You are on page 1of 1

Batang tapat: Napulot na pouch

bag na may lamang pera at


cellphone, isinauli
Published December 20, 2011 6:17pm

Nagpamalas ng katapatan ang apat na taong gulang na si Prince Jovan


Aviguetero nang sambitin nito sa kanyang ina na isauli sa may-ari ang napulot
niyang pitaka sa isang pamilihan sa Tarlac. Nag-iikot ang mag-inang
Aviguetero, tubong Mangatarem, Pangasinan, sa isang RTW store sa
Camiling, Tarlac nang matagpuan ni PJ ang isang pouch bag na may lamang
cellphone, identification cards at P10,000. Pero sa kabila ng pangangailangan
ng mag-ina nang mga sandaling iyon, nanaig ang busilak na kalooban ng
paslit. “Ma, may napulot ako na wallet. Ibalik sa may-ari sabi niya. Nasorpresa
ako na sinabi niya yun," kuwento ni Evangeline Aviguetero, ina ni PJ.
Tumatak daw kay PJ ang napanood sa telebisyon na pagsasauli ng mga
napupulot na gamit. Mismong ang mag-ina ang nagtungo sa pulisya para
ipaalam ang napulot na pouch bag at mahanap ang may-ari nito. “Ang sabi ng
bata, nakita niya sa damit na yung pouch. Habang nagkakalkal daw sila,
nakita niya yung bag. In the spirit of christmas, dinala sa aming opisina," ayon
kay P/Chief Insp. Diosdado Lagasca ng Camiling PNP. Inakala raw ng may-
ari ng pouch bag na nadukutan siya, ayon sa pulisya. Natukoy naman at
naibalik sa may-ari ang pouch bag na nakilalang si Julie Tomas, na sinuklian
naman ang kabaitan ng bata. “Ang sabi ng bata, nakita niya sa damit na yung
pouch. Habang nagkakalkal daw sila, nakita niya yung bag. In the spirit of
christmas, dinala sa aming opisina," dagdag ni P/Chief Insp. Diosdado
Lagasca ng Camiling PNP. Payo naman ni PJ sa iba pang bata na katulad
niya, isauli sa tunay na may-ari ang mga bagay na mapupulot. – AST,
GLCalicdan/FRJ, GMA News

You might also like