Hindi gaanong maaapektuhan ng mataas na inflation rate ang presyo ng noche
buena items, ayon sa Department of Trade and Industry
Ayon kay DTI undersecretary Ruth Castelo nasa 3-8% lang ang magiging epekto ng
inflation sa presy ng nasabing mga produkto.
Katumbas lang, aniya, ito ng dalawampung sentimos hanggang taas-presyo
pisong.
Hindi rin, aniya, lahat ng produkto ay magtataas ng presyo.
Binigyang-diin ng opisyal na hindi lahat ng produkto ay ginawa sa panahong
tumataas ang inflation.
Matatandaang naabot na ang ng inflation peak sa bansa matapos itong pumalo sa
nine-year high na 6.7 nitong September.
Inaasahang maglalabas ng bagong suggested price retail (SRP) ang DTI sa
Nobyembre 15. Kaugnay nito, kumpiyansa naman ang Central Bank of the
Philippines (BSP) na babalik na sa normal ang inflation rate ng bansa pagpasok ng
2019
Bababalik sa nilalayongg antas ang inflation sa 2019, at namanatili sa mahigit 3.0%
plus 1.0 percentage pt target, ayon sa BSP.
May himig-panghihinayang si Pangulong Rodrigo Duterte sa napipintong pagalis ni
Presidential Adviser for Political Affairs Sec. Francis Toledo sa gabinete para
kumadidato sa pagka-presidente sa 2019 midterm elections.
Sinabi ng Pangulo na magaling na administrador at point man si Tolentino sa mga
panahon ng kalamidad kaya’t malaking kaawlan ito kapag nasumite na ng kanyang
certificate of candidacy (COC).
Si Tolentino aniya ang pinagkatiwalaan nito nang mag-alburuto ang bulkang
mayon sa albay at siya rin ang direct contact nito nang manalasa ang bagyong
Ompong.
Ito ang nanghihina-yang ako. Si Frances, hes a very good administrador. Iyong
lahat ng disaster, from the Mayon, he was always my point man. He was my only
contact from the outside world.
So usually kapag may mga crisis, siya ‘yung nauuna. Siya ‘yung unappreciated na
trabahante ng gobyerno. Mautak ‘yan eh, hindi mayabang,” dagdag pa ng
pangulo. Matunog noon na si Sec. Martin Anda-nar ng Communications Presi-
dential Operations Office (PCOO) ang papalit kay Tolentino.
Gayunman, inihayag ng Pangulo na gagawain niyang consultant si Andanar sa
PTV4, ang official television station ng gobyerno.
Hiniling mga ng consumer sa price team monitoring sa Calocoan-Malabon-
Navotas at Valenzuela (Camanava) area na bantayan ang pagsirit ng presyo ng
isda, lalo ngayong nalalapit na ang Santa Semana.
Ayon sa report, bagamat may isang buwan pa bago ang Holly Week ay tumaas na
ang demand sa isda sa mga pantalan sa Malabon at Navotas.
Nitong January at February ay kakaunti ang huli sa isdang dagat, gaya ng
galunggong, dalagang bukid, tambakol at hasa-hasa, dahil sa tagalamig pero
bumalik na sa normal ngaun ay inaasahang sasasamantalahin ng mga biyahero na
itaas ang price ng mga ito.
Naging mabili ang tilapia, na nasa P100 ang kada kilo habang ang bangus naman
ay nasa P120 ang kgs.
Ang galunggong ay P130 ang bawat kilo, ang dalagang bukid ay P220 kada kilo
habang ang hipon ay nasa P330 ang per kilo.
Inaasahan na tataas ang presyo ng isda sa P20-30 kada kilo, dahil malapit na ang
Mahal na Araw, habang mananamlay naman ang demand sa karneng baboy at
manok, bilang pag-aayuno ng mga katoliko tuwing holy week.
Giit ng mga consumero, dapat na bantayan ang pagtaas ng presyo ng isda at
patawan ng karampatang parusa ang mga mapagsamantalang negosyantes.