You are on page 1of 3

Sangay ng Ekonomiks

Isang malawak na agham panlipunan ang ekonomiks. Nahahati ito sa dalawang sangay; ang
microeconomics at macroeconomics. Tumutukoy ang microeconomics sa pagsusuri at ng pagdedesinyo ng
maliliit na bahagi ng ekonomiya tulad ng mga indibidwal, sambayanan, at bahay-kalakal. Tinatalakay sa
microeconomics ang mga paksang may kinalaman sa pagsusuri ng pangangailangan at kagustuhan, alokasyon
ng pinagkukunang yaman, mga gawi ng mamimili, at produksiyon ng mga produkto at serbisyo.
Samantala, tumutukoy naman ang macroeconomics sa pangkalahatang pagsusuri ng mga isyu tulad ng
kahirapan, kawalan ng trabaho, at kakulangan sa pondo ng pamahalaan na makaaapekto sa ekonomiya ng bansa.
Nakatuon ang macroeconomics sa paraan ng pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga mamamayan
upang matiyak ang kaunlaran at katangiang pang-ekonomiya ng bansa.

Doon sa Silid
Ang silid ni lolang kinatatakutan,
Yari sa lumang kahoy at inaanay.
Bagama’t may kaba, ako ay pumasok.
Puro alikabok… nakasusulasok…
At maya-maya pa, biglang may umusok.
Ang mga maligno’t multo’y bumubulusok!
Masama ang tingin, kampon ng lagim.
Totoo pala, Ding. Si Lola’y may lihim.

Bakit Dapat Piliin ang Kalakal bilang Salita ng Taon!


Dapat na hirangin ang “kalakal” bilang Salita ng Taon ngayong 2014 dahil ito ang susi sa ating
kinabukasan at kaunlaran. Matutugunan ang kahirapan kung pipiliin at isasapuso ang bawat Filipino ang
maging isang mangangalakal o negosyante. Ayon sa isang artikulong nailathala sa Forbes Magazine,
kinakailangang marunong makipagsapalaran ang isang mangangalakal upang maging matagumpay.
Maaaring pagmulan ng yaman ang mga basyo at basura kung ang isang indibidwal ay maparaan at
malikhain sa pangangalakal. Katunayan, may ilang non-governmental organization (NGO) o foundation ang
tumutulong at nagtuturo sa mahihirap na komunidad upang pagkakitaan ang napulot na mga scrap para gawing
bag, palamuti, abubot, atmarami pang iba na iniluluwas bilang kalakal.
Noong Gitnang Panahon itinuring na isang larangan ang kalakal sa Europa at sumabay rin sa ganoong
tunguhin an gating bansa. Mapamaraan at malikhain ang mga Pilipino lalo na saoras ng kagipitan o kahirapan.
Kahit anong uri ng kabuhayan ay susuungin upang matiyak na magiging maayos ang buhay ng pamilya.
Metamorphosis*
Kasumpa-sumpa raw ang klaseng kinabibilangan naming. Mala-impyerno nga raw ito ng mga guro dahil
maingay kami at katitigas ng ulo naming. Parati na lamang naming pinagtitripan an gaming guro. Nariyan iyong
lagyan naming ng thumbtacks ang upuan niya. Minsan, nagdala rin ako ng palaka at inihagis ito sa aming guro.
Madalas nga tuloy akong mapatawag sa principal. Akala siguro nila ay titino ako kapag ang principal ang
kaharap ko. Sa halip, pilosopo pa akong sumagot. Ang bansag nga sa akin ay, “teacher’s enemy number 1.”
Kailanman ay ‘di ako naging “teacher’s pet.”

May karapatan ba si Grace Poe na tumakbo bilang pangulo ng bansa?


