You are on page 1of 2

Pangalan:

Baitang at Pangkat:
Petsa:

QUARTER 2 WEEK 2

Karapatan,Aking Iingatan; Tungkulin, Aking Gagampanan!


Ano ang iyong mga karapatan?

Nang ikaw ay nag-aral sa elementarya, marahil ay napag-aralan ninyo ang ukol sa karapatan mo bilang
mamamayang Pilipino. Ngayong ikaw ay nasa ika-siyam na baitang ay muli mo itong makikilala. Sa
pagsisimula ng regimen ng dating pangulong Corazon Aquino noong 1986, nilikha ang isang bagong
konstitusyon at kasama dito ang paglikha ng bagong kalipunan ng mga karapatang pantao. Ika-11 ng Pebrero
1987 nang iproklama at ipakilala sa madla ang 1987 Philippine Constitution.

Ano ang Iyong Tungkulin?

Ayon sa isang kasabihan, “With Great power comes great responsibility.” Nangangahulugan itong ang
bawat kalakasan ay may kaakibat na responsibilidad na kinakailangan nating gampanan. Ang iyong mga
karapatan ay iyong power, ngunit ang power na ito ay may kaakibat na responsibilidad at tungkulin.
Ang iyong karapatang makapag-aral ay kaakibat ang tungkuling gawin ang iyong buong makakaya upang
matuto; ang iyong karapatan sa iyong buhay ay may kaakibat na tungkuling pangalagaan ang iyong
kalusugan; ang iyong karapatang makapaghanap-buhay ay may kaakibat na tungkuling gawin ang iyong
buong makakaya upang umunlad ang iyong pamumuhay. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga
tungkuling hindi maaaring alisin sapagkat ito’y katambal ng iyong karapatan. Bilang mamamayan, ating
tungkulin na gamitin sa tamang pamamaraan at para sa tamang mga layunin ang ibinigay na karapatan sa
atin.

A. Panuto: Pag-aralan ang bawat sitwasyon sa bahaging itong ng iyong modyul. Iguhit ang masayang
emoji ( ) kung ito ay nagpapakita pagpapahalaga at pagpapatupad ng karapatan, at malungkot na
emoji kung ito ay nagpapakita ng paglabag sa karapatang pantao. Isulat ang iyong kasagutan sa
iyong sagutang papel. (Ang bawat bilang ay dalawang puntos ang katumbas)

1. Buong kasiyahang sinalubong ng mag-asawang Reyes ang kanilang bagong silang na sanggol at
pinangalanan itong Grace.
2. Kalunos lunos ang kalagayan ni Emma at ng kaniyang mga kasama matapos maloko ng illegal
recruiter. Sa halip na trabaho sa pabrika ay sa malulupit na amo sila napunta upang maging
katulong.
3. Walang nagawa si Mang Lito ng may nagpunta sa kanila at inaangkin ang kanilang lupa. Nagpakita
pa ito ng titulo na nagsasaad na ibinenta ng ninuno ni Mang Lito ang lupa. Ipinagtaka ito ni Mang
Lito gayang siya ay may hawak ding titulo.
4. Masayang masaya si Anita sa kaniyang unang araw sa paaralan sapagkat magkakaroon siya ng
mga bagong kaibigan at kalaro.
5. Hindi tinanggap sa trabaho si Gerald kahit siya ay kwalipikado dahil diumano sa siya ay malambot
at mahinhin magsalita.
6. Patuloy na nagdudulot ng takot at pangamba ang mga pag-atake ng mga terorista sa ilang
probinsiya sa Mindanao.
7. Hindi pinigilan si Ahmed na maging Kristiyano kahit na Islam ang relihiyon ng kaniyang mga
magulang.
8. Kahit natatakot ay nagawang ipalaglag ni Salome ang sanggol na kaniyang ipinagbubuntis
sapagkat natatakot siya na siya ay itakwil ng kaniyang mga magulang kapag ito’y kanilang napag-
alaman.
9. Lumapit si Joy sa kapulisan matapos ipost ang kaniyang pangalan sa Facebook at sabihan ng
makapanirang-puring mga pahayag mula sa kaniyang kaalitan. Agad namang ipinatawag ang
nagpost at inatasang humarap at magpaliwanag.
10. Madalas bugbugin si Tessa ng kaniyang asawa sa tuwing ito ay malalasing.

B. Panuto: Tukuyin kung KARAPATAN o TUNGKULIN ang isinasaad ng mga sumusunod na


pangungusap.

1. Bumuo ng pamilya kasama ang taong minamahal.


2. Gumawa ng mga takdang aralin.
3. Magtrabaho sa ibang bansa.
4. Pumili ng relihiyon.
5. Bumili ng mga ari-arian.
6. Gawin ang trabaho ng may dedikasyon.
7. Magkaroon ng personal na kagamitan.
8. Magbayad ng tamang pamasahe.
9. Alagaan ang kalusugan.
10. Makapaglaro at makapaglibang.

C. Sanaysay

Kung ikaw ay magiging isang mambabatas at mabibigyan ng pagkakataong gumawa ng isang


batas na magtataguyod ng isang karapatan na sa tingin mo ay madalas ipagwalang bahala, ano ang
itatawag mo sa panukalang batas mo na ito at ano ang magiging kakayahan at para kanino nito?

Gabay sa pagmamarka.

 10 pts. kung naipaliwanag nang maayos ang pahayag.


 8pts. kung naipaliwanag lng ng konti ang pahayag at walang halimbawa.
 6pts. may nasabi lng ng konti sa pahayag.

You might also like