbawang sitwasyon.

Ipagpalagay nating mayroon tayong dalawang


produkto sa isang basket: sardinas at noodles.
Ipagpalagay ring ang basket ay naglalaman ng 10
pirasong sardinas at 5 balot ng noodles sa isang
buwan. Bilang panghuli, ipagpalagay na gagamiting
batayang taon ang 2019.

Halimbawa, noong 2019, ang presyo ng sardinas


ay ₱20 bawat piraso at ang presyo ng noodles ay
₱10 bawat ballot. Matapos ang isang taon,
ipagpalagay nating tumaas ang presyo ng sardinas
sa ₱22 bawat piraso at ₱12 naman sa bawat ballot
ng noodles.

IV. Paglalagom
Ang pagtataya ay magsisilbing paglalagom.

Takdang Aralin

Pag-aralan ang Patakarang Piskal sa pahina 192.

You might also like