You are on page 1of 3

IMPORMATIBONG TEKSTO (INFORMATIVE TEXT)

Sangay ng Ekonomiks

Isang malawak na agham panlipunan ang ekonomiks. Nahahati ito sa dalawang


sangay: ang microeconomics at macroeconomics. Tumutukoy ang microeconomics sa
pagsusuri at ng pagdedesisyon ng maliliit na bahagi ng ekonomiya tulad ng mga indibidwal,
sambahayan, at bahay-kalakal. Tinatalakay sa microeconomics ang mga paksang may
kinalaman sa pagsusuri ng pangangailangan at kagustuhan, alokasyon ng pinagkukunang
yaman, mga gawi ng mamimili, at produksiyon ng mga produkto at serbisyo.
Samantala, tumutukoy naman ang macroeconomics sa pangkalahatang pagsusuri ng
mga isyu tulad ng kahirapan, kawalan ng trabaho, at kakulangan sa pondo ng pamahalaan
na nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa. Nakatuon ang macroeconomics sa paraan ng
pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga mamamayan upang matiyak ang
kaunlaran at katatagang pang-ekonomiya ng bansa.

DESKRIPTIBONG TEKSTO (DESCRIPTIVE TEXT)


Doon sa Silid

Ang silid ni lolang kinakatakutan,


Yari sa lumang kahoy at inaanay.

Bagama’t may kaba, ako ay pumasok.


Puro alikabok… nakasusulasok…
At maya-maya pa, biglang may umusok.
Ang mga maligno’t multo’y bumulusok!

Masama ang tingin, kampon ng lagim.


Totoo pala, Ding. Si lola’y may lihim.

PERSUWEYSIB NA TEKSTO (PERSUASIVE TEXT)


Bakit kailangan kong magpabakuna para sa COVID-19?

https://www.health.gov.au/sites/default/files/documents/2021/06/covid-19-vaccination-
bakit-kailangan-kong-magpabakuna-para-sa-covid-19-why-should-i-get-the-covid-19-vaccine-
bakit-kailangan-kong-magpabakuna-para-sa-covid-19.pdf
NARATIBONG TEKSTO (NARATIVE TEXT)
Metamorphosis

Kasumpa-sumpa raw ang klaseng kinabibilangan naming. Mala-impiyerno nga raw


ito sabi ng mga guro dahil maingay kami at katitigas ng ulo naming. Parati na lamang
naming pinagtitripan ang aming guro. Nariyan iyong lagyan naming ng thumbtacks ang
upuan niya. Minsan, nagdala rin ako ng palaka at inihagis ito sa aming guro. Madalas nga
tuloy akong mapatawag ng principal. Akala siguro nila eh titino ako kapag ang principal
ang kaharap ko. Sa halip, pilosopo pa akong sumagot. Ang bansag nga sa akin ay, “teacher’s
enemy number 1.” Kailanman ay di ako naging teacher’s pet.”
*Ang akdang ito ay nagwagi ng ikatlong gantimpala sa ika-17 USTETIKA para sa kategorya ng sanaysay.

ARGUMENTATIBONG TEKSTO (ARGUMENTATIVE TEXT)


Isa si Grace Poe sa kandidato sa pagkapangulo noong nakaraang halalan. May karapatan ba
si Grace Poe na tumakbo bilang pangulo ng bansa? Nakasaad sa Seksiyon 2 artikulo VII
Sangay ng Ehekutibo ang mga kinakailangan para sa pagtakbo sa pagkapangulo sa bansa.
Tunghayan sa ibaba kung paano inilahad ang mga impormasyon sa teksto sa paraang
argumentatibo.
Impormasyon Pagsusuri o Interpretasyon
1. Si Grace Poe ay isang foundling na Dapat isang natural-born citizen ang
natagpuan sa may simbahan sa Iloilo sinumang tatakbo sa pagkapangulo ng bansa.
na legal na inampon ng mag-asawang Walang malinaw na batas sa Pilipinas na
Fernando Poe Jr. at Susan Roces. nagkakaloob sa isang foundling ng
pagkamamamayan. Dahil legal ang pag-
ampon kay Grace Poe, itinuturing siya ng
batas na isang lehitimong anak kung saan
may karapatan siyang gamitin ang apelyido
ng magulang na umampon sa kaniya.

Subalit sa ating bansa, jus sanguinis ang


sinusunod, kung saan nakabatay ito sa
nasyonalidad ng magulang ng bata.
Bagaman, Filipino ang kaniyang magulang
na kinagisnan, hindi maiiwasan na busisiin
ang pagkamamamayan ni Grace Poe dahil isa
siyang foundling na inampon.
Hangga’t walang malinaw at tiyak na batas
sa ating bans ana kumikilala sa
pagkamamamayan ng isang foundling bilang
Filipino, mananatiling Malabo ang
citizenship ng isang foundling sa ating bansa
at maituturing siyang stateless.

2. Naging US citizen si Grace Poe noong Ayon sa Seksiyon 3 ng artikulo IV ng 1987


2001. Saligang Batas, maaaring mawala ang
pagkamamamayan ng isang Filipino sab isa
ng naturalization. Kung itinuturing na isang
natural-born si Grace Poe, Nawala ang
kaniyang pagkamamamayan noong US
citizen siya.

3. Si Grace Poe ay ipinanganak noong Dapat ay nasa apatnapung taong gulang


Setyembre 3, 1968. pataas ang kandidato sa araw ng eleksiyon.
Sa Mayo, si Grace Poe ay apatnapung pitong
gulang.

PROSIDYURAL NA TEKSTO (PROCEDURAL TEXT)


Paano ang Tamang Paggamit at Pagtapon ng Medical Mask?

1. Bago kumuha ng hindi pa gamit na mask, maghugas muna ng kamay gamit ang
sabon at tubig o magpahid ng alcohol-based sanitizer.
2. Kuhanin ang mask at suriin kung may punit o butas.
3. Alamin kung nasaan ang metal strip, ito dapat ang itaas na parte.
4. Ang may kulay na parte ang dapat na nasal abas.
5. Ilagay na ito sa mukha na natatakpan ang ilong at bibig. I-molde ang metal strip
sa ilong.
6. Hilahin ito hanggang sa baba.
7. Matapos gamitin, hubarin, hawakan lamang ang mga strap na nakakabit sa tenga.
8. Huwag hayaang madikit ang labas na parte sa iyong mukha o damit.
9. Iwasang hawakan ang labas ng parte ng mask 
10. Itapon ang mask sa basurahang may takip.
11. Maghugas ng kamay.

https://doh.gov.ph/node/20141

You might also like