Impormasyon Pagsusuri o Interpretasyon
1. Si Grace Poe ay isang foundling na Dapat isang natural-born citizen ang sinumang tatakbo sa
natagpuan sa may simbahan sa Iloolo pagkapangulo ng bansa. Walang malinaw na batas sa Pilipinas
na legal na inampon ng mag-asawang na nagkakaloob sa isang foundling ng pagkamamamayan.
Fernando Poe Jr. at Susan Roces. Dahil legal ang pag-ampon kay Grace Poe, itinuturing siya ng
batas na isang lehitimong anak kung saan may karapatan
siyang gamitin ang apelyido ng magulang na umampon sa
kaniya.Subalit sa ating bansa, jus sanguinis ang sinusunod,
kung saan nakabatay sito sa nasyonalidad ng magulang ng
bata. Bagaman Filipino ang kaniyang magulang na kinagisnan,
hindi maiiwasan na busisihin ang pagkamamamayan ni Grace
Poe dahil isa siyang foundling na inampon.

Hangga’t walang malinaw at tiyak na batas sa ating bansa na


kumikilala sa pagkamamamayan ng isang foundling bilang
Filipino, mananatiling Malabo ang citizenship ng isang
foundling sa ating bansa at maituturing siyang stateless.
2. Naging US citizen si Grace Poe noong Ayon sa Seksyon 3 ng Artikulo IV ng 1987 Saligang Batas,
taong 2001. maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang Filipino sa
bias ng naturalization. Kung ituturing na isang natural-born si
Grace Poe, nawala ang kaniyang pagkamamamayan noon
naging US citizen siya.

Paano magluto ng Puto

MGA SANGKAP:
2 tasa All Purpose Flour, sinala sa strainer
2 tbsp Baking Powder, sinala sa strainer
2 itlog
3 patak* Vanilla Flavor (Green Leaves brand)
1 tasa sugar
7 tbsp butter (Anchor)
3/4 tasa Evaporated Milk
1 tasa ng tubig
Cheddar Cheese (gumamit ng eden cheese kung gusto ng medyo tunaw na keso sa puto)
*Ang Green Leaves flavoring ay masyado matapang ang amoy, kaya ilang patak lamang ang dapat
ilagay kung ihahambing sa ibang brand.

*kami ay gumamit ng panukat na basehan ang US Standard Cup measurement.

PARAAN:
1) Sa isang maliit na bowl, tunawin ang isang stick na butter sa microwave (30-40 seconds) or
tunawin sa kalan at gumamit ng isang sauce pan. Kailangan po natin ng 7 tbsp na tunaw na butter

2) Isalin ang tinunaw na butter sa isang malaking mangkok, ilagay ang 2 itlog at ½ tasa ng asukal.
Gumamit at haluin ng whisk or beater. Ok lang po kahit walang electric beater.Pagkatapos ihalo na
po ang 1 tasa ng evaporated milk, at kurot ng asin.

3) Idagdag at ihalo ang 2 tasa ng all purpose flour at 2 tbsp ng baking powder. Haluin mabuti at
idagdag ang vanilla flavor at unti unting idagdag ang 1 cup na tubig.

4) Ang lapot po ng mixture natin ay dapat katulad ng sa pancake batter. Sakto lamang po ang halo at
hindi dapat kulangin or sumobra sa halo para hindi mawala ang mga bubbles or hangin sa batter or
mixture. Ginamitan ko po ng electric hand mixer kaya mabula sya. Kapag mabula po, mas magiging
fluffy or maalsa ang puto.

5) Dahan dahan ibuhos ang puto batter sa puto moldings. Huwag po itong pupunuin, mga 3/4 lamang
ng molding. Dahil aalsa pa po ang puto. ilagay sa ibabaw ang hiniwang keso, dapat parihaba at
hiniwa ng magkakasukat. Isantabi muna.

6) Ihanda ang steamer, lagyan ng tubig ang ibabang bahagi ng steamer. Pakuluin.

7) Kapag kumukulo na ang tubig, saka ipatong ang tray ng steamer kasama ng mga nakasalansang
na puto molds na may mixture.

8) Maglagay po ng puting cloth on top ng steamer at takpan para hindi matuluan ang puto ng tubig ng
steamer, upang hindi mahilaw at masabawan ang puto batter.

9) Steam po natin ng 15 minutes sa mababang apoy at takpan maigi. Huwag sisilipin hangat di
umabot sa 15 minuto para hindi mahilaw.

10.) Para malaman kung luto na, tusukin ang gitna ng puto ng toothpick. Kapag walang dumikit na
malagkit sa gilid ng toothpick ay luto na po ito. Maari ka ng magtinda ng puto!

You might also like