You are on page 1of 3

Tumaas ang presyo ng maraming produkto dahil sa paghina ng Piso kontra Dolyar, ayon sa

Department of Trade and Industry (DTI).


Kabilang sa mga tumaas ang presyo ang ilang klase ng de-latang sardinas, meat loaf, corned
beef at luncheon meat, gatas na kondensada at evaporada, patis at soy sauce, sabong
panlaba, at bottled water.
Sa tala ng Philippine Statistics Authority, umakyat sa 3.1% ang inflation o bilis ng pagmahal ng
produkto o serbisyo noong Agosto mula sa 2.8% noong Hulyo.
Ayon sa ilang supermarket owner, nagsitaasan ang presyo ng maraming bilihin lalo na iyong
may imported na sangkap.
Samantala, nabawasan naman ang presyo ng ibang brand ng produkto gaya ng kandila, asin,
at patis.
May dalawang brand naman ng de-latang karne na humihirit ng hanggang 12% dagdag presyo
simula Setyembre 15.
Pero ayon sa DTI, pinag-aaralan pa nila ang hiling na dagdag-presyo.
Babala ng supermarket owners, posibleng lalong magmamahal ang presyo ng bilihin, lalo na
iyong may imported na sangkap, kapag lalo pang humina ang palitan ng Piso kontra Dolyar
habang papalapit ang Pasko.
Maaari rin anilang tumaas pa ang presyo ng bilihin kapag naipasa ang bagong excise tax na
tatamaan din ang singil sa pagbibiyahe ng mga produkto at singil sa kuryente.

Sinimulan na ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Lalawigan ng Camarines Norte ang
pagmonitor dito sa presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong darating na pasko hanggang pagsapit ng
bagong taon.

Kabilang na dito ang mga produkto para sa Noche Buena, Christmas Lights at iba pa upang mabantayan
ang mga presyo nito, gayundin upang masiguro ang kalidad ng mga produkto.

Ayon kay Christian Porlucas, Trade and Industry Development Analyst ng DTI Camarines Norte,
sinimulan na ng kanilang tanggapan ang pagmonitor sa mga pangunahing bilihin sa lahat ng mga
pamilihang bayan ganundin ang mga malls at mga tindahan sa Camarines Norte.

Aniya, maglalagay din sila ng mga Suggested Retail Price (SRP) sa bawat establisyemento at mga
tindahan upang magsilbing gabay ng mga mamimili ngayong holiday season.

Dagdag pa niya na magiging mahigpit ang kanilang isasagawang monitoring para masiguro ang
kaligtasan ng mamimili laban sa mga substandard na produkto na posibleng maglabasan ngayong sasapit
ang kapaskuhan at bagong taon.

Paalala ng DTI sa mga mamimili na hanggat maaari ay maghanda na ng mga kailangan na bilihin upang
maiwasan ang pagmamadali sa pamimili lalo na sa mga pangdekorasyon sa mga tahanan katulad ng mga
Christmas light na kinakailangang suriing mabuti para hindi mabiktima ng mga depektibong produkto.

Siguraduhin din na ang kanilang bibilihin lalo na ang mga di-kuryenteng kagamitan ay dapat mayroong
tatak na PS Mark (Philippine Standard) at Imported Commodity Clearance (ICC) Sticker.

Ang mga produktong mayroong PS Mark at ICC Sticker ay dumaan sa masusing pagsisiyasat at walang
depekto na maaaring makapaminsala at maganda ang kalidad ng produkto.

Samantala, nagsasagawa rin ng monitoring ang naturang tanggapan sa presyo ng mga produktong kandila
na gagamitin ngayong darating na Undas sa ika-1 ng Nobyembre ngayong taon.

days to go bago ang Pasko! Mayroon na bang nakasabit na pailaw sa inyong


tahanan? Kung wala pa alamin kung magkakano ang presyo ng mga paborito
mong pailaw sa Barnagay Carangalaan Daguoan City! Isa ito sa mga dinarayong
bilihan dahil halos dito mo na mahaahanap ang lahat ng klase ng Pailaw sa Pasko.

Nagsulputan na dito ang kaliwat kanang nagbebenta kaya marami kkang


pagpipilian.

Kung tipid at dekalidad ang iyong peg sa pang dekorasyon sa inyong bahay
perfect ang Presyo dito.

Parol Kapis

-Big 3500

-Small- 1000

Peacock Lantern

Big-2500

Small- 1800

Spiral 1500
Rose Lights-(Per set) 500

Reindeer(Per set)- 3500

Ayon sa mga nagbebenta tataas at tataas parin ang bentahan ng mga ito sa
papalapit na Pasko kaya Bumili ng maaga para makaiwas sa aberya at makatipid
pa!

You might also like