You are on page 1of 2

P500 'Noche Buena shopping' ng DTI umani ng iba't ibang

reaksyon
Umani ng iba’t ibang reaksyon ang post ng DTI patungkol sa "Noche Buena budget
shopping".

Pinakita dito na sa halagang P500, makakabili ka umano ng 500g ng American ham, 250g
ng Pinoy pandesal, 200g ng keso, 800g ng pasta, 1kg ng spaghetti sauce, 1/8 kg ng pork
giniling, fruit cocktail at malapot na gatas.

Total of P488 at ang sobra, pwede pang magdagdag ng ibang sangkap at pampalasa.

Sa isang palengke sa Barangay Tatalon, si Analyn Balongag na isang cook sa isang kainan
at mayroong 5 anak at asawa, ay namalengke para malaman kung saan nga ba aabot ang
P500 niya pang Noche Buena.

Sa kabila ng pagtaas ng mga bilihin, gusto pa rin ng mga Pilipino makapaghanda kahit
simple sa Pasko. Pero hindi ito makukumpleto kapag hindi natin kasama ang mga mahal
natin sa buhay.

Sa iba pang balita ay nagpositibo sa E. Coli Bacteria ang mga nasabat ng mga autoridad na
smuggled onion. Bago pa man ang examinasyon ay tinignan ng pamahalaan kung maaaring
ibenta ang mga nasabat na sibuyas sa mga kadiwa stores pero matapos lumabas ang
resulta ay sinabi ng Department of Agriculture na mapanganib ito sa kalusugan ng publiko.
Ayon sa tagapagsalita ng Department of Agriculture o DA ay sinabi na base sa mga findings
at sanitary analysis nila ay may mga findings na wala talaga sa standards ang mga ito kaya
hindi ito maaaring ikonsumo ng mga tao. Ayon din sa DA ay susunugin o ibabaon na lamang
ang mga smuggled na sibuyas at hindi na ito ibebenta sa mga pamilihan.

Doon nagtatapos ang aking ulat.

You might also like