You are on page 1of 1

Nagtaasan ang presyo ng mga produktong pang-Noche Buena, higit isang buwan bago ang Pasko.

Wala pang inilalabas na price guide ang Department of Trade and Industry (DTI) pero ginamit na batayan
ng ABS-CBN News sa pag-check ng presyo ang price guide noong nakaraang holiday season.

Tumaas nang P5 hanggang P6 ang presyo ng kada pakete ng ilang klase ng hamon habang P120 ang
itinaas ng iminahal ng isang brand ng chicken ham.

Naglalaro naman sa P1.70 hanggang P7.25 ang taas-presyo sa kada pakete ng ilang brand ng elbow
macaroni habang P2 hanggang P4 ang kada lata ng ilang fruit cocktail.

Nagmahal din ang ilang klase ng spaghetti ng hanggang P5 kada pakete. Hanggang P6 naman ang itinaas
sa presyo ng tomato sauce.

Para Philippine Amalgamated Supermarkets Association, kung sumipa ang demand sa mga produktong
pang-Noche Buena, tataas pa ang presyo habang papalapit ang Pasko.

Marcos Jr inaasahang tatalakayin ang mga isyu ng ekonomiya, West PH Sea sa APEC

Nasa Amerika na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para dumalo sa APEC Summit. Inaasahan na
magkakaroon ng pagkakataon ang pangulo na talakayin ang ilang isyu ng ekonomiya ng Pilipinas at ang
tumitinding tensiyon sa West Philippine Sea.

You might also like